Monday, December 14, 2015

Maling Akala

"Buti pa sa ibang birthday present ka. Buti pa sa ibang surprises di ka nawawala. Pero dun sa pinakaaabangan kong special day ko, di ka makakapunta"

Akala ko kahit di kita sabihan, alam mo na eh. Akala ko talagang nireserve mo na yung araw na yun para sakin e. Akala ko magiging extra happy ako pagdating nung araw na yun e. Akala ko lang pala lahat.

Okay lang. Sanay naman ako na least priority mo. Sanay naman ako na hindi ako yung pinipili mo. Sanay naman ako na tatawagin mo lang ako kasi kailangan. Sanay naman ako eh. Sanay na sanay. Pero bakit nasasaktan pa rin ako? Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko magawang maging immune kahit ekspiryensadong ekspiryensado na ko pagdating sayo e.

Well everything is going to happen for a reason. Wala naman ako magagawa eh kung hindi ka pwede. Wala naman talaga e. Okay lang kahit hindi. Hays. I have all the signs to give up but I'm still here. Okay lang. Okay lang naman maging tanga diba? Okay lang. Sasaya pa rin naman ako sa araw na yun kasi ang dami kong kaibigan na pupunta at mapapatunayan na mahal nila ako. na IMPORTANTE ako sa kanila. Well, thanks pa rin. Dinagdagan mo na naman ako ng reason. :) Thanks!

No comments:

Post a Comment