Ang hirap magsimula ngunit mas mahirap tapusin. 😊
Ito yung mga bagay na hindi ko inakala,
pero pinagdasal ko ng lubos.
Dumaan sa iba't ibang pangyayari na bigay ng buhay,
Sumabak sa laban ng walang sandata.
Isinuko ang lahat para sa pakiramdam na hinahangad,
Ngunit lahat ay natapos sa pagkatalo.
Pero simula noong ika'y aking nakilala,
Nalaman ko na ang dahilan kung bakit hindi pinalad,
sa laban na pinasok ko,
sa pintuang pinilit kong buksan na hindi akin.
Muntik mawalan ng pag-asa,
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon,
Dumating ka nang wala akong kamalay malay,
walang pagpilit, kinatok mo ang pintuang kong nag-aabang lang sa kawalan.
Hindi nagdalawang isip at pinapasok ka,
Sa buhay kong patuloy na nangangapa kung ano ba ang dapat.
Tama ba? Pinagtagpo tayo sa napakagandang oras pero puno ng pero.
Patigil tigil, puro paghihintay, puro kasiguraduhan.
Ipinaramdam satin ang halaga ng desisyon.
Ang pagtitimbang kung ano ang mas nararapat,
Kung ano ang mas makakabuti.
Hanggang sa dumating tayo sa puno na walang dulo.
Sa puno na agad nagbunga at nangamoy pag-asa.
Pag-asang binubuo natin ngayon.
Sa samahan na araw araw nating inaalam at pinapagtibay.
At higit sa lahat, ang patuloy na pagtiwala sa Kanya. 😇
Sya ang tunay na dahilan kung bakit tayo nagkatagpo.
Pinakilala ka nya sa akin upang hindi maging pagsubok,
Bagkus ay para matutunan lumaban ng hindi mag-isa.
Pinatunayan nya sa aking mayroon pa ring tamang tao,
Tamang tao na magpaparanas sakin nang kakaibang ligaya
At magpapatunay na karapat dapat pa rin akong mahalin.
Lubos ang aking pagpapasalamat na ibinigay nya sa akin ang tulad mo,
na dati'y pinapangarap, pinagdarasal at minsang inasam,
At heto na tayo ngayon,
Malaya na akong sabihing, SA AKIN KA, MARK STEVENS.
Mahal na mahal kita.
"Oh kay tagal kitang hinanap... oh Kay tagal ko ring nangarap na makapiling ka, oh aking mahal.
Pangakong hindi ka iiwanan at hindi pababayaan.
Oh anong saya ang nadarama"
Sa isang bwan na ipinagkaloob nya sa atin ng magkasama ay higit pa sa inakala ko. Marami pa tayong pagdadaanan mahal ko, marami pa syang ibibigay na pagsubok. Susubukin ang samahan natin pero pag magkasama, pag patuloy na nagiintintindihan, alam kong kayang kaya natin tong lagpasana.