Friday, November 14, 2014

Sana Alam Mo

Ano ba 'tong nararamdaman?
Tila nga'y iba nanaman
Palagi na lamang palaisipan
Ramdam ang nababalot na kapangyarihan.

Alam kong sayo'y walang katuturan
Ngunit saki'y laging may laman
Ayoko muling maging luhaan
Pero dahil sayo'y nasisiyahan.

Tunay na yatang mahal na kita.
Masakit mang isipin, sayo'y iba.
Sapagkat kaibigan lang nga,
At wari'y walang pag-asa.

Hindi mo alam ang sakit na nadarama
Sa twing nakikita kang masaya sa kanya.
Naguguluhan, nalilito, pag nariyan ka.
Ngunit di pahahalata, idaraan nalang sa tawa.

Mahal ko ang pagkakaibigan natin,
Hindi isusugal ang mayron sa atin, di rin aangkinin.
Mananatiling lihim at ito'y kikimkimin
Ngunit sana naman ako'y iyong mapansin.

No comments:

Post a Comment