Friday, August 22, 2014

Tangang Pag-ibig

Have you experience na mainlove? Well, halos lahat naman sa 'tin from teenagers to adults naranasan ng magmahal. As in romantic love.

Eh naranasan mo na bang maghintay? Yung tipong naghihintay sa wala. Pero kahit alam mong wala rin namang mapapala or mararating, naghihintay ka parin. Kasi umaasa ka at naghihintay na balang araw makikita ka rin nya, mapapansin at nagbabakasakaling mamahalin din. The way you love him or her. Ang sakit magmahal no? Kailangan mong magpakatanga lalo na kung ikaw lang ang nagmamahal at sya? Kaibigan ka lang o kaya acquiantance. Pero ikaw 'tong si shunga, engot na minamahal mo parin sya. Wala eh, ganon siguro talaga pag nagmahal ka ng sobra sobra.

Yung tipong sinasabi mo sa sarili mo na "tama na. Tama na. Ang tanga mo na! Wala ka mapapala dyan. Matututo ka lang maging immune sa mga nararamdaman mo!" Pero isang smile nya lang, isang text. Nakalimutan mo na lahat 'yun! Haaaay buhay pag ibig. Tapos minsan masasabi mo sa sarili mo na "i'm just wasting my time waiting for nothing" pero ayaw mo tignan ang sarili mo na nagsayang ka lang ng oras at panahon sakanya kasi sumaya at sumasaya ka sa pagmamahal mo sakanya kahit wala kang nakukuhang kapalit. Kahit na lahat na inasa nya nalang sayo, okay lang kasi gusto mo yun para mas mapalapit kayo at matulungan mo sya. Ayaw mong mapapariwara sya sa mga bagay bagay.

Sobrang sarap magmahal at hindi ito mali. Kailan ba naging mali ang magmahal? Hindi diba? Kahit sabihin mo pang mali dahil mali yung taong minahal mo. Hindi. Hindi mali, kasi nagmahal ka at bigla mo nalang naramdaman yun. Wala kang kasalanan, walang may kasalanan. Kung ano man 'yang nararamdaman mo, ipagpatuloy mo. Ang sarap kaya sa feeling. Napapangiti ka at kinikilig. Wala nang mas sasarap pa sa ganoon. Pero dapat alam mo ang limitasyon mo. Dapat marunong kang tumanggap kung ano ka lang. Choice mo yan kung gusto mong ipagpatuloy lahat o itigil na. Pero diba't mas mahirap na pigilan mo ang feelings mo kaysa let it all free?

The hardest part of it is the mere fact of ACCEPTANCE. pero once na nagundergo ka na sa ganyang process, marerealize mo na sobrang mas naging magaan ang feelings mo. Mahal mo man sya pero alam mo kung hanggang saan ka lang. No expectations just happiness. Mas magiging magaan ang lahat. Kaya siguro yung ibang tao nahihirapan sa pagibig kasi kahit anong gawin o sabihin nila naasa sila, di man nila iadmit sa sarili nila but they do. Kaya dapat matuto tayong tumanggap and syempre don't forget to ask the Lord for his guidance. Ipasakanya mo ang lahat at tiyak na di ka mapapariwara. Let it flow. �

"Don't keep her waiting just because you know she will"

Dear Best,

To my dearest Bestfriend,

Hi best! I just wanna tell you how much I cared for you. Sobra kitang pinapahalagahan. From the moment na sinabi mong bestfriend mo ako. Di ko mapigilan sarili ko nun sa tuwa. Grabe! Ang sarap lang sa feeling na ikaw pa mismo nagsabi non. Tapos after nun. "BEST" na ang tawag mo sakin. Naks. Hihi. Tapos ayun na nga. Akala ko biro lang yung tawagan natin na yun. Pero hindi pala. Talagang naging magbestfriend tayo. Inasikaso kita, inalagaan, pinahalagahan at syempre minahal. Wag mo lang maramdaman na nagiisa ka. Ganyan ka kaimportante sakin. Ayokong ayoko na mapapariwara ka. Ayokong masira yung pagaaral mo. Ayokong masira yung pangalan mo sa kahit sino dahil hindi ka nila kilala. Hindi nila alam kung sino si "-----" na bestfriend ko. Sana nararamdaman mo yun. Yung pagpapahalaga ko. Sana. At kahit anong mangyari best, di kita iiwan. Di kita hahayaan lang. At pipilitin kong hindi mapagod at magsawa sa pagtulong o pagalaga sayo kahit alam kong wala naman akong napapala don. Ang alam ko lang. Masaya na ko. Sobrang masaya ako pag makita ka lang na masaya. Mahal kasi kita eh. Oo best, mahal kita higit pa sa iniisip mo. Pero okay lang. Ayoko ring malaman mo kasi alam kong hindi naman mutual eh. Tanggap ko na. Masaya na ko sa mga simpleng pagpapakilig mo sakin. Masaya na ako dun. Pero best, sana lang hindi mo ako kinakahiya. Yung tipong kaya mo akong iharap sa kahit sino. Kahit sa family mo na BESTFRIEND mo AKO. Sana hindi mo lang ako bestfriend sa school. Yung tipong best mo ko kasi natutulungan kita. Pero alam ko namang hindi ka ganon. Sana best walang magbago kahit makagraduate at makapagtrabaho na tayo. Pero salamat best kasi kahit downfall kita. You are my sweetest downfall. Naramdaman ko din kung paano mo ko pinoprotektahan at inaalagaan ng kaunti. Hehe. Salamat kasi kapag kailangan kita, nandyan ka. Kahit na minsan inis na inis ako sayo. Di mo pa rin ako iniwan. Kung swerte ka sakin. Swerte din ako sayo. Yung pagseselos mo, wag na. Di ka naman nila malalamangan sakin eh. ♡ Atska yung mga pagaalala mo sakin lalo na pag tungkol na sa magiging boyfriend ko. Salamat talaga best. Ikaw ang bestfriend ko! You'll always be. I love you and i will always be here ❤ isa lang talaga ang wish ko, SANA HINDI MAGBAGO! SANA WALANG MAGBAGO. SANA BESTFRIENDS TAYO. FOREVER AND EVER. sabi mo nga diba, ikaw ang BESTFRIEND EVER ko :">

Love,
Renzi ت