Tuesday, February 16, 2016

Babee's POV (Sana)

Hindi ko akalain na magiging ganito ako kaswerte sa kaibigan. Hindi ko naisip na may mag-aalaga at may umiintindi sa akin. Di ko inexpect na magiging ganito ako kaimportante sa isang tao...

Ilang taon na rin akong nasanay sa araw araw na set-up namin. Wala ako kung wala sya. Kumbaga, kulang na kulang ako pag wala sya. Natutuwa ako kasi ang swerte ko. Kung hindi dahil sa kanya, siguro hindi ko naabot kung ano na ako ngayon. Lagi syang nandyan para sakin. Isang please ko lang saknya, ginagawa nya talaga. Hindi nya ako kayang tiisin. Sobrang lakas ko sakanya, ganon. Tipong pag may kailangan ako, di ko pa man din sinasabi, ayan nakaready na agad. Ganon sya katyaga sakin. As in lahat na siguro dinudulot nya sa akin. Kaya naman hindi ko maisip yung sarili ko pag wala sya. Siguro kakayanin ko, pero siguro maninibago ako.

Ilang taon na rin kaming paulit ulit. Ilang taon ko na ring napapansin na may nararamdaman siya sakin. Hindi ka naman gagawa ng isang bagay para sa isang tao lalo na kung hindi mo gusto. Matagal ko nanag alam na gusto nya ako, na mahal nya ako. Mahal ko rin sya bilang isang kaibigan. Mahal na mahal, at walang makakahusga doon dahil importante sya sa akin. Kahit minsan alam kong hindi nya yun nararamdaman. Hindi ko alam kung paano, pero ayokong may ibang tao syang pinagtutuunan nang pansin maliban sakin. Madamot ba ako? Gusto ko kasi ako lang yung inaasikaso nya. Malakas ang kapit ko saknya kaya siguro kampante ren ako na hindi nya ako iiwan. Wala e. Minsan iniisip ko, bakit ako ganito. Hindi ko naman sya mahal. Ewan ko. Mahal ko sya pero parang hindi ko kayang ibigay yung pagmamahal na binibigay nya sakin. Oh siguro nga, hindi ko talaga sya gusto. Hanggang dito lang. Hindi ko kasi kayang makita syang nasasaktan. Kahit siguro itry ko na magustuhan sya, wag nalang kasi alam ko namang sakit ng ulo at puro sakit lang ang ibibigay ko sakanya na ayokong mangyare.

Papalapit na ng papalapit ang panahon na magkakahiwalay na kami. Hindi ko alam kung anong mangyayari sakin pag wala na sila sa tabi ko, lalo na sya... na laging nandyan sa twing kailangan ko ng masasandalan. Hindi ko rin alam kung kakayanin kong makita syang may kasamang iba, o masaya na dahil tapos na sya sakin. Dahil kahit kailan naman, wala akong naidulot na bagay na nagpapakita na worth it ako para sakanya.


- THIS IS MY VERSION OF BABEE'S POV.
Honestly, I'm hoping that I'm right :(

No comments:

Post a Comment

Please feel free to tell me your insights ☺