Tuesday, March 5, 2013

Friends Indeed

This is a story written by me. I posted it to wattpad. I just want to post it here also. lol

------------------------------------------------------------------------



Hello Readers, first of all I am Renzi and not hoping for good feedbacks about this story. It’s my First time :”) I just do it because of my friend. She asked me this favour. And now. Here it is ;)
Love Love Love. Common stories we like, we read. Simple crush into Love and going to heartbreaks. That’s all the story flows. A piece of advice, every person can idolize love stories but it can make us living in a fantastic world. Im not against. What I mean is, mabubuhay tayo ng puro “sana may makilala akong ganoon”. Sana ganun din siya sa kin. ETC. Continue reading sinasbi ko lang na take limits. Alright?
Friendship means a lot. Ang saya magkaroon ng friend. Ang saya magshare ng stories. Ang saya mag-open ng secrets with them. Ang saya magkaroon ng kaibigan. Pero paano kung gusto mong siya na lang, pero di mo magawa?
This is the story about Sharia Mae Andra Pineda and her bestfriend Marco Chris Caleyna. This is an inspiring story about friendship.
Sharia Mae Andra Pineda is a girl that addicted to boybands, bands, and love stories, teleseryes. She is well knowned as Aria. Nickname J. Isa siyang batang pinalaki na may marangyang buhay at silaw ang kanyang magulang sa magagandang kagamitan o branded. May kapatid siya na nagngangalang Kimpee Andra Pineda at Allen Lei Andra Pineda. Si Kimpee na mas kilalang Kiko ay ang kuya ni Aria. Mayroon na itong sariling pamilya. Nakapang-asawa nang babaeng napakaganda na nagngangalang Annie Custodio, mula sa pamilyang hindi mataas at hindi mababa ang kinikita. Mayroon na din silang isang anak na si Kia, singkit, maputi, maganda ang kutis at talaga namang sasabihin mong nagmana sa kaniyang ina na si Annie. May magandang trabaho ang kuya niya dahil ito ay nakatapos sa kursong Information Technology at nakapag-ibang bansa ngunit bumalik ng Pinas dahil sa mas magandang offer ng kaniyang trabaho. Ang kapatid naman niyang si Lei ay patuloy ang kakulitan sa eskwelahan. Laging pinapatawag ang magulang nito dahil sa asal na napakagulo at kung anu-ano ang ginagawang hindi maganda. Gwapo itong kapatid niya, marami ngang nagsasabi na kamukha daw ni Aria si Lei ngunit hindi pumapayag si Aria dahil alam niyang kamuka ng kanyang daddy si Lei at siya naman ay nang kanyang mommy. Simple lang si Aria sa kabila nang maganda nilang bahay, at edukadong mga magulang. Ayaw niyang nagyayabang siya. Kung manumit siya ay short at putting t-shirt pati simpleng tsinelas ngunit makikita mong napakasosyal niya pa din kahit ganoon.
Si Marco Chris Caleyna naman ay laki rin sa marangyang buhay, nakukuha niya lahat ng gusto niya ngunit bata pa lamang siya ay wala na siyang nakagisnan na permanenteng ama. Iba-iba kada taon. Kaya naman ay may lihim siyang galit sa kaniyang ina. Wala siyang kapatid at mga katulong lamang ang lagi niyang kasama sa bahay kaya’t mas gusto niyang umalis na lang sa bahay at gumala. Lagi siyang napunta sa bahay ng barkada niya dahil doon nakakapag-Jamming jamming sila. Napakaganda ng boses niya kaya naman ang daming nahuhumaling sa kanya. Napakaperfect daw. Gwapo na talented pa. Mahusay din siyang magdrawing. Mahusay ring sumayaw at may angking talino.
Isang gabi nagkakasiyahan ang tropa ni marco, napakaingay at napakagulo ngunit may umaangat na boses na tila anghel. At may bigla silang narinig…
COCOOOOOOOOOOOO!!!!!! Bumaba ka na riyan.
Hahahahah! Oohhh. Marco, tinatawag ka na nang nanay mo. HAHAHAH. At nagtawanan ang lahat.
“tumigil nga kayo riyan! Kala niyo ba nakakatwa. Sige na pre, una na ko ha.”
“Sino ba yun marco? Katulong niyo? Sabi ni Chard
“Tignan mo nga Res” sabi ni chard
“Ay nako! Wag na Res. Hayaan mo na, una na ko ha. Sige. Ituloy niyo nlang yan” Sabi ni Marco
Pagbaba ni marco..
“Aba! Aba! Mr. Prinsipe.. Kailangan pang magskandalo ako ditto!”
“Ay nako nako! Basag trip ka talaga. Akala ko si manang eh. Kaboses mo! HAHAHAHAHAHA”
“Hoy Mister Coco Rooster, itulad pa ko kay manang diba. Alam mo bang halos mamatay na sina manang sa inyo kakahanap sayo at eto lang naman… INISTORBO pa pati pagtulog ko. Ginising pa ako ni mommy dahil nawawala ka daw. Papagalitan sina Manang Pen kapag nakita ng mama mo na wala ka pa. Parang hindi mo alam yun ha! Huwag mo akong tawanan lang! Nakakapeste ka na kaya!”
“Sorry ni Aria, huwag mo na ako sermonan. Nagiging kamuka mo si..”
“Sino?????????!!!!! Si Road na naman! UUUUUUUUHHH. Nakakainis ka na eh” Sabay sabunot kay Marco.
“Tama na! tama na! Mahal mo talaga ako no?! HAYYYYYIEEEE”
“Excuse me! Andame dame nanliligaw sa kin tas ikaw papatulan ko? Mahiya ka nga oy!
“Oh sige na! Tara na nga!”
“OO naman no! 9:30 na kaya Mr. COCO”
“HOY babae ka! Huwag mo nga ko tawagng Coco”
Sumakay na sila nang taxi at saka umuwi. Mapapansin mong may care pa din si Marco sa Bestfriend niya dahil talagang hinatid pa niya ito ngunit kinabukasan dahil sabado..
“HELLLLLOOOOOO! Good morning! Good morning Manang Lou! MUUUUAH! Namiss niyo ba ako?” Ani Marco.
“Ay nako Marco! An aga aga mo naman at nandito ka na buti nalang at wala sina Sir at Ma’am kung hindi sermon ka din eh” Sabi ni manang
“Kuyaaaaaaa Coco!!! :D” sabi ni Lei
“Oh kamusta na? may bago ka bang inaasemble na laruan? Asemble-in natin!” Sabi ni Marco
“Opo, Kuya! Kukuhanin ko! Hirap na hirap nga ako dun eh!” Sabi ni Lei
“Oh teka! Bakit wala ang ate mo?”
“Ay nasa kwarto pa po, mga 12AM na po yun natulog kaya tulog pa.”
“Bakit naman?”
“Sabi po ni mama may kachat daw po”
“Ah sige, puntahan ko nalang”
Sa kwarto ni Aria… Binuksan ni Marco ang kurtina na natatakpan nang matinding init.
“Rise and Shine Princess! Up! Up! Up!” Sabi ni marco
“Ano ba Marco! Ang aga aga pa eh.”
“Gumising ka na! Nagseselos ako eh.”
“Ha? Ano na naman ba iyan?”
“Chinachat kaya kita kagabi”
“Ah. Eh busy ako eh! Ano ka ba! Yung kachat ko… Alam mo ba kung sino?? :))))))))))))))))))))))”
“Sino? Bat parang ang saya saya mo?”
“HMMMM! Hulaan mo. Kasi naman dapat sasabihin ko sa iyo mamaya, susurpresahin kasi dapat kita”
“teka! Teka! Ano bay an? Sino ba? Boyfriend mo, Si Manang Ching, Si Joe, Si Papa? Siiii. Joe? Jope Boyband?
“OO COCO!!!!! JOPE nga! Oh my Gosh! Dream Come true!!! :DDDDD”
‘Eh pano? Pano?”
“Magtetwelve na nun, nalaman kong may Live Chat sila. Yun! At eto pa! Hahahaha. 25 Fans lang ang pwedeng makajoin sa live chat. Paunahan. Kaya talagang nag-abang ako! Im so Lucky. Akalain mo, pang 24 ako na fan”
“OOOOOh. Di mo sinabi sakin.!”
“Okay lang yun, atleast nakachat ko sila”
Matapos ang pag-uusap sabay nilang kinanta.
“Hello, beautiful. How’s it going? I hear it’s wonderful in California” Sabay na kinanta ng dalawa.
“Ay nako! Aria naman, 3 years na kitang tinuturuan di mo pa din magawang kumanta ng ayos! HAHAHAHA”
“Ang sama mo talaga e no? Tara na nga, diretso na tayo sa kwarto ni mommy, 9AM na oh”
“Oh tara na!”
Dumiretso sila sa kwarto ng magulang ni Aria dahil nandun lahat ng complete instruments na pwede nilang gamitin at nakagawian ng dalawang magkaibigan na tuturuan ni marco si Aria kumanta bilang kapalit sa pagpapahiya ni Marco kay Aria sa kaniyang manliligaw.
Matapos ang dalawang oras ng pagtetrain, tumunog ang cell phone ni Aria.
“Uy! Saglit lang.. May nagtext sa akin.”
Nang binasa ang mensahe.
*Aria, kasama mo ba si Marco? Sabi niya kasi sa akin magkikita daw kami ditto sa Mall. Halos isang oras na akong naghihintay wala pa din kasi siya eh. Naka-off naman yung phone niya. Salamat! Si Jinn nga pala ito.*
Di malaman ni Aria ang sasabihin niya kay marco.
“Marco, nagtext sa akin yung Jinn. Siya ba yung classmate natin sa elementary?”
“Ay! Sus! Oo siya nga, anong sabi?”
“Basahin mo nalang oh!”
“Naku! Nakalimutan ko. Ikaw kasi eh, winili mo ko ditto”
“loko loko ka talaga. Pati ba naman si Jinn, lolokohin mo? Ano ka ba ang bait bait nun, napakatahimik!”
“Hindi yan, sige na una na ako”
“Sige bye! Ingat ha” Yumakap si Aria bago umalis si marco.
Samantala nag-uusap usap sina Bia, Miyon, Cha, at Abby na kasama sa Barkada nina Aria. ANg kanilang barkada ay binubuo ng 15 na tao, 7 babae at 8 lalaki. Yung iba ay nawala na dahil napunta na nang ibang bansa.
“Ang tagal na nating hindi nagkakasama-sama no?” sabi ni Cha.
“Oo nga eh, halos di ko na nakikita ilan sa mga tropa.” Sabi ni Bia.
‘Nakikita ko pa naman yung ilan sina Martin na lang hindi ko pa nakakamusta, di pa kasi ako nakakapag-computer eh.” Sabi ni Abby.
“Teka teka. Kamusta na nga pala yung magbestfriend? Sina Aria at Marco?” tanong ni Miyon
“Ay naku! Alam niyo ba.. Ay wag na nga! :)))))))” sabi ni Abby
“Ano nga yun abby? NAsabi mo na eh. Ishare mo na!” sabi ni Bia
“Kasi alam nyo, parang mahal ko na si Marco.” Sabi ni Abby na may halong masasayang ngiti sa kaniyang mukha.
(Si Abby ay isa ring mayamang bata, hindi siya nag-aaral kung saan nag-aaral sina Marco ngunit nakakausap pa rin niya ang mga ito. May payat siyang pangangatawan at may maputing kutis. Mahaba ang buhok at talaga namang isa sa pinakamaganda sa kanilang barkada.)
“Mahal???? Nababaliw ka na ba? Eh hindi nga kayo nagkikita eh.” Sabi ni Cha
“Hindi nga, J pero dumadalas an gaming pagtetext, pagchachat. Di ko baa lam.”
“Abby, hindi may kasunduan tayo? Yung kasunduan na hanggang magkakaibigan lang tayo? Sbi ni Bia
“Oo Abby. Napakalaking gulo nang pinasok mo, si Marco pa. Di yun mabubuhay ng wala si Aria, papatayin ka lang ng selos mo kung maging kayo” Sabi ni Miyon
“Eh basta! Hindi ko alam pero pag naaalala ko siya, He’s a Perfect guy. Badboy but gentleman. He’s so sweet, so charming. There’s no doubt na I might fall for him. Sabi ni Abby
Samantala, sa bahay nina Marco ay naroon si Aria at nagkekwentuhan sila sa nalalapit nilang pagtatapos.
“Coco, malapit na graduation natin. 1 month nalang” Sabi ni Aria
“oo nga eh. Nakakaexcite kasi alam kong sa harap ako uupo kasama ang ilang honors. Yeyeyeaaaaaaah, mapapagmalaki ako lalo niyan ni mama.”
“Pero Marcooo….”
“Ano?”
“After graduation, sa America daw ako papag-aralin ni Mommy kasi dun na daw madedestino si Daddy, isasama din niya si Lei kaya sina kuya Kiko muna ang titira sa bahay naming.” Sinabi niya iyon ng maluluha.
“Aria naman! Paano na ko? Wala na akong nanay na tatawagin ako kapag may mali na akong ginagawa? T.T”
“Tama na nga Marco, babalik ako after 4 years na pag-aaral ko dun. Bibilhan kita nang pasalubong! :`)
“Hindi ka magbabakasyon?”
“BAka hindi eh. Kasi daw ang laki na daw nang magagastos sa akin sa America.”
Nang dumating ang araw nang pagtatapos! Lahat ng estudyante ay makikita mo ang bakas sa mukha nila na silay Masaya dahil iiwan na nila ang pagiging HighSchool at papasukin ang buhay Kolehiyo.
“Congratulations for your achievement Mr. Caleyna! J Give me your hand” Sabi ni Aria
“Congratulations too Ms. Pineda for 4 years of being patience!” Sagot ni Marco
Kinagabihan.. Nag-aayos na ang pamilya ni Aria upang umalis na nang bansa.
“Oh Manang ikaw na ang bahala ditto sa bahay at kina Kiko ha, lalo na kay Kia” ani nang ina ni Aria.
“Oho! ;) mag-iingat din po kayo roon at sa biyahe niyo ngayon” sagot ni Manang
“Nasaan na kaya iyon si Marco?” Pabulong na sinabi ni Aria sa sarili.
“Oh Aria, ano? Tara na?” Tanong ng Mommy niya
“Eh Mom. Eh. Marco told me that he will join us now.”
“Marco is not around, it’s been three hours. Kung hihintayin pa natin siya, malelate na tayo so alis na tayo, okay, NO BUTS!”
Wala nang nagawa si Aria sa sinabi ng mama niya. Tumuloy sila nang wala si Marco.
“Napaka-unfair talaga nung lalaking yun!” Sinabi ni Aria sa sarili niya at biglang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata.
---
“Oh guys, we’re here, help me with the luggage’s” Sabi ng mommy niya.
“Mom wait” Sabi ni Aria
“Ma… Ma… rco?”
“MAAAARCOOOOO!”
“akala ko hindi ka na pupunta, nauna ka pa samin ha!
“Oo naman no, pupunta ako pwede bang hindi. Eto na ang huli nating pagkikita. T.T”
 “Hindi ito yung huli! Babalik naman ako eh.”
“You say you didn’t mean to break my heart but girl you did” Kumanta si Marco
“Ohhhh. Teka! Goodnight and Goodbye yan ha. Makikita ko na din Jonas Brothers, well SANA! Hold on tight cause it’s a roller coaster   ride we’re on so say goodbye.”
“Up and down, you’re all around say goodnight”
“Annnnnd goodbye!”
“It’s time! T.T they hear its wonderful in California.”
“Yeah. Makikita ko na yung California, sabi nila Joe maganda daw eh. Through song. Oh smile ka na!”
“Guys! It’s time to say goodbye Philippines. Take care marco, continue to do good things huh? We’ll be back soon. Don’t worry!”
“Yes Tita! Ingat po kayo sa biyahe niyo at pati doon po.”
Sabay nagyakapan silang lahat at umalis nga patungong America sina Aria.
After 2 Years..
Nag-iinuman ang magkakaibigan
“Pre, ano? Kayo na ba ni Jinn? Tanong ni Res
“Ayoko na dun, alam mo bang nadiskubre kong ang baho nang hininga nun! Hahahaha. Hindi ata yun nagtutoothbrush. Kadiri!
Nagsitawanan ang lahat.
“Aba naman kasi Marco, may itsura ka naman . Nasyo na katangian ng magandang lalake. Tapos kung sinu-sino lang na babae ang kinukuha mo” Sabi ni Chard
“Eh yung isa mo pang babae na maganda at sexy? Ano bang panagalan nun? Riza ata. Ay oo. Yun nga” Tanong ni Res
“Alam mo ba…. Nakita ko yung box niya…. Napakaraming picture nang lalake… Hindi lang picture…. Kahalikan pa siya dun sa litrato… Ayoko dun! Ang landi. Madami nang dumaan na lalake…
“Ang choosy mo pre. Ano bang gusto mo?” Tanong ni Chard
“ANg gusto ko yung maganda… maputi… Malambing.. maalaga.. at wala pa masyadong nagging boyprend… Mas masarap magkaroon ng girlfriend kung alam mong walang ibang lalaking pinagsawaan siya”
“Parang yung kaibigan mo?” Tanong ni Chard
Napatahimik sa malakas na tawa si Marco nang marinig ang pagsabi nang kaibigan mo na alam naman niyang si Aria yung tinutukoy nila hindi lang mabanggit ang Aria dahil di nila kilala ito.
“Sige pre, una na muna ko!” Sabi ni Marco.
“Anong problema nun?” Tanong ni Chard
“Ewan ko ba Chard, sa tingin ko nga mahal na ni Marco si Aria eh, dahil dalawang taon na din niyang hindi nakikita o nakakausap yun siguro nadiskubre niya sa sarili niya na iba si Aria sa lahat ng mga nagging babae niya.” Sagot ni Res
“Hmmmmm. May lihim na pagtingin si Marco sa isang babae?” Sabi ni Chard
Nang makauwi si Marco sa kanilang bahay..
“Anak! Bakit ngayon ka lang? at lasing na lasing ka na naman. May maganda akong balita.. May pinadala si Aria sayo mula America”
Nabuhayan ng loob si Marco na tila tutulog tulog nang umuwi.
‘Hooo? Ano ho? Ano yung pinadala niya?”
“Manaaaaaaang! Nasaan na yung pinada ni Aria?
“Eto po! Eto po!”
“Isang sulat ma, sige babasahin ko muna.”
Dumiretso si Marco sa kanyang kwarto.
Dear Marco,
            Kamusta ka na? Pasensya na ngayon lang ako nakapagparamdam sa iyo ha. Miss ko na kakulitan mo. :) Sana maging mabilis na ang oras at makabalik na ako riyan kasama ka. Alam mo may picture na ako kasama ang JOPE. :))))))))))))))))) Sobrang saya grabe! Si Lei naman ang dami nang kaibigan ditto. Ikaw? Ano nang balita sa iyo? May surpresa na ako sa iyo pagbalik ko. Sana magustuhan mo pero siyempre di ko muna sasabihin kasi surprise nga. HAHAHA. Ano madami ka na ba nagging girlfriend? Oh baka naman may girlfriend ka ngayon? Maganda ba siya? Dapat mas maganda siya kaysa sa akin ha. O sige. Hanggang ditto na lang muna. Mag-ingat ka ha. Ipakamusta mo nalang ako kay tita.
 Love,

Sharia Mae “Aria” Andra Pineda
Nang mabasa ni marco ang sulat mula kay Aria ay napaluha siya.
“Hindi na ako makapaghintay sa pagbabalik nila” Nasabi ni Marco sa sarili niya.
Pinagpatuloy ni Marco ang buhay niya nang wala ang pamilya Pineda. Nagsikap siyang makapgtapos nang ayos at tinigil na niya ang kanyang mga nagging bisyo, paminsan-minsan na lamang niya itong ginagawa. Marami na ring babae ang nagpaparamdam sakanya upang makuha ang loob ni Marco. Ang ilan ay nagustuhan ni marco ngunit hindi rin nagtagal dahil ang nais ni marco ay siya ang gagawa ng kilos at hindi ang babae. Ilang lalaki na rin ang dumating sa mama niya, hindi pa rin ito tumigil kahit na pinagsasabihan na ni Marco. Tila yata naghahanap nang sariling kasiyahan ang kaniyang ina.
Makalipas ang 4 na taon. Naglalakad si marco at nasabi sa sariling..
“Halos 1 buwan at kalahati na akong graduate nang kolehiyo ngunit di pa rin bumabalik si Aria”.
Nagring ang telepono niya at dali-daling sinagot ito.
“Oh ma, bakit nanaman?”
“Umuwi ka na ditto, ngayon na!” SAgot ng mama niya
“ayoko pa ma, nandito lang ako naglalakad lakad.”
“Umuwi ka na! Kakain tayo ng sabay!”
Napilitan si Marco na umuwi kahit na masama ang kaniyang loob. Pagbukas ng pintuan nila.
“SURPRISE”
Napatitig lang si Marco at hindi gumalaw sa kaniyang kinatatayuan.
“Manang pakiplay na yung CD”
**Hello Beautiful
How’s it going?
I hear it’s wonderful in California,
I’ve been missing you.
It’s true.
But tonight, Im gonna fly.
Yeah toniggght Im gonna flyy.
Cause I could comb across the world
And see everything and never be satisfied
If I couldn’t see those eyes
Hello Beautiful
It’s been a long time
Since my phone’s rang
And you’ll be on that line
I’ve been missing you
It’s true
But tonight, Im gonna fly.
Yeah toniggght Im gonna flyy. Oyeaah.
Cause I could comb across the world
And see everything and never be satisfied
If I couldn’t see those eyes
Napangiti at tumulo ang luha ni Marco.
“Ano? Bat nakatayo ka lang diyan? Di mo ba nagustuhan?”
Tumakbo si marco papalapit kay Aria at niyakap ito.
“Akala ko hindi ka na babalik”
“Pwede bay un Coco Rooster! HAHAHAHA”
Biglang nag-iba ang pakiramdam nang dalawa ng magkayakapan. Parang iba. Naramdaman nila iyong parehas ngunit hindi nalang inisip at tinanggal ang pagkakayakap sa isa’t isa.
“Ang ganda mo ngayon ha, mas gumanda ka lalo at nagdedress ka na ha at nakaheels ka pa, nag-iba ka na. Atska talagang nag-aral ka ng pagkanta ha. Iyan ang sorpresa mo sakin”
“Ganyan talaga Mr. Coco. Dalaga na ako eh! Haha”
“Tigilan mo na nga ko kakatawag diyan sa Coco Rooster. Teka nga! Bat nga bay un ang tawag mo sakin?”
“Kasi po, nung nakatulog ka sa amin grabe ka makahilik! :DDD parang Rooster na nanggigising. CoooooooCoooooo. Ganyyan yung hilik mo! HAHAHAHAHA”
“Tumigil ka nga!”
“Oy! Sige una na muna ako ha. Mag-aayos pa ako sa bahay eh. Bukas nalang! Babye.”
Nang makauwi si Aria sa kanilang bahay
“Oh ano? Nakita mo si Marco? Anong sabi niya? Tanong ni manang
“OO manang.. ang ganda ko nga daw eh. At nag-iba na ako.”
“Oh pano ba iyan? Edi hindi magtatagal Magiging Kayo na din?”
“Manaaaaaaaang! Nagulat nga ako eh. Iba yung nagging pakiramdam ko nung niyakap ko siya.”
“Ano? Pakiramdam mo ba kukidlat ang mga puso niyo nung nagdikit?”
“Hindi manang! Akala ko ganun eh. Akala ko may kilig”
“Eh ano pala?”
“Parang wala lang po. Yung as-in kaibigan lang talaga tingin ko sa kaniya pero ang gusto ko nga sana eh, siya ang mahalin ko.”
“Hay! Kayo tlagang mga bata kayo oh”
Biglang may tumawag kay Aria.
“Ay saglit lang manang ha”
“Oh Coco, bakit?
“Magbihis ka dali, susunduin kita”
“Saan tayo pupunta?”
“Basta! Bilisan mo”
“Oo…okay”
Makalipas ang isang oras..
“Oh Aria, tara na?”
“San ba tayo pupunta?”
“Dadalhin kita sa mundo ko nung wala ka nang apat na taon”
Nang makarating sila sa pupuntahan
“Oh marco, diba ito yung lugar kung saan kita pinuntahan?
“Oo, tama ka. Tara pumasok tayo.”
“Preee! Uy pre!”
“Sino iyang kasama mo? Girlfriend mo?” Tanong ni Res
“Ehem. Ehem. Meet my beautiful bestfriend, Aria”
“Siya ba yung.. yung.. kinekwento mo sa amin? Tanong ni Chard na halatang sobrang nagandahan kay Aria.
“oo siya nga, siya din yung sumigaw nang pangalan ko nung nagjajamming tayo bago ako gumraduate.
Agad-agad na lumapit si Chard kay Aria at hinalikan ang kamay nito.
“Ikinagagala kong makilala ka Aria, napakaganda mo”
Biglang iniwas ni Marco si Aria kay Chard.
“Pre, ang bilis mo naman yata” Sabi ni Marco
“Hindi, pasenysa na pre, ngayon lang kasi ako nakakita ng babaeng katulad niya” sagot ni Chard
“Oh sige, pinakilala ko lang siya sa inyo. Mauuna na din kami.”
Nang makaalis sa lugar..
“Coco, infairness, cute siya ha.”
“Tumigil ka nga Aria, hindi mo kilala si Chard”
“Grabe ka naman, parang ang sama sama niyang tao ha”
“basta aria, tumigil ka ha”
“Okay.. okay fine! Ikaw naman controller ko” sagot ni Aria
Ilang araw ang dumaan, hindi na inisp ni Aria ang tungkol sa mga sinabi ni marco tungkol kay Chard. Nakapagsaya sila nang ilang araw at sa unang pagkakataon ay nakahanap si Aria ng sa tingin niya ay iba sa lahat ng kanyang mga manliligaw at ito si Nathan.
“Oh Nathan, salamat sa gabi ha, napasaya mo ako!” Sabi ni Aria
“Wala yun Aria, isang karangalan ang mapasaya ka” sagot naman ni Nathan at unti-unting naglalapit ang kanilang mga labi dahil sa kasiyahan nilang nadama ngunit isang tao ang nakapagpigil nito.
“Uh-Oh-OH!” gulat na pagksabi ni marco.
“Ay! Marco, ikaw pala” Biglang naglayo ang dalawa dahil kay marco.
“Sorry ha! ^^ Nagulo ko yata kayo, pinapadala lang ni mama itong Specialty salad niya kay tita. Oh Aria sabay na tayong pumasok” Sabi ni Marco sa dalawa
 “Oh sige Nathan, salamat. Mag-ingat ka nalang!” Sabi ni Aria kay Nathan
“Sige Aria” Sagot ni Nathan sabay na umalis.
Pumasok ang dalawa saka binulyawan ni Aria si marco.
“Marco naman eh! Alam mo namang gusto ko nang magkalovelife” Sabi ni Aria
“Eh eto naman ako eh. Ako ang lovelife mo”
“Ewan ko sayo Marco, panira ka talaga. Pumasok na nga tayo”
Kinabukasan, narinig ni Aria ang tumutunog niyang telepono. Nakalagay na *REMINDER: Your appointment with Nathan”
Dali daling kumilos si Aria, at nag-ayos papunta sa isang mamahaling restaurant na sinabi ni Nathan. Kinuha niya ang cellphone at nagtext
*Nathan, pasensya ka na papunta pa lang ako ha, nalate kasi ako ng gising eh. Sa North Seas Restaurant yan diba?* At imbes na masend kay Nathan, kay Marco niya ito na send.
Nagulat si Marco at naisip kaagad na wrong send si Aria, ngunit hindi niya ito sinabi kay Aria.
Pagdating ni Aria sa nasabing restaurant…
Gulat na gulat siya nang Makita ang 1 mascot na sinayawan siya bago pumasok sa Restaurant at talaga namang nakakaaliw. Matapos ang pag-sasayaw ng mascot ay binigyan siya ng maliit na teddy bear.
Napaisip si Aria “Ano kaya itong bear na ito?”
Pagpasok niya nang pintuan, may isang batang gusgusin na kumakain at tumayo nang Makita siya ay lumapit sa kaniya. Nagbigay ng malaking teddy bear compare sa una pero ganung-ganun ang itsura.
Pag-isang hakabang niya ulit ay may isang binata na lumapit sa kaniya sabay sabing “Ate ganda, Ang cute po nitong bear oh. Sa inyo po iyan :)” Parehas nang itsura pero malaki nang kaunti.
Pag-isang hakbang niya ulit ay may isang lola ang lumapit sa kaniya, “Neng, nararapat sayo itong laruan na ito” Ganun na naman ang itsura ngunit iba ang laki, mas malaki na.
Umupo siya sa isang upuan, nasabi sa sariling “Wala namang ispesyal ditto, ang daming kumakain at nauna pa ako kay Nathan pero ang weird. 4 teddy bears in a row”
Maya maya ay may nagsabi sa kanya at lumapit na waiter. “Ma’am Ikaw po ba si Sharia mae Andra Pineda?”
“Oo ako nga” Sinabi niya at napatayo.
“Puntahan niyo po yung boss namin pinapatawag kayo. Hayun po siya oh. Malapit sa pintuan.”
“Ha? Bakit? O sige.”
“Eto ma’am oh, para sa inyo.”
“Teddy bear na naman? Ganto ulit itsura? Pero mas malaki. Uy tekaaaa.”
Hindi siya inintindi ng lalaki at bigla nalang umalis, dumiretso siya sa sinasabing boss ng waiter.
“Ah, sir. Ako po si Ms. Andra pineda, ano poi yon?
“Talagang napakaganda mo iha. Napakaswerte mo. Huwag mo nang Pakawalan ang mga magagandang biyaya sa iyo.”
“Ha? ANo hong ibig ninyong sabihin?”
“Osige Iha, pumasok ka. Nang maintindihan mo, dalin mo din ito.”
“Bear nanaman? O sige po.”
Pagpasok niya sa loob ng isa pang kwarto ay sobrang napaluha siya at namangha. Puno ng litrato niya ang silid, ang daming pagkain para bang may party. Puno ng white petals ang sahig. Puno ng lobo na hugis puso. At may biglang lumabas.
“Para sa iyo, Aria” Ibinigay ni Nathan ang isang napakalaking teddy bear na halos kasing laki niya at ganun na ganun din ang itsura tulad ng ilang bear.
“Naku Nathan…”
“Huwag ka muna magsalita, hayaan mo muna ako” Sabay ibinigay niya ang isang bouquet of white flowers na may kulay pink sa gitna at pinaikutan ng napakagandang ribbon. AT sinabing..
“Dalawang linggo palang kitang nakakasama pero iba na talaga ang nararamdaman ko, sa angkin mong ganda, napakasimple, maalaga. Wala na akong hahanapin pa. alam kong napakswerte ko dahil sa lahat ng nahuhumaling sa kagandahan mo ay ako lang ang pinagkatiwalaan mo, sana tanggapin mo ito…”
Biglang pumasok ang mga nagbigay sa kanya ng teddy bear at sabay-sabay na binaba ang nakarolyong tarpaulin na nakasulat “Will You be My Girlfriend Ms. Pineda?”
“Napaluha si Aria at sinabing…”
“Sobra to Nathan.. Hindi ako nagkamali sa pagpili sayo, at alam mo lahat ng paborito ko ha, mula sa itsura ng bear, sa bulaklak, style of romantic scenes na tulad sa TV, hanggang sa favourite foods sob…”
Biglang natigilan si Aria nang sasabihin niya na “Sobrang minahal na kita kahit 2weeks palang” dahil sa isang yanig mula sa labas at nagsisigaw.
“LUMABAS KA RIYAN! OYY! TAKOT BA KAYO”
Nakapasok din ang isang lalaki at binugbog si Nathan.
“Marco, tigilan mo! Tumigil ka na wala siyang ginagawa sayo” Sinabi ni Aria ng umiiyak ng husto.
Hawak ni marco ang damit ni Nathan at sinabi kay Aria…
“Dito ba> Dito mo ibibigay at ipagkakaloob ang sarili mo? Ni hindi nga napunta ng bahay niyo ito, ni hindi mo siya pinakilala sa akin, at higit sa lahat dalawang linggong paglalandian? Ganyan ka nab a ha?”
“Marco bitiwan mo siyaaaa!”
Nang makalaya si Nathan, dali dali itong umalis sa takot. Natira ang dalawang magkaibigan
“Marco, tumigil ka na! Wala na! wala na si Nathan, Ang lakas ng loob mong pagsabihan kaming landian lang yun. Ganyan nab a kababa ag tingin mo sa bestfriend mo! Ang selfish mo marco! Dahil di ka masya? Di mo rin ako papayagang maging Masaya? Marco, grow up! Alam mo ban a sinasabi ko sa sarili kong sana ikaw nalang ang minamahal ko, PERO HINDI KO MAGAWA! Andami mo nang sinira sa pagiging masya ko Marco! Ngayon, masya ka na? Wala na si Nathan ha? Masaya ka na? ACT YOUR AGE” Sinabi ni Aria ng pasigaw at humahagulgol. Matapos niyang sabihin ito ay umalis na ito
Naiwan si marco na parang natauhan. Umalis din siya na parang hiyang hiya sa sarili.
Nang kinagabihan, nag-iisa siya sa kwarto niya ng mag-isa.
“Sinabi niya na pinilit niya akong mahalin. Bakit ganoon? Ngayon ko lang napagtanto na sobrang dami na niyang natulong sa akin. Bakit nga ba hindi ako komportable na Masaya siya sa iba? Naguguluhan na ako.”
Sinabi niya iyon sa srili niya ng taimtim at matapos yun ay natalog na siya.
Kinaumagahan…
“Manang, si Aria po?” Sabi ni marco
“Aba! Marco, ala-sais pa lang. Tulog pa silang lahat.”
“Tamang tama Manang! Maghahanda ako nang ispesyal na almusal.”
Mtapos gawin ni marco ang almusal para kay Aria. Pumasok si Manang upang gisingin siya.
“Good Morning aria! Gumising ka na, 7:30 na. Baka may lalakarin ka pa.”
“Ahh…HAAAAAAA” Humikab si Aria at nag-unat
“Wala pa ba kong almusal manang?” sabi ni Aria.
“Mayroon na! Saglit at kukuhanin ko.” Sagot ni Manang
‘Osige po! Salamat!”
Ilang sandali ay pumasok muli si manang sa silid ni Aria
“Iha, eto na ang breakfast in bed mo:) haha! Tama ba?”
“oo Manang! HAHAH. Salamat po, manang, pakilinis naman yung cabinet ko diyan oh”
“Oo naman!”
Habang naglilinis si Manang at kumakain si Aria..
“Manang! Ang sarap naman ng almusal ko ngayon! Iba to ha. ;) Ang sarap pa nitong juice. Ibang flavour, parang pinagsama-samang favourite fruits ko. Thank you Manang! ;)” Sabi ni Aria
“Ay nako Aria, huwag kang magpasalamat sa akin. Hindi ako ang nagprepare niyan.”
“Ha? Eh sino po pala?”
“Sino pa ba? Sino pa ba ang nakakaalam ng mga gusto mo.”
Pagkatapos sabihin ni manang ang mga salitang yun ay biglang nagbukas unti-unti ang pinto niya.
“Sorry na.. Kung nagalit ka. Di naman sinasadya. Sorry na Aria! Patawarin mo na ko.” Umawit si Marco at humingi ng patawad na may dala-dalang bulaklak”
“Bakit ka nandito? Naghanda ka pa nang pagkain!”
“Sige na oh! Alam kong mali ako, pinapangako kong hindi na ako maging selfish. Sa katunayan nga, pinagpuyatan ko to oh.”
Ibinigay ni Marco ang isang pigurin na may mukha ni Aria at siya.. Si marco na nag-aawitan.
“WOW! MARCO! Ang galing! ANg galing! Nakakamangha naman ito” Sabi ni Aria sabay niyakap niya si marco.
“Ibig sabihin ba niyan, hindi ka nag alit?”
“Oo, hindi na! Ikaw pa.” sabi ni aria.
“Alam mo ba, pinilit kong hanapin si Nathan para maibalik ko siya sayo. Pero sabi nang mga officemate niya, nagpakalayo daw si Nathan. Sorry Aria.”
“Okay lang yun Nathan. Atleast nalaman kong, mahina siya at di niya ako kayang ipagtanggol. Gugulin ko nalang sarili ko sa paghahanap ng trabaho, magpapakaWORK-aholic nalang ako. Alam mo namang gusting-gusto ko nang magkaBoyfriend.”
“Oh! E andame dami nang nanliligaw sayo ha.”
“Wow! Iba ang sagot mo yata ngayon ha? Sabagay.. pero kilala mo ako. Alam mong gusto ko nang tao na magugustuhan ko din, o makakaramdam na agad ako na may kaiba sa kanya. Kay Nathan ko palang naramdaman iyun.”
“Eh paano mo mararamaman yun kung hindi mo sila kikilitasin? Oh kung hindi ka rin gagawa ng move? Alam mo walang mangyayari sayo kung puro asa ka lang sa pag-ibig. Kumilos ka.”
“Eh Marco, alam mong hindi ganun si Aria Pineda. Kung wala. Eh di wala. Maging mag-isa!”
“Basta, nandito lang ako para suportahan ka.” Sagot ni Marco nang may ngiti sa knyang mukha.
Matapos ang pag-uusap nila ay hindi na muna sila madalas nagkita ni Aria, ayaw na ring guluhin muna ni marco si Aria, dahil alam niyang busy ito sa paghahanap ng mapapasukang trabaho.
Isang araw nang naglalakad si Marco upang magpunta sa isang icecream-an ay nakakita siya nang isang pamilyar na babae.
“Mmmmiss?” Sabi ni Marco sa babae.
Lumingon ang babae nang may napakagandang ikot nang kanyag magandang katawan.
“Ohhhh! Marco! Uy! Kamusta ka na?”
“Abby? Ikaw ba iyan? Kaya pala pamilyar. Ayos ako, ikaw ba? Sino siya? Boyfriend mo?”
“Ayos naman ako, eto first day of job ko na bukas. Ah siya? Hindi no. Bading siya, barkada ko.”
“Oh hi, boyleeet! Ang pogi pogi mo naman!” Sabi nang bading na kaibigan ni Abby
“Ay! Salamat! Uhmm, abby pwede ba kitang maimbitahan bukas?
“Ah, saan? May trabaho ako eh. First day! J
“Ah, sige. Susunduin nalang kita? Kung ayos lang naman!”
“Ah sige, tetext nalang kita.”
Sige, anon a bang number mo?”
“eto oh..” At sinabi ang kanyang numero
“Sige Marco, itetext nalang kita. Una na kami. Ingat”
Umalis na nang tuluyan si Abby at tila nabalisa si Marco dahil sa sobrang laki nang ikinaganda nito.
“Napakaganda niya, bat ko pa ba tinigilan ang panliligaw ko sakanya” Nasabi ni marco sa kanya sarili.
Agad na tinawagn ni Marco ang bestfriend na hindi na ganoon kadalas silang nagkikita at tinanong nito kung nasaan siya at pinuntahan.
“Aria, napakaganda talaga ni Abby”
“ABBBBBYYYY? Sinong Abby? Yung barkada natin at yung classmate natin dati?”
“Oo siya nga, nakita ko siya kanina.”
“Nahihibang ka na ba? Di ba may kasunduan ang barkada na walang magkakainlove-an?
“Oo, pero matagal na iyon at hindi na tayo nagkikita kita mga 6 na taon nang nakalipas. Alam mo ngayon ko lang naramdaman to, siguro mahal ko na siya.”
“Kakakita mo palangh, mahal agad?”
“oo aria, nilandi ko siya noon. Pero hindi ko rin sineryoso dahil kay Jinn”
“AY ewan ko sayong lalake ka!”
Dumating ang araw na susunduin na ni Marco si Abby…
“Oh, abby. Saan mo gusting pumunta?”
“Ah, ikaw na bahala Marco.”
“Uhmm, kain muna tayo tapos manuod tayo sine.”
“Osige, ikaw na bahala.”
Nakarating sila sa isang mall at doon na kumain.
“Alam mo Abby, ang ganda ganda mo! Sobrang ganda mo!”
“Ha? Hindi namaa…aa.an”
“Oo, habang tinititigan kita nararamdaman ko ang isang babaeng kaiba sa lahat.”
“Ikaw nga diyan ang nang-iwan eh”
“Patawarin mo ko, mga bata pa tayo nun. Iba na ngayon. Parang mahal na kita.”
“A…ah..ah… Marco, tara na! Manuod na tayo nang sine.
“O..sige”
Umakyat sila sa itaas ng mall upang manuod ng isang palabas. Napakraming tao noon, at hindi namalayan ni Marco na hawak na niya ang kamay ni Abby, at nakaramdam si Abby ng matinding dagundong sa kanyang dibdib.
Hindi binitawan ni Marco ang kamay ni Abby at hindi hinayaang matamaan o masanggi man lang ito ng ibang tao
Nang makarating sa sinehan at kalagitnaan ng palabas.
Binulungan ni Marco si Abby at sinabing..
“Abby, Mahal na Mahal kita at iba ka sa lahat ng bababeng nakilala ko”
Nagulat si Abby at  napaharap kay Marco at nagdampian ang kanilang mga labi. Tinanggal agad ito ni abby dahil nagulat siya.
“Sorry Abby, hindi ko sinasadya” Sabi ni Marco
“Hindi, okay lang Marco”
Matapos sabihin iyon ni Abby ay inilapit pa ni Marco ang labi niya kay Abby at hindi na tumanggi si Abby at para bang sila lamang ang naroon sa loob ng sinehan at nagkakaintindihan.
Pagkalabas ng sinehan ay para bang nagbago ang lahat. Para bang nagkakaintindihan ang dalawa. Pumasok sila na parang walang nangyayari ngunit nang makalabas ay parang may relasyon sila dahil sa higpit ng hawak nila sa kamay ng isa’t-isa.
“Marco, ang bilis!” Takot na sabi ni Abby
“Anong mabilis Abby?”
“Etong tayo. Wala tayong relasyon, pero naramdaman mo na ang labi ko”
“Mahal kita abby, kahit ano pang sabihin nila. Hindi iyon magbabago, Hindi mo ba ako mahal Abby”
“Maa..arco, tara na! Umuwi na tayo, mag-1AM na.”
Sumakay sila nang kotse ni Marco at hinatid si Abby. Nang makarating sa bahay nina Abby.
“O sige Abby, baka hinahanap ka na nang magulang mo!”
“Osige Marco, Salamat! Mag-ingat ka ha”
Binuksan ni Abby ang pinto at binaba ang isang binti. Ngunit nagulat si marco nang binalik niya angbinti nito sa kotse at sinarhang muli ang pintuan at binulungan si Marco
“Marco, Mahal na Mahal din kita at iba ka sa lahat ng lalaking nakilala ko” Binulong ni abby sa tenga ni Marco at saka dinampian ito ng halik.
“O sige! Ingat ka marco”
At tuluyang umalis si Abby at iniwan si marco na puno ng ngiti sa kanyang mukha..
Nagpatuloy ang pagkikita nila ni Abby at dumami rin ang “Random Kisses” nila. Tuluyan na ngang nagging sila. Hindi maipagkakait na mahal nila ang isa’t isa.
Isang araw…
“Hello?”
“Aria, mag-ready ka bukas! Magbabakasyon tayo. Wag kang hihindi. Sige bye”
“Teka Marco…”
Ngunit tuluyang naibaba ni Marco ang telepono kaya’t hindi nasabi ni Aria ang isang balita..
Kinabukasan, hinarap ni Aria ang araw na napaksaya at sumama kay Marco dahil alm niyang kapag tinanggihan niya ito ay magtatampo ito ng sobra sobra.
“Saan ba tayo pupunta Marco?
“Sa Palawan Aria, Magbabakasyon tayo :D”
Naghahanap si Aria nng pagkakataon na masabi kay Marco ang isang balita ngunit lagi na lamang may hadlang ditto.
Nang makarating sila sa isang isla sa Palawan.
“Wow! Napakaganda naman ditto Marco, parang Boracay pero hindi pa crowded at napakalinis.”
“Tama Aria, oh tara na! doon sa maliit kong parang bahay”
Nang makarating sa isang maliit na bahay.
“Dito muna tayo titira Aria, para makapagsaya ka naman. Puro trabaho ka na eh”
“Alam kong may ibang dahilan marco. Bakit mo ba ako dinala ditto?
“Dahil may gusto akong ipakilala sayo”
“Aria… Meet my girlfriend, Abby” sabi ni marco.
“Abby!” Sinigaw ni Aria papalapit kay Abby at nagyakapan.
“Kamusta ka na?” Tanong ni Aria.
“Ayos naman! Masaya ako. Ikaw ba?”
“Eto ganu pa din, At bakit mo naman pinatulan tong bestfriend kong abnormal?”
“Hahaha! Ewan ko nga eh, basta naramdaman ko nalang mahal kos sia, eh ikaw ba? Sino ba ang maswerteng lalaki?”
“A….” Sagot ni Aria ngunit hindi niya napagpatuloy.
“Oh! Kumain muna kayo, mamaya na yang chismisan na yan”
Nagpatuloy ang buhay nila roon sa Palawan, nagsisiya sila Abby at Marco at para bang nakalimutan na niya ang kaibigan sa sobrang pagbibigay ng oras sa kanyang girlfriend. Hindi rin namalayan ni Marco na para bang iba na ang trato niya noon kay Aria. Para bang ang Manang niya sa Maynila ay prang nagging Aria niya sa Palawan. Nang isang araw…
Habang naglilinis si Aria dahil sa sobrang kalat ng bahay ni marco… At sila marco ay nasa buhanginan at nagpapakasarap.
“Aria, si Dra. Fojas to. Pinapaalala ko lang sayo na hindi ka maaaring gumalaw ng gumalaw, bedrest ka lang at huwag mong kakalimutang kumain ng prutas araw-araw dahil kung hindi makakasama iyan sa kalagayan mo. Alam mo ang magiging kondisyon.”
Hindi inintindi ni Aria ang text ng doctora niya dahil alam niya di siya makakaalis ng palawan.
Isang araw ng nasa labas ang tatlo at nagkekwentuhan…
“Uy! chard, anong ginagawa mo ditto pre?”
“Oyyyy! Marco. Nadestino ako ditto. Naisipan ko lang mamasyal. Andito rin pala kayo.”
Tila hindi makatingin si Aria ng diretso
“Ay nga pala, Chard.. Si Abby, girlfriend ko.”
“Nice to meet you :)” sabi ni Abby
“Oh pre, pasok ka muna. Ditto ka na maghapunan.”
“Osige, salamat!”
Kumain sila nang sabay sabay at parang hindi magkakilala si Chard at Aria. Tyumempo ang dalawa. Lumabas sila nang bahay at nag-usap.
“Di pa rin ba niya alam?” Sabi ni Chard
“Eh hindi nga ako makatiempo eh.. Ah Chard…” Hindi naipagpatuloy ni Aria ang sasabihin
“Lintek na! Kinakahiya mo ba ako? Porke hindi ako nakatapos at walang magandang trabaho?”
“Chard naman! Sasabihin ko din kay Marco”
“Siguraduhin mo lang. Kung mahal mo talaga ko.”
At umalis na din si Chard.
Natapos ang gabi at isang maganda na namang araw ang sumalubong..
Naroon muli si Chard upang aminin na may relasyon sila ni Aria. Ngunit naabutan niyang si Marco pa lang ang gising.
“Oh Chard, bat ang aga mo? Tanong ni Marco
“Kakausapin ko lang si Aria sana.”
“Aria? Bakit? Tulog pa siya eh.”
“Ah sige, huwag nalang.”
“Teka Chard.. binabalaan kita. Huwag mong gagalawin o mapatulan ang bestfriend ko kung hindi ako ang makakalabn mo.”
“Aba Marco! Ano bang sinasabi mo?”
“Alam kong may gusto ka sa kaniya”
“Oh, kung meron nga? Ano naman? May relasyon ba kayo?”
“Wala!”
“Oh, edi walang problema.”
“Kilala kita Chard. Mahal na mahal ko si Aria, higit pa sa buhay ko.”
“Ano? Na pagtatakhan ko nang masama si Aria?”
“Oo Chard. At alam kong kaya mo pang gumawa nang higit dun. Kaya binabalaan kita. Tandaan mo tong sinasabi ko. Umalis ka na! Huwag mo na siyng malalapitan”
Tuluyan nang umalis si Chard at habang naglalakad…
“Tandaan mo iyang mga sinasabi mo Marco, pagsisisihan mo lahat ng sinabi mo! Hindi mo pa rin tanggap na nagmamahalan na kami ni Aria. May araw ka din sakin.” Pabulong na sinabi ni Chard sa kanyang sarili.
Samantala..
“Oh, Babe.. Gising ka na pala. Kanina ka pa dyan?” Sabi ni Marco kay Abby
“uuh. Ah.. Hindi, kababangon ko lang.” Sagot ni Abby
“O sige, kumain ka na”
“Si Aria ba, tulog pa?” Tanong ni Marco
“Aria nanaman” Pabulong na sinabi ni Abby habang kumakain.
“Ano iyon, Babe?” tanong ni Marco
‘Ah. Wala! Sabi ko hayun! Tulog pa, grabe nga matulog eh. Ang lalim.”
“Hahaha. Ganoon talaga yun, masanay ka na kasi pag hindi nagkaasawa iyan, isasama ko siya sa bahay natin” Masayang sinabi ni Marco.
“HAAAAAAAA? Ano? Nagbibiro k ba?”
“Bakit? Ano namang problema doon ha?”
“Wala! Sige, magpapahangin muna ako sa labas. Nawalan na ako ng gana.”
“Teka, Abby…” Pahabol na sabi ni Marco ngunit tuluyang umalis na si Abby.
“Bakit ba ganoon? Puro aria nalang. Nung una, naiintindihan ko pa eh. Pero habang tumatagal…” Napatigil si abby sa pag-iyak at pagkausap niya sa kanyng sarili dahil may nakita siyang kamangha-mangha. Isang lalaki na nagpapaamo ng maliliit at cute na bata habang kinukuhanan niya ito ng litrato.
Nilapitan niya ito…
“Chard? Ikaw ba iyan?”
“Oh abby! Ikaw pala.”
“Haha. Anong ginagawa mo?”
“AH. Kumukuha ng litrato. Hilig ko ‘to. Pero alam ko nmang walang pera sa ganitong habit.”
“Ano ka ba, di mo naman kailangan ng pera eh. Basta Masaya ka sa ginagawa mo.” Sabi ni Abby
Napangiti lamang si Chard.
“Napakarelax naman ditto. Parang nawawala sama ng loob ko sa mundo” Sabi ni Abby
“Oo Abby, kaya nga gusting-gusto ko ditto eh.”
Nagkwentuhan ang dalawa at para bang gumaan na kaagad ang loob nila sa isa’t isa. Mag-aalas dose na nang maisipan ni Abby na bumalik sa kanilang bahay.
“Oh sige Chard, mauna na ako. Magtatanghalian nab aka hanapin na ako ni Marco, gusto mo bang magpunta sa bahay? Doon ka na mgLunch?” tanong ni Abby
“AH sige, huwag na. Mag-ingat ka na lang. Salamat sa pagyaya mo.”
Umalis na si Abby sa isang lugar kung saan laging naroon si Chard at habang naglalakad patungong bahay.
“Ano kayang problema ni Marco kay Chard? Eh parang napakabuti naman niya.”
Natanong ni Abby sa sarili na parang nacurious bigla. Nang makarating nang bahay ay parang sumaya ulit si Abby at nakalimutan ang sinabi ni Marco.
Ngunit pagpasok niya ay may nakita siyang para bang dinurog bigla ang kanyang puso.
“Hahahahaha”
Tawanan ang narinig niya at nakita niyang naghaharutan na parang mga bata ag dalwang magkaibigan ni sina Marco at Aria at nahuli pa niya itong nagyayakapan.
At nang Makita siya nang dalawa.
“Oh babe, saan ka ba nanggaling?” Sinabi ni Marco na parang walang nangyari dahil para sa kanila ni aria ay wala lang yon.”
“Ah, wala. Diyan lang.” Sagot ni Abby at hindi pinaramdam na nasaktan siya sa kanyang nakita.
“Doon muna ako sa kwarto, napagod kasi ako sa paglalakad, sige.” Sinabi ni Abby nang may ngiti ngunit alam mong pilit lamang ito.
“Eh. Ayaw mo sumali sa amin? Naglalaro kami, Masaya to” Tanong ni Aria
“Oo nga babe. Tara na!” sinabi naman ni Marco
“Wag na, sige” lamang ang sagot ni Abby.
Nang pumasok na si Abby sa kwarto ay tila parang bata na nagmumukmok.
“Ang sakit sakit na! Bakit ba hindi ko magawang sabihin na ayokong narito si Aria dahil nasasaktan lang ako. T.T” sabi ni Abby sa kanyang sarili.
Bigla niyang kinuha ang kanyang telepono at idinial ang number ni Bia.
“Hello, Abby? Oh, napatawag ka? Kamusta na kayo ni Marco? :)”
“Bia T.T”
“Umiiyak ka ba Abby??? Bakit?”
“Ang sakit sakit na! Kasama naming si Aria  buong araw na nandito kami. Lagi na lamang Aria ang bukambibig ni Marco Bia. Anong gagawin ko? T.T”
“Bakit hindi mo siya kausapin?”
“Hindi ko kaya Bia T.T feeling ko pag sinabi ko, pagtatawanan niya lang ako”
“Alam mo ang lalim na nang samahan nila ni Aria, mas malalim pa sa inyo ni Marco, diba’t binalaan ka na naming noon? Sinabi na saiyo na Miyon na papatayin ka lang ng selos mo kung sasagutin mo si Marco pero tinuloy mo pa rin”
“Mahal ko siya Bia T.T at alam mo yon T.T”
“Oo nga, pag-uusap lang ang solusyon diyan, kung hindi mo na talaga kaya. Iwan mo na”
“Di ko kya yun! T.T at alam mo ban a narinig kong nag-uusap sila ni Chard.”
“Sinong Chard Abby?”
“Yung kaibigan ni Marco mula pagkabata at parang may gusto iyon kay Aria at alam mo bang sinabi niya na mahal niya si Aria higit pa sa buhay niya, eh ano ako ha? Palamuti niya? T.T”
“Edi tanungin mo si Chard tungkol dun”
“Oo nga!” Biglang nabuhayan ang loob ni Abby
“Tama ka Bia, ilulugmok ko si Aria kay Marco sa pamamagitan ni Chard.”
“Abby, wag mong…. Toot toot toot”
Binaba ni abby ang telepono at naghanapng tiempo para maitanong kay Chard ang lahat. Isang linggong paulit ulit ang naramdaman ni Abby. Araw araw siyang nagseselos sa ginagawa ni Marco at Aria.
Araw araw din siyang pumupunta kung saan niya nakikita si Chard at doon nakakahanap ng mgandang pakiramdam dahil nalilimutan niya lahat ng sakit.
Isang araw ng pagbalik niya sa lugar kung saan sila nagkikita ni Chard
“Oh Abby, naghahanap ka na naman ng mapayapang lugar?” tanong ni Chard nang tumatawa
“Oo Chard, haha! Dito lang naman yun eh.”
“Dito? Sa piling ko?” Tanong ni Chard
“Makapagbiro ka Chard ha” Natawang sabi ni Abby ngunit parang natuwa siya sa sinabi ni Chard
“Totoo. Ang ganda mo pala no, para bang may pagkahawig kayo ni Aria”
“Ah. Hahaha, paano nga ba kayo nagkakilala ni Aria? Tanong ni Abby
“Nung pinakilala ni Marco sa amin si Aria, pero narinig ko na boses niya dati pa pero di ko alm na siya pala yun”
“Ah, at doon. Minahal mo siya?”
“Haa? Gulat na tanong ni Chard
“Oh? Di ba? Halata naman eh.”
“Ah. OO, at matapos nung ayaw nila ni Marco ay madalas na kaming nagkikita.”
“Ah.. ah.. nagkikita kayo?” Gulat na tanong ni Abby
“Oo, may relasyon kami hanggang ngayon pero dahil ayaw ni Marco sa akin ay lumalayo na din sa akin si Aria. Malaki ang ginagampanan ni Marco sa buhay ni Aria kaya parang nabablewala ako”
Hindi na nagsalita si Abby at para bang parehas ang nararamdaman nilang dalwa sapagkat ganoon din ang parang nangyayari sa kaniya kay Marco.
“Oh, bakit ka nakatingin lang sa akin Abby?
At biglang dinampian ng halik ni Abby si Chard at hindi naman ito tinanggihan ni Chard.
“Bakit mo ginawa yun Abby?”
“Hindi ko rin alam Chard, gusto ko na kasing makawala.”
“Ha? Bakit?”
“Wala! Tara, sumama ka sakin” Sabi ni Abby
Dinala ni Abby si Chard sa kanilang bahay at pagdating nila..
“Abby! Bakit mo kasama tong lalakeng to?” Galit na tanong ni Marco at bigla na lamang binugnog ni Marco nang wala namang kasalanan.
“Tama na Marco!” Pasigaw na sabi ni Abby
“Marco, tumigil ka na, hayaan mo na siya” Sabi ni Aria
“MARCO TUMIGIL KA NA!” pasigaw at galit na sabi ni Abby
Tumigil si Marco..
“Bakit Abby? Nilason na din niya ba ang isip mo? Hindi mo siya kilala!”
“Ikaw ang hindi ko kilala Marco, una’t sapul pa lang hindi ka nagsasabi sa akin ng mga problema o hinaing mo, ni hindi ko nga alam ang pangalan nang mga magulang mo eh T.T”
“Layuan mo siya Abby!” Nagmamakaawang sabi ni Marco
“Lalayuan ko siya kung lalayuan mo yang bestfriend mong malandi” Sabi ni Abby
“Abby, tumigil ka, bastos nay an.”
“Bakit? Bat hindi mo tanungin yang bestfriend mo?
“A…aria? Ano yon?” tanong ni Marco
“T.T Maaarcooo! May realsyon kami ni Chard. T.T” Humahagulgol na sabi ni Aria.
“Kelan? Bakit mo nagawang magsiungaling sa kin?”
“Sasabihin ko naman sayo eh. Pero…”
“Nakita mo na Marco? Araw araw kayong naglalandian na ako na ang girlfriend mo. Sa harapan ko pa. Tinitiis ko. Tinitiis ko at isang araw nakita ko si Chard at nakaramdam ako ng ginhawa sa piling niya na hindi ko naramdaman sayo”
“Hindi mo naramdaman sa kin Abby? Abby! Patawarin mo ko! Babawi ako, pinagsisisihan ko na lahat. Mahal na Mahal kita” Umiiyak ang nagsusumamong pagkasabi ni Marco
“AYan! T.T Diyan ka sa mahal mong bestfriend, narinig ko kayong nag-uusap ni Chard, Marco. Sinabi mong mahal mo siya higit pa sa buhay mo. T.T”
“Wala iyon abby! Alam mong ikaw ang mahal ko, bestfriend ko siya kaya ganoon ang pagmamahal ko sa kaniya”
“Eh ako? Girlfriend mo ko kaya ganyan lang ang pagmamahal mo sa akin? Mas marami kayong napagsamahan. Ako, ano lang ba ang isang buwan sa ilang taon na nagkasama kayo. T.T”
“Abby, patawarin mo ako! Abby!”
“Tara na Chard T.T”
“Saglit! Chard, iiwan mo ako T.T” umiiyak na tanong ni Aria
“Oo Aria, hindi ka na mahalaga kay Chard ngayon, ako na ang mahal niya.” Sagot ni Abby
“Chaaaaaaaaaard! Hindi mo naiintindihan”
“Anong hindi naiintindihan Aria? Tanong ni Abby
“Chaaaaaaard! Buntis akooooo.!”
Nagulat ang lahat sa narinig nila mula kay Aria.
“A…Aria… Aria? Bakit? T.T Narinig mo Abby? Nakabuntis na siya, sasama ka pa din bas a kanya?”
“Oo Marco, at bakit? T.T Hindi siya masamang tao. Kaya huwag ka mag-alala.”
“Abby Siya ang dahilan kung bakit nagkaganoon ang mama ko, dati kami lang ng mma ko. Masaya kami. T.T Pero nang dumating ang pamilya nila para maging katulong naming. Pinamukha niya sa mama ko na Masaya at may buo silang pamilya kaya kung-kanikanino na kumabit ang mama ko para mabuo ang pamilya naming. Pero ngayon, ano! Iniwan ako ng mama ko! Abby, ikaw na lang ang natitira sa akin. Huwag mo akong iwan! T.T”
“Tara na Chard! T.T”
“ABBBBBBBBBBBBBBBYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!” umiiyak na sigaw ni Marco
Tuluyan na silang umalis.
“Nramdaman mo din ang sakit Marco, Hmm. Huwag ka mag-alala aria, babalikan kita at ang magiging anak natin” Sinabi lang sa sarili ni Chard
--
“Aria, wala nang lahat sa akin, ngayon nagdadalangtao ka. Iiwan  mo rin ako, iniwan niyo nang lahat ako. Wla na ako. Hindi ko kaya nang wala si Abby T.T”
“Hindi Marco. T.T Andito ako, dib a ako ang bestfriend mo. T.T Hindi kita iiwan hanggang sa maging maayos ka.
Tatlong araw na walang tulog si Marco at pati na rin si Aria dahil binabantayan niyang maigi si Marco. Hinayaan na ni Aria ang kanyang kalagayan. Alang-alang sa kanyang kaibigan isasakripisyo niya lahat maging ayos lang ang kalagayan nito.
Isang araw nakarinig si Aria ng bagsak mula sa kwarto ni Marco.
Dali dali siyang pumunta sa kwarto kung nasaan si Marco at nakitang may bumagsak na bote ng lason.
“Ano ka ba, Marco! Saan mo nakuha ito? Tigilan mo tong balak mo!” Sabi ni Aria
“Gusto ko nang magpakamatay! T.T Hindi ko na kaya to Aria. Hindi ko na kaya.”
“Marco, itigil mo! Itigil mo yan”
“Gagawin ko ang gusto ko! Wala kang pakielam. Buhay ko to Aria, Buhay ko ‘to! T.T”
“Ibaba mo yan. Ibaba mo yan. Mag-uusap tayo.”
“Hindi Aria, isang kalabit lang wala na ko! T.T”
“Marco tigilaaaaan moooo!”
Naiputok niya ang baril. At nang marinig ito ay parang natauhan si Marco sa lahat ng ginawa niya. Ngunit ang laking ikinagulat niya ay…
“Aaaaa. Ariiiiaaaaa! Papapapa….Patawarin mo ako! ARRRRRRIIIAAAAAA!”
Imbes na maiputok sa kaniyang sarili ay naiputok niya ito kay Aria ng hindi namamalayan. Nang Makita kasi ni Aria si Marco, ay bigla itong lumapit ypang agawin ang baril. Ngunit naiputok agad ito ni Marco.
Dinala niya sa ospital si Aria, ilang oras din siyang naghintay hanggang sa lumabas ang doctor..
“Sorry, masusurvive pa sana natin siya pero hindi na niya kinayang lumaban pa dahil sa kalagayan ng pagdadalang tao niya, masyado siyang napagod. Hindi na niya kaya pa kung maooperahan siya. Sorry!”
Umiyak ng umiyak lamang si Marco at para bang mas masakit pa ang naramdaman niya kaysa nang mawala si Abby.
Naidala ang bangkay ni Aria sa Maynila at takot na takot siyang puntahan ito dahil sa magiging reaksyon ng mga kamag-anak ni Aria ngunit naglakas-loob pa din siya.
Pagdating niya roon ay una niyang pinuntahan ang mga kamag-anak ni Aria. Nakita niyang nakatingin lamang ito sa kanya.
“Patawarin niyo po ako. T.T Hindi ko po sinasadya.. Alam niyo pong mahal ko ang kaibigan ko. Pero, handa po akong makulong sa nagawa ko. Patawarin niyo po ako. T.T” Nagmamakaawang sinabi niya sa mga magulang ni Aria.
“Hindi Marco, hindi naming gagawin iyon. Alam naming magagalit si Aria kung nabubuhay pa siya. Hindi noon hahayaan na makulong ka.” Sagot ng mommy ni Aria
“Kuya Marco, tignan mo si Ate. Mamimiss ko siya. Kahit nakapikit siya, naaalala ko lahat ng pagiging ate niya sa akin. Mahal ko siya kuya, at kahit ganyan. Maganda pa rin siya. Babye Ate. T.T” Sabi ni Lei
Napaiyak lamang si Marco sa nasabi ni Lei.
Ilang saglit lang ay may isang grupo ang pumasok sa silid.
“Nakikiramay po kami”
Gulat na gulat si Marco at napaluhang Makita ang buong barkada nila na nabuong muli.
“Si Aria lang ang kulang, kumpleto na tayo T.T” sabi ni Bia
“Andito siya, nasa puso natin siyang lahat, Tiyak na magiging masya siya kung makita niya tayong nabuong muli T.T”
Isang oras nang nag-uusap ang lahat.
May isang lalaking nagwawala at umiiyak.
“ARRRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIAAAAAAAAAAAA!”
“Aria, patawarin mo ako! Alam mong ako ang may kasalanan nito” Iyak na nasbi ni Chard
Marco: A friend is someone who cares about you. The one that you can count on in times of troubles, pains, and sufferings that occur in your life. The one that you can trust with all the secrets of your life. A friend is someone who always finds time to listen to all the stories you tell and the one that is always concerned in everything that you do. These traits I found kay Aria at doon ko lang naisip ang kahalagan nang aming pagkakaibigan ni Aria. Nakakamiss nga kung tutuusin. Ang dami naming napagdaanan at ilang taon na ang nakalipas.. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang kaibigan ko.
Reporter: Ano pong nangyari kay Chard at Abby?
Marco: Ahhh. Hindi sila nagtagal dahil mas mahal pa rin ni Chard ang kaibigan ko at hindi niya kinaya ang pagkamatay ni Aria. Nasiraan siya nang bait dahil doon at si Abby naman, may Masaya na at sariling pamilya sa America.
Reporter: Eh kayo po? May kinakasama naba kayo?
Marco: Wala, parang hindi na akong nagbabalak mag-asawa pa. It’s like once you’ve been hurt, you’re so scared to get attached again. Like you have this fear that every person you start to like is going to break your heart. Nasaktan na ako, pero alam kong hindi pa doon nagtatapos ang buhay. Alam kong ginagabayan ako ng matalik kong kaibigan mula sa langit.
*Applause*
Writer: Mr. Caleyna, napakagaling niyong speaker! At napakaganda ng istorya ng buhay niyo.
Marco: Maraming Salamat po.
Writer: Bakit hindi ninyo ibigay sa akin ang buong kwento at mailagay natin sa libro?
Marco: Ahhh. Uhh. Talaga po? Isang karangalan. Sige po! Maraming Salamat.
--
Marco: Aria, kung nasaan ka man ngayon, Maraming Salamat. Hindi pa rin kita nalilimutan. Naiisip ko nga, sana nagging tayo na lang. Pero parang hindi talaga natin maachieve yung ganoong feeling. Pero muli, salamat sa magandang alaala at pagmamahal mo sa akin bilang kaibigan J