Diary About Me
Riss' POV
I am Riss, yan yung tawag sakin ng mga classmates ko.
Im not that friendly
Nahihiya kasi ako sa makipagkaibigan.
Baka kasi mareject lang ako.
Ayoko pa naman nun.
Kaya tahimik lang ako at mag-isa lang palagi.
pero kaya ko naman yun, okay lang yun sa akin.
Simple lang ako at hindi ako nakikisabay sa uso.
May gusto ako na lalaki.
Pero hindi ko kayang sabihin sa kanya.
Kaya hanggang tingin lang ako.
Nate's POV
Ako si Nate, sikat ako dito sa school.
Hindi ko nga alam kung bakit ako sumikat eh.
Pero ayos na din yun..
Atleast, madami akong nakikilalang babae.
Matropa ako, gustong gusto kong kasama ko ang tropa ko.
Isang araw, may program yung school namin.
"Nate, tara na! May program sa stage. Manuod tayo." Sabi ni Michael sa akin
"Bakit? Sus! Wag na. Di naman magagalit teachers natin"
"Bad inluence ka talga Nate noh, tara na kasi"
Hinila niya ko, kaya wala na din akong nagawa.
Nang nasa malapit na kami sa stage..
Bigla na lang may inannounce na pangalan.
"To give us a beautiful song.. Please Welcome Kleriss Shaenn Triaz, Applause"
"Uy! Kilala mo yun?" Tanong ko kay Michael.
"Oo, Riss daw tawag diyan eh."
"Transferee?"
"Hindi noh, pero akala ko din dati bagong lipat. Pero 1st year pa natin siya andito."
"Hindi ko mapamilyaran yung mukha, parang baguhan lang"
"Oo nga eh, hindi kasi pansinin."
"Pero maganda ang boses niya" yun nalang ang nasabi ko at pagkatapos ay hindi ko na inintindi dahil dumating na ang ilan ko pang mga kabarkada.
"Oy! Ano bang ginagawa niyo dyan? Hmm. Di man lang kayo nagtetext kung asan kayo" Sabi ni Peter
"Eh, nawili lang kami dito kakapanood" Sabi ni Michael.
"Nawili? Nate? hahaha. Ikaw? Asa Michael, baka ikaw lang!" Sabi ni Kevin
"ahhh. haha! tara na nga." Sabi ko.
Namasyal lang kami pagkatapos noon, at nakalimutan naming may klase nga pala. Masyado kasi kaming nawiwili sa mga ginagawa namin.
"Oh ano pre? Una na ako!" Sabi ni Kevin.
"Kami din, Bye Nate. Ingat nalang. Bukas ulit Nate" Sabi pa nila.
Oh edi ako nalang.. eh ano pa ba gagawin ko? Uuwi na ako syempre.
I saw a Diary
Naglalakad lang ako pag-uwi.
Ayoko pa kasing umuwi eh.
Wala naman akong gagawin sa bahay.
Sila Peter kasi eh, uwi agad! ><
Pero okay na din yun para makapahinga ako.
Naglalakad lang ako at napapaisip.
Ano kayang madadatnan ko sa bahay?
Andun ba si Mama?
Hmmm.
Baka may mga pagkain?
Nang biglang may nakita akong malaking puno.
"Ang ganda naman nitong punong to, ang lago lago.. Pero walang bunga"
ANo kaya yung punong yun?
Hays. Tumambay na lang muna ako doon sa puno.
Parang ang sarap ng hangin eh.
Nang paglkingon ko para mahiga, may nakita akong notebook.
Pero muka namang espesyal. Hindi lang siya notebook lang.
Ano kaya to?
Nang matitigan ko nang maigi..
Nakita kong may mga puso sa harapan at smileys.
Nang buksan ko..
May nakalaga na..
*Shhhhh! It's my Secret Diary! ~Riss :)♥"
Ganyan yung nakita ko.
Grabe! Diary to.
Riss? Eto yung babaeng nakanta kanina ha.
Hmmm. E diba ang diary personal na bagay?
Atska bat naman niya iniwan dito to?
Hmmm. Baka naiwan lang.
Sige na nga, babasahin ko na.
Binasa ko yung diary niya, nalaman ko yung mga hilig niya at hiwalay na pala ang mga magulang niya.
May nakalagay pang
"Wala ako masyadong kaibigan, pero gusto ko talagang maging friendly, pero hindi ko magawa kasi takot ako na baka mareject lang ako"
Yan yung nabasa ko kaya naisip ko
yun pala yung dahilan kung bakit wala siyang kaibigan.
Atska hindi siya pansinin sa school.
Bigla na lang akong nawili na hindi namamalayang pagabi na pala.
Nakakwili yung malaman mga tungkol sa kanya.
Grabe, parang gusto ko siyang makilala pa lalo.
Hindi ko naisip na nadala ko na pala yung diary niya.
Nagbabasa ako hanggang naglalakad.
Parang nakakaexcite kasi yung mga susunod na pangyayari sa buhay niya.
Pagkauwi ko, dumiretso agad ako sa kwarto ko at patuloy pa ring nagbabasa.
Mga Magi-11 na nun, binabasa ko pa din yung diary niya.
Hanggang sa...
May nabasa ako.
"Hanggang tingin lang ako.. Hindi ko magawang magpapansin tulad nung ibang babae. haha. ang weird. Sabi nila, new generation na. Hindi na lalaki ang nanliligaw, pero hindi ako natutuwa sa ganun. haha. kaya nga tinatawag nila akong Manang. pero okay lang yun."
Nagulat ako sa nabasa ko.
Kaiba siya sa lahat ng nakilala ko.
Ngayon ko lang nalaman ang kagandahan niya.
Ang corny, pero parang nafofall-inlove na ako.
Pinagpatuloy ko pa rin ang pagbabasa ko.
Nagtaka rin ako sa sinabi niyang "Hanggang tingin lang ako"
1AM na noon, at may nabasa akong..
"Ang astig talaga ni Nate. Ideal Man ko yung ganoon. Gwapo, Astig, pero Gentleman."
Nagulat ako.
At biglang tumibok nang matindi ang puso ko.
Sobra sa kabog.
at parang kinakabahan ako.
gulat na gulat ako sa binasa ko.
ako ang matagal na niyang pangarap?
Grabe, hindi ko man lang siya napansin.
Malapit na kaming magcollege.
Hindi ko man lang siya nakilala.
Hindi ko nahalatang gusto niya ako.
Napaka dalagang Pilipina niya.
Happy Day Inlove
Pagkagising ko ng umaga ay nag-ayos na ako.
Para makapasok.
*LESSON
*LESSON
*LESSON
Vacant na namin noon.
"Michael!" tinawag ko si Michael.
"Oh bakit?"
"May itatanong ako, naalala mo pa yung kahapon. Yung kumanta sa program."
"Oh, si Riss?"
"Oh! Yun nga. Paano mo yun nakilala?"
"Sinabi sakin ni Jeenie. Classmate niya daw yun dati. Bakit interesado ka yata? Hmm. Ikaw ha."
"Wala Michael. Ano ka ba, nagandahan lang ako sa boses niya."
Pero sa totoo lang, gusto ko na talaga si Riss.
Napag-isipan kong magpanggap na secret admirer niya.
Baka naman mapansin niya ako.
Riss' POV
Pauwi na ako noon.
Ilalagay ko yung gamit ko sa locker ko.
Pagbukas ko ng locker ko. Nagulat ako.
May white rose.
Nakaipit sa papel na ginwa ding rose.
Nagulat ako, kasi yun yung gusto kong surprise sa akin ng magiging boyfriend ko.
Pero natuwa pa din ako.
Dinala ko nalang yun pauwi.
Naglalakad lang ako pauwi para makatipid dahil may gusto akong bilhing notebook.
Ang mahal kasi, hindi pa sapat yung baon ko para bilhin yun.
Papunta ako sa puno.
Kung saan ako tumitigil kapag may problema ako, pero nagulat ako.
Nandoon si Nate.
Hinahanap ko kasi yung diary ko na iniwan ko doon.
Alam ko naman kasing ako lang ang natigil doon.
Nahiya ako.
"Ay! Nandito ka pala"
"Nate." Inabot niya ang kamay niya sa akin.
Binigay ko nman ang kamay ko.
"May hinahanap lang kasi ako." sabi ko sa kanya.
"Pero sige, mauna na ako."
Ni hindi ko man lang siya pinagsalita.
pero bigla akong nagblush noon.
Nagbablush kasi ako pag nahihiya ako eh.
Meeting
Nate's POV
Parang ang ganda namaan niya.
Bakit ganoon?
Hindi ko siya napapansin.
Hindi ko siya kakilala.
Pero bigla na lang nag-iba yung nararamdaman ko sa kanya.
Ang ganda niya, ang linis niya.
Hayyyyy...
Nakita ko pa siya dito sa lugar na to.
Ay! Teka...
May hinahanap siya. Sabi niya, may hinahanap siya.
Hindi kaya yun yung diary?
Riss POV
May nagpadala nanaman sakin ng letter naman.
Grabe, Paper siya pero parang ginawang piano yung pinaka letter.
Yung pinaka papel.
Ang galing naman. Kuhang kuha yung gusto ko.
Hindi kaya....
YUNG DIARY KO!!!!
grabe, kaya baka hindi ko nakita yung diary ko.
may nakakuha? T.T
wala naman sana. sana walang nakabas.
Nandun lahat ng sikreto. :'(
Nate's POV
HAAAAAAA *hikab*
nakakaantok...
Hmmmm. Humiga na ako nun sa kama ko nang may bigla akong naalala.
Binuksan ko yung drawer ko sa tabi ng kama ko.
Nakita ko nanaman yung diary niya.
Gusto ko na talaga tigilan yung diary niya eh.
Pero, hindi ko talga mapigilan.
Kinuha ko pa rin yung diary niya.
Nagbasa nanaman ako.
Nawili nanaman.
Simple, Mabait at Normal lang ang pagkatao niya.
Paulit-ulit kong nasasabi yun sa sarili ko.
Hayyy.
Mahilig siya sa bulaklak, sa mga smiley. sa mga cute na bata.
Pero napakahinhin niya.
Isa pang nagpasigla sa akin nang muli niyang banggitin ang lihim niyang mahal sa diary niya.
Dahil alam kong ako yun.
Napangiti ako, at sinabi ko sa sarili ko..
"Kailan kaya ako makakapagpakilala sa kaniya nang pormal? Para mas magkakilala kami :)"
Binasa ko iyon..
Dear Diary,
Natapos nanaman ang araw ko nang wala akong nakausap sa school, naglalakad mag-isa at nakikinig lang sa mga salita na naririnig ko sa daan... Pero isang tao ang nakapagpasaya sa akin. Kasi nakita ko nanaman siya... ang...
Biglang tumulo ang luha ko...
Biglang nawala lahat.
Para akong pinupunit na papel.
Yun yung nararamdaman ko, at parang pinahiya ako sa buong tao sa mundo.
Umiyak lang ako nang umiyak.
The Truth
Kinabukasan, natapos ang klase.
Naghintay ako sa puno.
Sa puno kung saan ko unang nakita yung diary ni Riss.
Isasauli ko na iyon.
Sana magpakita siya.
Sana pumunta siya dito para hindi masayang.
Nakahiga ako.
Nagmamasid.
Nagtataka...
Nang may biglang lumapit..
"Uhm, Nate?"
Napatayo ako.. Si Riss ang nakita ko.
"Riss" sabay inabot ko yung diary niya.
Halatang gulat na gulat yung itsura niya.
At parang nagtaka.
"Ah Riss, huwag ka sanang ma...."
"Riss!!!!"
Napalingon ako sa likod ko.
Nakita ko ang isang lalaki.
Na masya ang pinta nang kanyang mukha.
Lumapit siya sa amin.
Hinila si Riss.
At parang wala siyang nakitang tao kung hindi si Riss lang.
Tuluyan siyang umalis.
Ngunit nakatingin siya sa akin na halatang nagtataka.
Hindi ko man lang naamin sa kanya ang lahat.
Riss POV
Dumating siya! Napakasaya ko..
Hahahahaha.
At isa pa, nakita ko ang diary ko.
Pero, galing kay Nate.
Nakapagtataka. Napulot niya kaya yun sa puno?
Hmmm.
Binuksan ko yung diary ko.
May nakita akong nakaipit na papel.
"Sana maging masaya ka.. Patawad, nabasa ko ang ilan sa mga sinulat mo dito sa diary mo. Sorry, huwag ka sanang magalit.. Ako rin yung nagpapadala sayo ng mga sulat at bulaklak. Para kasing iba ang naramdaman ko eh, nung nabasa ko ito. Nag-akala akong ako iyong Nate na sinasabi mo... Hindi pala. :'("
FLASHBACK:
(Riss Entry in her Diary)
Dear Diary,
Natapos nanaman ang araw ko nang wala akong nakausap sa school, naglalakad mag-isa at nakikinig lang sa mga salita na naririnig ko sa daan... Pero isang tao ang nakapagpasaya sa akin. Kasi nakita ko nanaman siya, ang kababata ko. si Jerry Jonathan. Nag-usap kami. At hindi naman buong araw akong walang kausap. Hayyyy! Mahal ko siya talaga.
--
Hindi ko akalain na magiging ganoon ang lahat.. Nasabi ko sa sarili ko at napaluha ako. :'(
Nate? Paul Nathaniel?
Nate? Jerry Jonathan?
:'(
THE END...
Thanks for Reading ^^ :)
No comments:
Post a Comment
Please feel free to tell me your insights ☺