Tuesday, February 12, 2019

Move on, Moving on, Moved on

What is move on? How to move on?

This blog will talk about my thoughts and opinions in Moving On.

Yan yung mga famous lines na madalas natin mabasa or marinig sa mga broken hearted. Paano nga ba mag move-on? Saan magsisimula? Ang hirap diba? Hindi lang ang tanong na yan ang mahirap sagutin pati na rin ying application if nasa situation ka.

Hindi ako expert dito, hindi ganon ka-wide yung experience ko. Pero I can say na ang dami ko natutunan sa heart break. Isang tao sa isang libong lessons. Isang beses pa lang naman ako nasaktan ng todo todo pero parang mga pang sampung tao na yung sakit na binigay sakin. Sabi nga nila, OJT ko daw yun sa love. Hahaha!

Lahat tayo dadaan sa pain, sufferings. Minsan panalo tayo, minsan talo rin tayo. I want to start siguro sa kwentong pag-ibig ko. Nainlove ako sa taong akala ko TAMA para sa akin. Masyado ko syang nakita as my perfect guy kahit napakadaming flaws na nakalatag sakin. Well, maybe kasi nabubulagan ka talaga pag-inlove. Pero I admit it, I am a paranoid, nagger feeling girlfriend. Sino nga ba naman ang gusto ng ganon? Maya't maya chat ako ng chat. Text ako ng text pag hindi nagpaparamdam. Gusto ko bawat kilos nya nalalaman ko. Kung sino kasama nya, kung anong ginagawa nya. Hahaha! Baliw no? Pero I think its normal because it's almost my first time na magkaron ng love life at this age. High school pa yung last ko, so nadala ko yung immaturity ko up until that relationship. And to conclude everything, my fault. I'm not saying na kaya hindi nagwork because ako yung mali, madami rin syang maling nagawa. May mga dahilan rin kung bat ako napaparanoid. Girls' instincts will always be true.

But after all the heart aches. ang dami dami dami kong natutunan! Binuksan ko kasi yung mind ko and yung heart ko bakit nangyari lahat nang iyon. Hindi ako magpakanegative ng matagal na time. Nung una syempre, bitter ka, galit ka. Pero mas tinanggap ko at inintindi ko ang bagay bagay.

Una, kailangan mong tanggapin na ganon talaga. Normal na nangyayari.
Pangalawa, kailangan mo lang iendure yung pain. Yakapin mo. Wag mo pigilan.
Pangatlo. wag ka magpakaipokrita na ayaw mo na talaga, na wala ka ng feelings kung meron pa naman talaga.
Pang-apat, pabayaan mong unti-unting maghilom yung sugat.
Pang-lima, Magspend ka ng time para sa sarili mo.
Pang-anim, magreflect ka bakit binigay sayo yung challenge na yun at bakit nagkandaleche leche ang lahat. (Hindi lahat kasalanan nya. may mali ka rin)
Pang-pito, tanggapin mo na kung madami syang pagkakamali, marami ka ring pagkakamali.
Pang-walo, magugulat ka nalang na unti unti nang nawawala yung galit at puro brighter side ng experience nalang ying makikita mo.
Pang-syam, ang dami mo nang lessons na natutunan.
Pang-sampu, mas tumalino ka na.

Pagkatapos ng learnings ko, hindi ako natakot pumasok sa relasyon ulit. Kagaya ngayon, masaya ako sa boyfriend ko. Masaya kami. We respect each others' individuality as a person. May buhay sya, may buhay ako. May oras kami na para sa amin lang din. Hindi selfish. Hindi pansariling kagustuhan lang sinasaalang alang. Narealize ko na siguro yung previous ko, hindi talaga sya para sa akin kasi may taong mas mamahalin ako ng totoo at yun yung boyfriend ko. Also, masaya na rin yung previous guy ko. Hindi ko inexpect na may magtatagal sa kanya pero look at him now, he's happy and contented.

Minsan kasi hindi natin kailangan ang mga negative sa buhay natin. Ang dami ng problema ng mundo. wag na tayo dumagdag. Isipin mo nalang lahat ng brighter side why it happened.

Don't be selfish. Isipin mo at i-weigh mo yung do's and don'ts to keep a relationship stronger.


DISCLAIMER: I AM NOT A PRO AND NOT INTO A PERF RELATIONSHIP.

I just wanna share my thoughts and tell the world how blessed I am for my learnings because He gave me my one great love 💕 I love you my MVP!