Appreciation Post for my Boyfriend ❤️😍
Mark is just a plain simple guy who makes mistakes. Tao lang din nagkakamali, nasasaktan, nakakasakit pero sa saglit na panahon na nakilala ko sya, pinakita at pinaramdam nya sakin kung gaano sya kalayo sa mga lalaking nakilala ko. Ang dami ko nang nakilalang lalaki. Ang dami ko nang narinig na story about sa mga lalaki, sa mga kalokohan nyan nila. Ang dami kong kaibigang lalaki na open sakin sa mga trip nila sa buhay, mapapositive or negative man yan! Hahaha. Kaya alam na alam ko kung paano kumilos at humarot ang mga 'yan. Naranasan ko ring masaktan ng paulit ulit, yung magpakatanga ng paulit ulit din. Yung harap harapan ka nang niloloko pero tinatanggap mo pa rin. Hahaha! Ganon kalala. Naranasan ko naring umiyak nalang bigla kasi maiisip ko kung gaano ako kagaga at katanga. Sa mga panahong iyon, nawalan ako nang tiwala sa mga lalaki. Tipong tinatak ko na sa isip ko na walang lalaking hindi magloloko. Ganyan yan sila.
Pero dahil kay Mark. Dahil talaga sakanya, pinatunayan nya sakin na wala naman ngang perpekto. Kahit sya nagkakamali, kahit ako din mismo nagkakamali. Pero pinakita nya sakin kung gaano kasarap magmahal sa taong willing tanggapin na tao ka lang din, magkakamali ka pero dahil sa lakas ng pagmamahal nyo sa isa't isa, mapapatawad nyo pa rin. Si Mark yung nagpatunay sakin na sa past relationship ko, hindi dapat ako magtanim nang galit. Dumating yun dahil kailangan, para matuto at para mas maging marunong ka na sa susunod na pangyayari sa buhay mo. Sa kabila nang lahat ng sakit na naramdaman ko, hindi ako nagtanim nang galit. Hindi ko hinayaang masira ang pangalan ng taong nanakit sakin. Hinayaan ko sya na gawin ang gusto nya at ipagpatuloy nya ang buhay.
Si Mark yung tipong nagparamdam sakin na ayaw nyang makasakit ng damdamin ng iba. Kahit alam nyang wala na syang magagawa, at masasaktan ka na nya, gagawa pa rin sya ng paraan wag lang mas bumigat pa yung nararamdamam mo. Sobrang layo nya sa nagparamdam sakin ng sakit. Siguro kung ako yung taong masasaktan nya, siguro magpapasalamat pa rin ako kasi alam kong hindi sya makasarili. Hindi lang yung kaligayahan nya yung uunahin nya, iisipin nya pa rin kung okay ako kasi mas magiging okay sya kung okay ako. Ganon ba. Ganon syang tipo nang lalaki na sobrang malayo sa iba. Na kapag nasaktan ka, bahala ka na. Ikaw na yan. Magsosorry pero minsan di mo ramdam. Si Mark lang yung lalaki na nagpatunay sakin na meron pa rin ngang tulad nya na marunong timbangin ang bawat sitwasyon.
Kaya sobrang blessed ko, sobrang masaya ako na yung taong inaangat ko sa post na to eh hindi lang basta kaibigan kung hindi ka-partner, best friend at boyfriend ko! ❤️ Sa mga taong hindi sya naiintindihan, sa mga taong walang ginawa kung hindi siraan sya at tignan yung mga bagay na nagawa nyang mali, ako mismo ang magpapatunay na walang wala ang mga maling nagawa nya sa lahat ng kabutihan at matalino nyang pamamaraan sa buhay. Pero lubos lubos ang pagpapasalamat ko sa mga taong hindi sya tinalikuran at naniwala sa kanya. Hindi kayo nagkakamali.
Ako mismo ang unang unang magtatanggol at magpapatunay na yung Mark ko, marunong tumimbang na bawat bagay. Lahat tayo nagkakamali. Hindi lang sya, ikaw rin. Wag natin tignan ang mga bagay sa isang side lang.
Ayun lang, gusto ko lang sabihin sa inyong lahat na kahit anong mangyari, mahal na mahal na mahal ko si Mark. At hindi ko magagawang iwan sya sa kahit anong laban, kung kalaban nyo sya, kalaban nyo rin ako. Magkasama kami sa lahat ng aspeto at sobrang proud ko to say na ako yung girlfriend nya! ❤️
ILOVEYOU, Bi!