Sunday, August 11, 2013

Imulat ang Puso

It is a Filipino poem I made last August 3, 2013. I just want to express my love/feelings to someone who doesn't see me in every aspect and even efforts I made for him. I'm just hoping that for these thing, I can express my secret love. I know that 1 out of 10 is the only chance that he might read this. Jiiieyyyrabs ♥

Imulat mo naman ang mga mata mo, oh?
Baka sakaling makita mo ako.
Ang taong laging umiintindi at tumutulong sayo.
Lalo na't pag kailangan mo.

Susundin lahat ng trip mo.
Kahit ako ay magkandalokoloko.
Ganyan ang pagmamahal sayo.
Kahit bulag ang iyong mata at puso.

Ilang ulit na bang nagpapansin?
Pero wala pa ring dating.
Kaya ko namang tiisin.
Basta ba't may mararating.

Alam ang lahat tungkol sayo.
Daig pa ang mahal mo.
'di na ba mababago?
Hanggang dito nalang ba talaga ako?

Minamahal kita.
Kahit na ayaw nila
Patuloy pa ring ginagawa
Ang sayo'y makagaganda.

Tanga na kung tanga.
Pero ito ang nadarama.
Kelan ba matatamasa?
Ang mga salitang "Mahal kita?"

Pansinin mo naman ako.
'wag lang kaibigan ang trato.
Paganahin ang damdaming bato.
Nang maramdaman ang totoo.

Tayo'y tunay na magkasalungat.
Ngunit alam ng puso ko na ikaw ang karapat dapat.
Mata at puso'y imulat.
Nang isip mo ay pangalan ko na ang sinusulat.

No comments:

Post a Comment