Thursday, November 13, 2014

Undefined Title

Para san nga ba 'to?
May mapapala ba ako?
Basahin nalang ng buo
Nang malaman ang aking kwento.

Ako'y may kaibigan
Jovie ang pangalan.
Kapag kami'y nagkwentuhan
Walang katapusan.

Nakagawian na ang awayan, tampuhan at asaran
Ngunit di nagbabago ang aming samahan.
Hindi nawala at palaging maaasahan.
Yan ang kwento ng aming pagkakaibigan.

Iba ang ngiti kapag siya'y kasama.
Tunay ngang ako'y masaya
Di maipagkakait ang kanyang halaga.
Hiling ko lang, wag syang mawawala.

H'wag sanang manawang ako'y iyong intindihin
Aaminin ko minsan ako'y alanganin.
Iyong mga paalala'y laging susundin
At nawa'y hindi ako limutin.


Thumbs up, dude? Hahaa

A Poem with No Title

A friend of mine just made me a short poem and it really touches my heart because it's an A for Effort and I really like a person doing lots of effort. :) well actually he gave this to me with no title and I can't ask him because I think he's out somewhere. Oh well.

Etong kaibigan kong 'to. Sobra yung attachment namin sa isa't isa. And nakakatawa lang kase magkakilala na kami for almost 7years and ito talaga yung matatawag kong bestfriend. Sinasabi ko lahat sa kanya and ganon den naman sya saken. Pero, wala syang ginawa kundi badtripin ako, awayin ako, pagtawanan ako, pagtripan ako, bwisitin ako. Ganyan sya ka-sweet sken. Cute dba? Hahaha! Bwiset! Pero okay lang alam ko namang biro lang nya yun. (Biro nga lang ba?) Hahaha! Ikaw ba naman diba. Sabihan kang "Hindi ka maganda" harapan o kahit hindi harapan. Pero okay lang. Alam ko naman na ugali nyang abnormal na yun. Kahit ganon love ko pa din sya syempre. Wala na atang makakapantay nung pagiging close namen sa isa't isa diba. Hahaha! Ewan ko lang sakanya. Pero kahit ganyan yon. Love na love ko yung abnormal, baliw, siraulo, ulol, praning, may saltik na yon. Hahaha. Di ko nalang alam ggawin pag nawala yon saken. Parang di ako masasanay! Haha

PS. KAHIT TANGA KANG BALIW KA. AT NABABALIW KA NANAMAN  SA PAGIBIG MONG YAN NA NILOKO KA NOON AT ETO NANAMAN. NAWAWALA BUMABALIK! sige, dahil bestfriend mo ko. Susuportahan kita kung san ka masaya :)


This how the poem goes.


AKO PO SI JOVIE
NA NAPAKAPOGI
MATABA SI RENZI
D SYA NAGSISISI

KAHIT NA MATABA
AT DOBLE ANG BABA
SIYA AY MABAIT
DI MO MALALAIT

KAHIT NA NAGCHOCHOKE
SA MGA KORNI NYANG JOKE
AKO AY MASAYA
SA TWING KASAMA SYA

IMULAT ANG MATA
AT KUNIN ANG MUTA
IPAHID SA PADER
MALAGOT KAY FATHER



PS again. Tapos ko na yung pang professional kong tula. HAHAHAHA JK.