Saturday, August 13, 2016

So Close... Chance

Every moment that I am here,
Standing in front of you, so clear.
My mind is saying please not to cheer
'cause you'll never stay, my dear.

You lighten up my everyday
and all your jokes that never fail,
made me feel that I'm insane.
I am happy to hear you say.

You let me realize my worth,
that I don't deserve a jerk.
Feels like I'm a baby danger
seeing your eyes in me that pause.

This is a feeling that I like,
not love, but it can make me shy.
It is not right, we both know why.
'cause we're just enjoying the skies.

You're a memory that matters.
Thanks for reminding forever.
I'll keep in mind that I'm better.
So close... we're just a wrong timing partner.

BY: RENZI ARRIOLA
08/09/16

Saturday, April 23, 2016

Good and Bad Girl

When I was in my high school days, being a good girl is a tough decision. Yes! Kasi in this world, there's  a lot of temptation. A lot of reason to say goodbye to that "GOOD" girl stuff. Hindi madali but I tried. I never leave it behind. Tinry ko kasi alam ko if I push this, achievement to. And yes, it's true. Achievement talaga and fulfilling. Pero hindi naman ibig sabihin ng pagiging good girl eh yung hindi ka na magpapakasaya sa buhay mo. Ofcourse no! Just a huge limitations ang main MISSION.

Before, isa ang perception ko sa thinking ng lalaki. They choose the bad girls for enjoyment and later they will settle sa good girl which is probably wrong. It's just my opinion and my observation. Feeling ko kasi ang mga lalaki iba ang tingin sa babaeng nagyoyosi, nag-iinom o kung ano pa mang bisyo yan. Well, maybe oo. Almost lahat ng boys negative sakanila ang babaeng may bisyo. But remember the word. ALMOST all. So, hindi lahat. Hindi pala ganon lang yung mga boys.

Once they were captured by that so called "LOVE", nag-iiba na. Kahit anong flaws ng babae, kahit ano pa yan. Pag mahal nila, mahal nila. Kasi yun naman talaga ang Love. Mahal mo kahit ano pang mali sa kanya. So, it's really possible to settle sa isang bad girl. Well, i'm not saying this para magtransfer sa pagiging bad girl. Sinasabi ko 'to kasi gusto ko na makawala sa feeling ko na kailangan mo magpaka good girl para mapansin ka..Well it's not like that. Gusto ko ang pagiging good girl kasi I want to be reserved. Gusto ko na one day, if i have my partner... maipagmamalaki nya ako. I want this. I want this not for boys but for me. I want to be a reserved woman for a guy who will understand and can handle me. Someday, i'll meet you.

Wednesday, April 20, 2016

Brave Truth

The guy who makes me sad always,
keeping his own beliefs in chains.
There's nothing I can do to chase.
Everything seems perfect but breaks.

Believing in myself is knot.
It isn't the key to make shot
but I am still finding in cart
How to learn and let myself shout.

You're the yellow in my paper,
the important thing I can't share.
My memories will flatter,
I am still the one in shatter.

Words are still playing with questions.
Stumble to find out emotions.
Feelings are losing per motion,
hoping it's the right decision.

Goodbye, I am tired of everything.
I don't have space for accepting.
I will not let myself kept hanging,
I love you but it's the ending.

:(

BY RENZI ARRIOLA 020216

I'm Still Into You

The person behind my writings
   is still the reason why I write.
Now, I realized everything,
   he still doesn't want me at all.

A friend, friend, friend, that's all I am.
I will never be promoted
And never want to put on shame,
   'coz this intuition is dead.

I'm always here, waving my hand
Trying everything to remark
But all my efforts we're banned
   because she's all you see, that spark.

I'm sorry I am not enough
and I know I made you think hard
But I just want to tell you half,
that I love you with all my heart.

BY RENZI ARRIOLA - 123115

Friday, March 4, 2016

None

I don't really understand why I feel this way. Hindi ko alam bakit ang bigat ng pakiramdam ko. Ewan ko. Parang, gusto ko lang umiyak. Ganon. Magkasama kami kanina and naopen yung mga bagay na nakakapagpatunay how much I cherish him. Pero I received NOTHING ANSWER. Something like that. Feeling of rejection. Kanina, habang nagrerecord sya nung video nya... may mga salita syang binitawan "If you love him/her, tell him/her" Sa totoo lang, medyo natigilan ako doon. Kasi feeling ko para sakin yon. Ewan ko ang bigat sa pakiramdam. Siguro kaya ganto kasi andon na naman yung feeling ko na ayan na eto na, alam mo na. Pero wala ka pa rin ginagawa. Pero syempre diba, eh ano ba dapat nya gawin? Wala naman eh. Hahaha! Ang sakit lang. Ewan ko. Kahit na alam na alam ko na naman talaga e. Ang sakit lang. Paulit ulit lang kasi. Nakakainis kasi lagi ko nalang nararamdaman to! Bwisit! Hahhaha. Bakit kaya no? Bakit ang tanga ko? Haha. May mga instances kasi na feeling ko okay na naman ako e. Kaya ko naman na wala sya e. Pero alam mo yun, pag andyan na naman sya. Ang hirap hirap. Hayup! Ang sakit kaya! Hahaha Lalo na nagoopen pa sya saken na mahal nya pa rin yun. HHahaha. Alam ko naman e. Bwisit lang. Sakit kase! Tanggap ko na ren naman. Basta. Masakit lang!

Tuesday, February 23, 2016

It MUST be my message

Eto dapat message ko. At eto ang gusto ko mangyari, pero di ko kaya. Kaya hanggang dito nalang. Hehe

Happy Happy Birthday bestly. It's the time to say thankyou for everything and sorry. Siguro eto na rin yung time para sabihin ko sayo lahat ng gusto kong sabihin. Birthday mo ngayon and ayoko naman sirain to. Pero gusto ko lang na maging aware ka sa nararamdaman ko. Siguro nakita mo na yung surprise ko. Pero alam ko na may mga taong mas gusto mo na magsurprise talaga sayo. Hehehe. Uhmmm. Siguro magtataka ka bat ko ginawa yun. Ginawa ko yun kasi I want everything to last. And yun na siguro ang beautiful goodbye ko sayo. 😭 Yes best. Goodbye na. Maybe it's time na bigyan ko muna ng halaga yung sarili ko. Yung tipong ang iisipin ko na mas una eh yung sarili ko at mga taong mas nagpapahalaga sakin. Alam ko best. Alam mo na. Alam mo na naman yun. Pero ang hindi mo lang talaga siguro alam, eh yung mga pangyayari na sobra sobra na akong nasasaktan. 4 years na akong tanga tangahan. 4 years ko nang sinasaktan yung sarili ko ng paulit ulit. 4 years na rin akong umaasa sa isang bagay na alam na alam ko naman sa sarili kong walang patutunguhan. Sorry best kasi sinasabi ko to sayo. Hindi ko kasi kayang sabihin to sayo ng harapan. Hindi ko kayang makita na tapos na lahat satin. Pero naisip ko na ito na siguro yung best way to end up things. Alam ko sa mga panahong niloloko nila tayo o inoopen nila yung topic na tungkol satin, alam ko kung bakit ayaw mo pagusapan. Kasi alam ko na ayaw mo lang ako mapahiya. Ayaw mo na ipamuka pa sakin na wala naman talaga. Kasi aware naman ako e na sya pa rin yung gusto mo. At kahit kailan, di mo ako makikita sa posisyon na gusto kong makita mo ako. Eto na yung chance ko para sabihin sayo na nasasaktan ako sa tuwing magkekwento ka sa mga babae mo. Nasasaktan ako kapag may nilalandi ka sa harapan ko. Nasasaktan ako kapag may nakikita akong post mo na may kasamang iba. Kasi kahit minsan, di ko naranasan na makita ko na nagpost ka ng tungkol satin o sabihin mo man lang sa lahat na ako yung bestfriend mo. Nasasaktan ako sa twing di mo ko kinakausap, na feeling ko kakausapin mo lang ako kasi kailangan mo ako. At higit sa lahat, nasasaktan ako kasi hindi mo alam na nasasaktan ako, yung ako lang ang nagdadala lahat ng nararamdaman ko. Ako lang magisa 😭 oo sobrang tanga ko. Nasasaktan ako sa twing maiisip ko na hindi ako ganon kahalaga sayo, kasi kelan mo ba ko kinamusta? Ni hindi mo nga alam ang storya ko e. Kasi alam ko naman na hindi ka interesado. Hindi mo ko tinanong kung kamusta ako. Kung ano ba ang gusto ko. Kasi alam ko kahit papano, kampante ka din na hindi kita kayang iwan o palitan. Kahit ilang beses mo pa gawin sakin lahat ng masasakit na yan, di pa rin kita magawang tiisin. Di pa rin kita magawang hindian. Di pa rin kita magawang tigilan at kalimutan. Wala e, kasi mahal kita. Oo siguro ngayon, habang binabasa mo 'to. Naiinis ka na. Kasi alam kong ayaw mo ng mga gantong usapan. Pero sana kahit ngayon lang, wag mo ko talikuran. Tapusin mo tong basahin. Best. Sorry kasi ganito nararamdaman ko. Sorry kasi nahulog ako sayo. Unang kita palang natin, iba na talaga. Tapos naging close pa tayo kaya mas lumalim tong nararamdaman ko. Pero hindi ko to sinasabi sayo para humingi ng kapalit. Sinasabi ko to sayo kasi gusto ko ng tapusin. Ilang taon nila akong pinipilit na aminin ko na sayo tong nararamdaman ko, pero ayoko. Kaya eto. Sinusulit ko na. Pagkakataon ko na to e. Sorry best ha. Sorry kasi alam ko kahit pano nakagulo lang din ako sa buhay mo. Atska lahat ng naramdaman ko na sakit, ginusto ko naman yun e. Ako ang may gusto na mapalapit sayo. Yun lang minsan feel ko natetake for granted na ko. Pero kasalanan ko pa din kasi hinayaan ko. Pero sobrang salamat kasi sayo ko unang naranasan lahat ng pwedeng maranasan ng nagmamahal. Sakit, saya, kilig, lungkot. Lahat. Salamat dahil ang dami ko natutunan na lesson. Siguro ngayon, hindi pa nawawala tong nararamdaman ko para sayo. Pero hayaan mo lang ako. Mawawala din to. At eto na yung huling effort na gagawin ko para sayo. Sana maintndhan mo ako. Salamat best. Have a happy birthday! Alam kong makikita mo rin kung ano yung happiness. Thank you best. This may be the last. Happy Birthday! 😌

Tuesday, February 16, 2016

Babee's POV (Sana)

Hindi ko akalain na magiging ganito ako kaswerte sa kaibigan. Hindi ko naisip na may mag-aalaga at may umiintindi sa akin. Di ko inexpect na magiging ganito ako kaimportante sa isang tao...

Ilang taon na rin akong nasanay sa araw araw na set-up namin. Wala ako kung wala sya. Kumbaga, kulang na kulang ako pag wala sya. Natutuwa ako kasi ang swerte ko. Kung hindi dahil sa kanya, siguro hindi ko naabot kung ano na ako ngayon. Lagi syang nandyan para sakin. Isang please ko lang saknya, ginagawa nya talaga. Hindi nya ako kayang tiisin. Sobrang lakas ko sakanya, ganon. Tipong pag may kailangan ako, di ko pa man din sinasabi, ayan nakaready na agad. Ganon sya katyaga sakin. As in lahat na siguro dinudulot nya sa akin. Kaya naman hindi ko maisip yung sarili ko pag wala sya. Siguro kakayanin ko, pero siguro maninibago ako.

Ilang taon na rin kaming paulit ulit. Ilang taon ko na ring napapansin na may nararamdaman siya sakin. Hindi ka naman gagawa ng isang bagay para sa isang tao lalo na kung hindi mo gusto. Matagal ko nanag alam na gusto nya ako, na mahal nya ako. Mahal ko rin sya bilang isang kaibigan. Mahal na mahal, at walang makakahusga doon dahil importante sya sa akin. Kahit minsan alam kong hindi nya yun nararamdaman. Hindi ko alam kung paano, pero ayokong may ibang tao syang pinagtutuunan nang pansin maliban sakin. Madamot ba ako? Gusto ko kasi ako lang yung inaasikaso nya. Malakas ang kapit ko saknya kaya siguro kampante ren ako na hindi nya ako iiwan. Wala e. Minsan iniisip ko, bakit ako ganito. Hindi ko naman sya mahal. Ewan ko. Mahal ko sya pero parang hindi ko kayang ibigay yung pagmamahal na binibigay nya sakin. Oh siguro nga, hindi ko talaga sya gusto. Hanggang dito lang. Hindi ko kasi kayang makita syang nasasaktan. Kahit siguro itry ko na magustuhan sya, wag nalang kasi alam ko namang sakit ng ulo at puro sakit lang ang ibibigay ko sakanya na ayokong mangyare.

Papalapit na ng papalapit ang panahon na magkakahiwalay na kami. Hindi ko alam kung anong mangyayari sakin pag wala na sila sa tabi ko, lalo na sya... na laging nandyan sa twing kailangan ko ng masasandalan. Hindi ko rin alam kung kakayanin kong makita syang may kasamang iba, o masaya na dahil tapos na sya sakin. Dahil kahit kailan naman, wala akong naidulot na bagay na nagpapakita na worth it ako para sakanya.


- THIS IS MY VERSION OF BABEE'S POV.
Honestly, I'm hoping that I'm right :(