Wednesday, August 23, 2017

Huli na'ng Lahat

Tunay at masayang pag-ibig,
bakit 'tila nawalang silbi.
Iisa tayo ngunit pilit.
Damdamin ko'y hindi mawari.

Wala 'kong pinagsisisihan.
Lahat nang 'to'y katotohanan.
Ikaw pa rin aking kailangan,
Ikaw pa rin ang sagot sa pagtahan.

Inintindi ang sinabi,
pakiramdam mo nama'y hindi.
Ngunit ika'y nagkakamali.
Alam ko, kailangang harapin.

Ikaw pa rin naman, sa puso ko.
Walang iba, di kayang maglaro.
Kahit alam kong ika'y may iba nang gusto.
Di man aminin, ngunit masakit 'to.

Kahit pano ika'y nagsawa,
Sabihin mo mang hinding hindi,
Ngunit ito'y aking nadama.
Tila ika'y palayo na ng unti-unti.

Binigay ang lahat sa'yo.
Maramdaman mo lang na ika'y buo.
Pero bakit parang may naglalaho.
Pag-ibig mong sakin lang noon.

Siguro nga ito'y hindi para satin.
Tama man ngunit maling pilitin.
Kahit ipaglaban, wala namang didinggin,
Pag-ibig na nasayang natin.

Sana mawala na sa isip,
Na ako'y hindi naging totoo.
Alam kong alam mo ang kalakip
Ng damdamin kong puro puso.

Darating ang panahon,
Ako'y hindi na maalala,
ng puso mong pilit kinahon.
Isang hiling, sana'y natulungan kitang lumigaya.

Hanggang ngayon di alam,
saan pupunta ang pusong walang lugar.
Puro nalang pag-aasam,
sa susunod na kabanata'y may lugar.

Ito na siguro ang huli.
Ayaw mang aminin pero ito na.
Sana ika'y kaya nyang mahalin,
Tulad ng pag-ibig kong tinatapos na.

Masakit mang isipin ngunit wala na akong magagawa. 😭💔

Tagalog, para mas ramdam na ramdam ko. 😢

Renzi Arriola
August 23, 2017 7:24PM

No comments:

Post a Comment