Friday, November 14, 2014

Ang aking mga Tula

An old poem made by me. Lol! It was the lastyear's one of the masterpiece. Lol again. Para to sa crush ko noon na hindi ako pinapansin noon. Hehehe! Masyado pa kong bata nito haha.

"Bakit ba Crush kita?"

Bakit ba crush kita?
Wala namang napapala.
Tayo'y magkakilala
Pero ika'y umiiwas na.

Gulong gulo ang isip ko,
Bakit na nagkaganito?
Maayos naman tayo
Bago magkolehiyo.

Tila ang daming nagbago,
Parang hindi tayo magkakilala.
Sasabog na ang ulo ko
Sa kakaisip, ano bang problema?

Simpleng pasulyap tingin
Na para bang kakainin.
Pinipilit maging matiisin
Yan ang aking gawain.

Walang ginawa kundi magpakiramdaman.
Ngunit sa isip ko'y gusto kang ngitian
Subalit takot sa kalalabasan,
Baka mamali pa sa iyong isipan.

Eto namang isang poem na 'to. Dedicated to dun sa lalaking sobrang gusto ko noon. Muntik na nga kong mabaliw sa kanya. Pero DI NA NGAYON :) Actually, same day ko to ginawa and base sa blog ko dati na poem din (Imulat ang Puso). It was August 3, 2013 :) 

"Wala Pa Rin"

Iniisip kita,
Sa tuwing nag-iisa
Nananaginip ba?
Ngunit bukas ang mata.

'Di ko malaman ang nadarama
Naaalala ang masayang kwentuhan
Perp bumabalik ang lungkot dahil ako'y kaibigan lang.
Sadya bang sarado ang isipan?
O talagang manhid ka lang?

Iniintindi ang lahat sayo
Tinatanggap kahit nasasaktan na ako.
Please lang lumingon ka naman.
Nang makita ako, hindi lang pag kailangan.

Ano ba ang meron sila?
Ginawa naman lahat ng makakaya
MApansin lang ng iyong mata.
Ngunit wala pa rin. Wala pa rin.

No comments:

Post a Comment