Today is good friday...
We reminisce how God sacrificed himself from our sins. God is really good.
I'm currently watching My Exs And Whys.
Seryoso ngayon ko lang naappreciate 'tong movie na 'to. Last time na pinanood ko to sa sinehan, hindi ako masyadong nagandahan. Ewan ko. Siguro kasi di ko pa nararanasang masaktan non. Yung true pain. Pero ngayon, naiiyak ako. Hahahaha!
Pero i still wanna thank God from everything.
Liza's line made me remember everything...
"Nasaktan? Kayong mga lalake kapag nambababae kayo akala niyo nasasaktan niyo lang kami. itutulog lang tapos bukas OK na.. yun ang pangarap namin! pero hindi . Walang tigil ang takbo nang utak. Pinipilit sagutin ang maraming tanong… Bakit niya kaya nagawa yun? M.. may kulang ba sakin? Am I not enough? Pangit ba ko? Pangit ba ang katawan ko? Kapalit palit ba ako? *no* Then Why !? Bakit mo ako nagawang lokohin”
I also remember the line na ganito yung thought "eto eto ka na naman, nagbabalik. Ginulo mo na naman yung mundo ko "
Sobrang relate ako. Ang sakit.
Pero every night I always pray to God.
"Lord, if ever sya yung para sakin then help me to be strong. Tulungan nyo po akong kayanin lahat, na wag syang sukuan. Sa kabila nang lahat ng paglalaro nya, pageexplore nya, nawa'y humaba pa pasensya ko at maintindihan ko pa sya. Pero kung hindi sya para sakin, tulungan nyo nalang po akong kayanin na wala na talaga, kung hindi ko po kaya na agad agad syang makalimutan, tulungan nyo po ako na hindi nalang maattach. And para sa kanya Lord, kung hindi nya ako nakikitang para sa kanya, maisip nya sanang hindi na ako paglaruan. Pero sana Lord, maisip nya at maalala nya kung ano yung worth ko. Kung ano yung kaya kong gawin para sa kanya. Kung gaano ko sya kamahal. Pero kung hindi talaga kami para sa isa't isa, nawa'y magsilbi nalang kaming lesson sa isat isa. At ilapit nyo po saamin yung taong para samin. Hindi pa rin po ako nawawalan ng pag-asa Lord, naniniwala pa rin ako sa timing nyo. This time Lord. maghihintay nalang ako. Kung kami, hihintayin ko yung perfect timing namin na okay na sya. Okay na ko. Ready na kami na kami lang dalawa. Pero kung hindi, maghihintay ako sa tamang tao para sa akin. Thank you Lord! So much."
Yung movie na to. Sobra akong affected. Ang hirap magmahal, ang hirap magtiwala ulit pero I swear, hindi ko rin alam bakit hindi pa rin ako sumusuko sa love. Kahit anong gawin ko, kahit anong itry ko na mainlove sa iba, sya pa din yung on top. Malapit nang mag isang taon. Pero naniniwala pa din ako sa plans ni God for us. Eventually, my answers will be answered. I'll always praise you, Lord! 😇
Friday, March 30, 2018
Monday, March 12, 2018
Palayo
Sa t'wing naaalala kita,
Lalo akong sumasaya sapagkat naaalala pa pala kita.
Gabi-gabi kong idinarasal na sana,
Sana dumating na ang araw na hindi na kita maaalala.
Ipinagdarasal ko sa Kanya na kung ikaw ay di para sakin,
Tulungan nya sana akong tuluyan ka nang mawala,
Mawala sa bawat oras, lugar, pangyayari na ika'y palagi kong naisasama.
Patagal ng patagal, palayo na ako ng palayo.
At kung paano ako lumalayo,
Ganoon rin ang paraan mong paglayo sa akin
At sa bawat ihip ng hangin, dumarating na.
Dumarating na ang araw na tuluyan na nating malilimutan ang lahat ng namagitan.
Ang dami kong natutunan.
Ang daming nagpamulat sa akin sa kakaibang lakbay na ito.
Sinama mo ako sa byahe mo,
Ngunit iniwan mo lang rin ako sa may dako.
Hindi ako nagalit, kung hindi mas inintindi ko kung bakit.
Bakit mo nga ba ginawa sa akin iyon?
Mali. Bakit ko nga ba hinayaang gawin mo ang mga bagay na alam kong hindi ko dapat inako.
Bakit ko pinapasok ang isang taong alam kong hindi naman talaga para sa akin.
Mali. Ito'y dahil binigyan ako ng leksyon.
Hiniling ko, hinanap ko, minadali ko.
Napala ko kung ano ang dapat mapala ko.
Pero ngayon, ito na ang panahon ko para magising.
Mamulat, matuto at gamitin ang lahat sa pagpapatibay ng sarili.
Habang ika'y lumalayo, hindi na ako nakatayong pinapanood ka,
At hinihintay ang bawat paglingon mo sa iyong likuran.
Habang ika'y lumalayo, itatalikod ko na rin ang aking sarili,
Palayo sa taong minahal ko ng buong buo at nagbigay sakin ng napakaraming aral.
Hanggang sa muli, haharapin ko na ang taong para sa akin habang ako'y tuluyan ng tumatalikod sayo.
Tamang oras, tamang panahon at tamang tao.

Subscribe to:
Posts (Atom)