Tuesday, August 27, 2019

Spotify Playlist



Tuesday, February 12, 2019

Move on, Moving on, Moved on

What is move on? How to move on?

This blog will talk about my thoughts and opinions in Moving On.

Yan yung mga famous lines na madalas natin mabasa or marinig sa mga broken hearted. Paano nga ba mag move-on? Saan magsisimula? Ang hirap diba? Hindi lang ang tanong na yan ang mahirap sagutin pati na rin ying application if nasa situation ka.

Hindi ako expert dito, hindi ganon ka-wide yung experience ko. Pero I can say na ang dami ko natutunan sa heart break. Isang tao sa isang libong lessons. Isang beses pa lang naman ako nasaktan ng todo todo pero parang mga pang sampung tao na yung sakit na binigay sakin. Sabi nga nila, OJT ko daw yun sa love. Hahaha!

Lahat tayo dadaan sa pain, sufferings. Minsan panalo tayo, minsan talo rin tayo. I want to start siguro sa kwentong pag-ibig ko. Nainlove ako sa taong akala ko TAMA para sa akin. Masyado ko syang nakita as my perfect guy kahit napakadaming flaws na nakalatag sakin. Well, maybe kasi nabubulagan ka talaga pag-inlove. Pero I admit it, I am a paranoid, nagger feeling girlfriend. Sino nga ba naman ang gusto ng ganon? Maya't maya chat ako ng chat. Text ako ng text pag hindi nagpaparamdam. Gusto ko bawat kilos nya nalalaman ko. Kung sino kasama nya, kung anong ginagawa nya. Hahaha! Baliw no? Pero I think its normal because it's almost my first time na magkaron ng love life at this age. High school pa yung last ko, so nadala ko yung immaturity ko up until that relationship. And to conclude everything, my fault. I'm not saying na kaya hindi nagwork because ako yung mali, madami rin syang maling nagawa. May mga dahilan rin kung bat ako napaparanoid. Girls' instincts will always be true.

But after all the heart aches. ang dami dami dami kong natutunan! Binuksan ko kasi yung mind ko and yung heart ko bakit nangyari lahat nang iyon. Hindi ako magpakanegative ng matagal na time. Nung una syempre, bitter ka, galit ka. Pero mas tinanggap ko at inintindi ko ang bagay bagay.

Una, kailangan mong tanggapin na ganon talaga. Normal na nangyayari.
Pangalawa, kailangan mo lang iendure yung pain. Yakapin mo. Wag mo pigilan.
Pangatlo. wag ka magpakaipokrita na ayaw mo na talaga, na wala ka ng feelings kung meron pa naman talaga.
Pang-apat, pabayaan mong unti-unting maghilom yung sugat.
Pang-lima, Magspend ka ng time para sa sarili mo.
Pang-anim, magreflect ka bakit binigay sayo yung challenge na yun at bakit nagkandaleche leche ang lahat. (Hindi lahat kasalanan nya. may mali ka rin)
Pang-pito, tanggapin mo na kung madami syang pagkakamali, marami ka ring pagkakamali.
Pang-walo, magugulat ka nalang na unti unti nang nawawala yung galit at puro brighter side ng experience nalang ying makikita mo.
Pang-syam, ang dami mo nang lessons na natutunan.
Pang-sampu, mas tumalino ka na.

Pagkatapos ng learnings ko, hindi ako natakot pumasok sa relasyon ulit. Kagaya ngayon, masaya ako sa boyfriend ko. Masaya kami. We respect each others' individuality as a person. May buhay sya, may buhay ako. May oras kami na para sa amin lang din. Hindi selfish. Hindi pansariling kagustuhan lang sinasaalang alang. Narealize ko na siguro yung previous ko, hindi talaga sya para sa akin kasi may taong mas mamahalin ako ng totoo at yun yung boyfriend ko. Also, masaya na rin yung previous guy ko. Hindi ko inexpect na may magtatagal sa kanya pero look at him now, he's happy and contented.

Minsan kasi hindi natin kailangan ang mga negative sa buhay natin. Ang dami ng problema ng mundo. wag na tayo dumagdag. Isipin mo nalang lahat ng brighter side why it happened.

Don't be selfish. Isipin mo at i-weigh mo yung do's and don'ts to keep a relationship stronger.


DISCLAIMER: I AM NOT A PRO AND NOT INTO A PERF RELATIONSHIP.

I just wanna share my thoughts and tell the world how blessed I am for my learnings because He gave me my one great love 💕 I love you my MVP!






Wednesday, January 2, 2019

My Greatest Gift

Your love is the greatest gift of all 😘


Ikaw yung plot twist ko, ikaw yung happiness ko simula nung makilala kita, ikaw yung nagbigay kulay sa black and white kong buhay. Ikaw yung taong hindi ko inakalang mamahalin ako ng buong buo. Sa kabila nang lahat, andito pa rin tayo. Sobrang matatag. Maraming may ayaw, maraming tutol, maraming nanira sayo, maraming nagpahiya pero mas marami ang naniwala at nagmamahal satin. 
Kahit kailan, hindi mananalo ang galit. Hindi tayo matitinag sa mga pasimpleng parinig. Yung pagmamahal ko sayo, walang wala sa mga baliktad na pagiisip ng mga taong may ayaw sa 'tin. 
HAHAHAHAHAHA totoong tinatawanan nalang natin ang mga yon. Dahil sa kabila ng lahat ng paninira at pagpapahiya, ano bang napala nila? Napaghiwalay ba nila tayo? Malabo pa sa malabong HINDI! At nagagawa pa ring magparamdam. Like, asan ang sariling bait? Hahahaha walang masamang bumati, pero masamang bumati pero galit na galit lang kahapon? Yung totoo? Hahaha.
Pasalamat siya at hindi nya ako katulad. 😊 Mas mahal na mahal ko kung anong meron tayo ngayon kaysa makipagaway at pagtuunan nang pansin ang mga walang kwentang bagay. Sa ilang bwan na magkasama tayo, ramdam na ramdam ko ang pagtanggap sakin ng pamilya mo at pagmamahal, parang pagmamahal rin sayo ng pamilya at mga kaibigan ko. Sobrang kamahal mahal mong tao MARK STEVENS, mahal ko. ♥️ Ibinigay ka nya sa akin dahil alam ni Lord na kaya kitang ipaglaban at hawakan sa lahat ng aspeto. Susuportahan kita, tutulungan kita, palagi lang akong nandito sa tabi mo. Hinding hindi kita iiwan. Hinding hindi kita papabayaan at hinding hindi kita bibigyan ng dahilan para malimutan mo kung paano, bakit at gaano mo ako kamahal. MAHAL NA MAHAL KITA BEBE KO! Hinding hindi kita ipagpapalit kahit kanino man. Sa hirap at ginhawa, maaasahan mong palagi kitang kasama. 

Sa mga susunod pang taon love, sa mga susunod na bwan, kapit lang tayo. Laban lang tayo 💪🏻 

I LOVE YOU VERY MUCH, MY MARK STEVENS 😗🤗














Sobrang swerte ko sa pamilya mo! Sobrang swerte ko sayo, MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA. AKIN KA LANG, AT AKIN KA LANG. 🐽♥️😘



Saturday, November 3, 2018

Message to you, all. Appreciation Post 😊

Appreciation Post for my Boyfriend ❤️😍

Mark is just a plain simple guy who makes mistakes. Tao lang din nagkakamali, nasasaktan, nakakasakit pero sa saglit na panahon na nakilala ko sya, pinakita at pinaramdam nya sakin kung gaano sya kalayo sa mga lalaking nakilala ko. Ang dami ko nang nakilalang lalaki. Ang dami ko nang narinig na story about sa mga lalaki, sa mga kalokohan nyan nila. Ang dami kong kaibigang lalaki na open sakin sa mga trip nila sa buhay, mapapositive or negative man yan! Hahaha. Kaya alam na alam ko kung paano kumilos at humarot ang mga 'yan. Naranasan ko ring masaktan ng paulit ulit, yung magpakatanga ng paulit ulit din. Yung harap harapan ka nang niloloko pero tinatanggap mo pa rin. Hahaha! Ganon kalala. Naranasan ko naring umiyak nalang bigla kasi maiisip ko kung gaano ako kagaga at katanga. Sa mga panahong iyon, nawalan ako nang tiwala sa mga lalaki. Tipong tinatak ko na sa isip ko na walang lalaking hindi magloloko. Ganyan yan sila.

Pero dahil kay Mark. Dahil talaga sakanya, pinatunayan nya sakin na wala naman ngang perpekto. Kahit sya nagkakamali, kahit ako din mismo nagkakamali. Pero pinakita nya sakin kung gaano kasarap magmahal sa taong willing tanggapin na tao ka lang din, magkakamali ka pero dahil sa lakas ng pagmamahal nyo sa isa't isa, mapapatawad nyo pa rin. Si Mark yung nagpatunay sakin na sa past relationship ko, hindi dapat ako magtanim nang galit. Dumating yun dahil kailangan, para matuto at para mas maging marunong ka na sa susunod na pangyayari sa buhay mo. Sa kabila nang lahat ng sakit na naramdaman ko, hindi ako nagtanim nang galit. Hindi ko hinayaang masira ang pangalan ng taong nanakit sakin. Hinayaan ko sya na gawin ang gusto nya at ipagpatuloy nya ang buhay.

Si Mark yung tipong nagparamdam sakin na ayaw nyang makasakit ng damdamin ng iba. Kahit alam nyang wala na syang magagawa, at masasaktan ka na nya, gagawa pa rin sya ng paraan wag lang mas bumigat pa yung nararamdamam mo. Sobrang layo nya sa nagparamdam sakin ng sakit. Siguro kung ako yung taong masasaktan nya, siguro magpapasalamat pa rin ako kasi alam kong hindi sya makasarili. Hindi lang yung kaligayahan nya yung uunahin nya, iisipin nya pa rin kung okay ako kasi mas magiging okay sya kung okay ako. Ganon ba. Ganon syang tipo nang lalaki na sobrang malayo sa iba. Na kapag nasaktan ka, bahala ka na. Ikaw na yan. Magsosorry pero minsan di mo ramdam. Si Mark lang yung lalaki na nagpatunay sakin na meron pa rin ngang tulad nya na marunong timbangin ang bawat sitwasyon.

Kaya sobrang blessed ko, sobrang masaya ako na yung taong inaangat ko sa post na to eh hindi lang basta kaibigan kung hindi ka-partner, best friend at boyfriend ko! ❤️ Sa mga taong hindi sya naiintindihan, sa mga taong walang ginawa kung hindi siraan sya at tignan yung mga bagay na nagawa nyang mali, ako mismo ang magpapatunay na walang wala ang mga maling nagawa nya sa lahat ng kabutihan at matalino nyang pamamaraan sa buhay. Pero lubos lubos ang pagpapasalamat ko sa mga taong hindi sya tinalikuran at naniwala sa kanya. Hindi kayo nagkakamali.

Ako mismo ang unang unang magtatanggol at magpapatunay na yung Mark ko, marunong tumimbang na bawat bagay. Lahat tayo nagkakamali. Hindi lang sya, ikaw rin. Wag natin tignan ang mga bagay sa isang side lang.

Ayun lang, gusto ko lang sabihin sa inyong lahat na kahit anong mangyari, mahal na mahal na mahal ko si Mark. At hindi ko magagawang iwan sya sa kahit anong laban, kung kalaban nyo sya, kalaban nyo rin ako. Magkasama kami sa lahat ng aspeto at sobrang proud ko to say na ako yung girlfriend nya! ❤️

ILOVEYOU, Bi!

Tuesday, October 16, 2018

Baby-ik

Pano ko ba 'to sisimulan?
Ang hirap magsimula ngunit mas mahirap tapusin. 😊
Ito yung mga bagay na hindi ko inakala,
pero pinagdasal ko ng lubos.
Dumaan sa iba't ibang pangyayari na bigay ng buhay,
Sumabak sa laban ng walang sandata.
Isinuko ang lahat para sa pakiramdam na hinahangad,
Ngunit lahat ay natapos sa pagkatalo.
Pero simula noong ika'y aking nakilala,
Nalaman ko na ang dahilan kung bakit hindi pinalad,
sa laban na pinasok ko,
sa pintuang pinilit kong buksan na hindi akin.
Muntik mawalan ng pag-asa,
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon,
Dumating ka nang wala akong kamalay malay,
walang pagpilit, kinatok mo ang pintuang kong nag-aabang lang sa kawalan.
Hindi nagdalawang isip at pinapasok ka,
Sa buhay kong patuloy na nangangapa kung ano ba ang dapat.
Tama ba? Pinagtagpo tayo sa napakagandang oras pero puno ng pero.
Patigil tigil, puro paghihintay, puro kasiguraduhan.
Ipinaramdam satin ang halaga ng desisyon. 
Ang pagtitimbang kung ano ang mas nararapat, 
Kung ano ang mas makakabuti.
Hanggang sa dumating tayo sa puno na walang dulo.
Sa puno na agad nagbunga at nangamoy pag-asa.
Pag-asang binubuo natin ngayon.
Sa samahan na araw araw nating inaalam at pinapagtibay.
At higit sa lahat, ang patuloy na pagtiwala sa Kanya. 😇
Sya ang tunay na dahilan kung bakit tayo nagkatagpo.
Pinakilala ka nya sa akin upang hindi maging pagsubok,
Bagkus ay para matutunan lumaban ng hindi mag-isa.
Pinatunayan nya sa aking mayroon pa ring tamang tao,
Tamang tao na magpaparanas sakin nang kakaibang ligaya
At magpapatunay na karapat dapat pa rin akong mahalin.
Lubos ang aking pagpapasalamat na ibinigay nya sa akin ang tulad mo,
na dati'y pinapangarap, pinagdarasal at minsang inasam,
At heto na tayo ngayon, 
Malaya na akong sabihing, SA AKIN KA, MARK STEVENS.
Mahal na mahal kita. 

"Oh kay tagal kitang hinanap... oh Kay tagal ko ring nangarap na makapiling ka, oh aking mahal.
Pangakong hindi ka iiwanan at hindi pababayaan.
Oh anong saya ang nadarama"

Sa isang bwan na ipinagkaloob nya sa atin ng magkasama ay higit pa sa inakala ko. Marami pa tayong pagdadaanan mahal ko, marami pa syang ibibigay na pagsubok. Susubukin ang samahan natin pero pag magkasama, pag patuloy na nagiintintindihan, alam kong kayang kaya natin tong lagpasana. 

Friday, April 13, 2018

Akala ko

Akala ko noon ako'y palayo na.
Ngunit sa isang iglap ng iyong ngiting para sa akin,
Itinalon ang malayong agwat at humarap nang muli sa'yo.
Umasang tama ang naging desisyon ko.
Ipinaramdam ng kaunti ang natitira mong pag-ibig.
Lumigaya namang saglit,
Ngunit bakit parang may mali pa rin.
Pinilit intindihin ang mga bagay na alam kong nagbibigay depinisyon sa iyong sarili.
Binigyan ng pagkakataong yakapin ang iyong mundong nakasanayan, ang iyong buhay na ginagalawan.
Ngunit, sa kabila nang lahat,
Aking napagtantong ibang tao na ang hinuhubog kong maging ako.
Hindi tamang pilitin ko ang aking sarili para lamang masakyan ko at masabayan ang iyong pag-ihip.
Hindi tama. Hindi.
At sa isang iglap nang aking pagpikit,
Pagpikit nang saglit habang malalim ang iniisip sa aking muling pagbalik,
Pagbalik sa iyong bisig, yakap at halik..
Bigla nalang tumulo ang luha,
Nagtaka at idinilat ang mga matang tila'y nakapikit.
At sa aking pag gising, nakita kong sa iba mo na iniaalay ang akala kong pag-ibig na aking binalikan.
Matapang na binalikan sa pagasang alam kong mayroon pa ring "tayo".
Bakit ganoon? Bakit ganoon kabilis?
Isa lamang ba akong pagsubok na iyong sinubukan para malaman kung may natitira pa?
Isa nga lang ba akong parausan sa mga panahong walang wala ka?
Isa nga lang ba ako sa mga babaeng patuloy mong niloloko?
Isa nga lang ba ako, isa nga lang ba ako sa mga taong iiisantabi mo lang matapos na pakinabangan?
Maraming tanong na alam kong hindi na masasagot.
At ito na rin siguro ang panahon upang iwanan ang mga katanungang ito dito sa aking kinakatayuan.
Eto na, eto na ang simula,
Simula nang tunay kong paglayo...
Wala nang lilingunin, tatakpan ang tenga at mata.
Hindi na makikiramdam sa mga ihip at haplos,
Hindi na muling papapigil.
Wala nang pintuan para sayo, mahal ko.
Tanging dasal ko lamang, lumigaya ka sana nawa, sa mga kagaguhang hinding hindi mo natatapos.


Thursday, April 12, 2018

Positively Happy

I don't know if I should blog this but I think it will help my mood and feelings.

It happened very fast. I don't know. We were good at first and biglang hey something poked me na hindi talaga right and I'm not okay sa set up.
Yes, I understand him more the moment I met his friend. I tried. I really do. Tinry ko yung set up na gusto nya and tinry ko rin yung attitude na will catch him but 'til the end, wala pa ring nangyari. Things don't really work out the way I wanted to be.

I realized that maybe we really differ in lifestyle. He's a guy who party, a guy who loves everything that will make him "YOLO". He is a guy who prioritize FUN. And I am not. I prefer chitchat with friends, hangout with friends pero not in a party way. Siguro sa ganong matter kaya I can't understand him and he can't understand me.

Yes I was also shocked. That in just few days of not being okay, he is inlove with another girl na tipong lagi nyang sinasabi sakin na he's not into playing and stuff na (Hahaha okay gaga alert para maniwala ba?) Another thing, sa ganon kabilis? Well i don't want to comment na hehe. And yea, I thank God coz he made me strong. Nashocked, somehow nasaktan in a way but hindi grabe. And i'm wondering kasi na yung issue namin is publicity, then all of a sudden, he's posting a girl's photo and all pero ang show off nya sakin he doesn't want to do that. Idk what's his purpose pero Idk I felt pain yet I also felt happiness for him.

Maybe this time, that girl would change him. Maybe that girl is the answer to all his wants. If ever, I'm happy for him. Sana nga si girl na.

Let's all be happy and accept everything that happened na. Yea, ginago ako. I invest and invest and invest and invest pa pero walang ROI. Hahaha. Pero ganon naman talaga siguro. Kahit anong pakita mo ng worth mo, pag hindi ka gusto and hindi para sayo, hindi makikita. Well, let's just accept it nalang.

I already accepted the situation. I'm just taking my time to be sad and happy at the same time. There's no room for hoping and I shouldn't have too, also.

All my prayers to the guy I loved the most and to his new girl. I wish that both of you will find happiness to each other. 🙂


Isa lang naman wish ko, na mafeel kong kahit pano naging worthy lahat ng ginawa ko and na malaman nya kung gaano ako nasaktan while risking everything for him by not asking anything in return of those investments. Pero I know di sya ganon.

And there's still a question in my mind na, why would you continue keeping me kung hindi mo naman pala ako gusto in the first place? Are we talking money matters here? You know, di ako nagsumbat. But hey, I also wanted to remind you that I was there when you needed someone.

Kung gago rin ako like him, pinagsalitaan ko na sya nang masama, minura and all. Maybe kinausap ko pa si girl, ginulo ko pa sila. Pero hindi e. Di ako ganong person to ruin someone's happiness.

Well. That's all. Si God na bahala. PLEASE DON'T MAKE STORIES FOR HER NA, DON'T LIE. JUST BE YOU.


let's all be positive. 🙂