Masaya ako pag kasama ka, masaya ako pag kausap ka, lagi kitang naiisip, ang bilis kitang mamiss, lagi kong naaalala yung mga oras na pinapakilig mo ko, sobra akong attach sayo, sobra akong sanay na lagi kang andyan, naiinis ako pag may kasama kang iba, naiinis ako pag may kausap at katawanan ka samantalang ako pinapanood ka lang, nabibwisit ako pag may katext kang iba tapos ako minsan mo lang itext, nagseselos ako pag iba ka makatingin sa kanya, yung tipong may laman. Oo nagseselos ako. Selos na selos. Pero di mo alam lahat ng 'yan. Kasi wala ka namang pake sakin eh. :'(
Pero ano nga bang karapatan ko na maramdaman 'tong mga to? Wala naman eh. Masyado lang mabilis yung mga nararamdaman ko. Hindi ata talaga marunong tumantsa.
Paulit ulit nalang ang nangyayari sakin. Literal na paulit ulit. Nagiiba lang ng mga taong involve sa storya ko. Hayy. Lagi nalang akong PANGALAWA. -.-
Masaya ako dahil alam kong may mga taong nandyan sakin. Yung alam kong di ako iiwan. Yung loyal sakin. Pero isang dahilan ren kaya yun kung bakit paulit ulit lang lahat? Masyado ata silang nagkecare sakin, yung tipong ayaw na ayaw nila kong masaktan. Kaya eto. Forever assuming ang dating? Di ba nila naiisip na nasasaktan den ako lagi? Hmm. Palaging palihim.
Mahirap kasing gumawa ng isang bagay na alam mong wala kang kasiguraduhan. Pero diba sabi nila, kailangan mong maging matapang. Pero kahit ano atang mangyari, hindi ako magiging matapang. Kaya, patuloy nalang akong nagmamahal ng palihim at nasasaktan ng palihim.
GINAWA KO LAHAT MAPANSIN LANG. Yung tipong wala ng hahanapin pa. Pero bakit ganon? Kulang pa rin. Kulang na kulang at walang makakita sakin. Hindi man lang nila nakita yung magagandang bagay na ginagawa ko. Ang sakit diba. :'(
Sabi ko sa kaibigan ko, "Bakit ganon? Hindi man lang nila mapansin yung effort ko? Lagi nalang ako yung kaibigan na umiintindi. Pero ni minsan, di nila tinanong kung okay ako. Hindi ko alam kung naiintindihan o napapansin ba nila yung nararamdaman ko" sabi nya sakin. "Yun nga eh, alam kasi nila na lagi kang nandyan na umiintindi. Yung kahit anong gawin nila, alam nila may matatakbuhan sila"
Pero hindi ba nila naisip na, pano na naman ako? Pano naman yung nararamdaman ko? So ganto nalang? Lagimg ending ONE SIDED LOVE ako. Sabi din ng kaibigan ko sakin, siguro daw nakikita nila sakin na malakas ako, na kaya ko na kahit ako lang magisa. Pero hindi nila alam na durog na durog na ko. Kasi naman diba, bat ko sasabihin sa kanila na nasasaktan ako, para saan? Para kaawaan nila? Kahit naman sabihin ko, wala silang pake eh. Di naman nila ako mamahalin eh. :( kaya kinikimkim ko nalang.
Kahit kailan, di na yata ako makikita. Kahit kailan, wala na yatang makakapansin sa akin. Pero hinding hindi ko magagawang umamin. Kaya ako ganto, nganga. Habang sila masayan na nakikipagharutan sa iba. Samantalang ako, nababaliw na sa kaiisip, ano na kayang ginagawa nila. Masaya kaya sya? Mas masaya kaya sya pag kasama yun kesa saken? Hayyy. Ang lungkot.
Pero sana, hindi dito natatapos ang storya ko. Naniniwala pa rin akong may forever! :)
No comments:
Post a Comment
Please feel free to tell me your insights ☺