Noon, naalala ko sabi mo sakin. Ayaw mo akong masasaktan. Ayaw mong may manloloko sakin. Kasi sabi mo, special ako at dapat akong alagaan. Natuwa naman ako sa sinabi mo. Sino ba namang manhid na di kikiligin dyan sa mga salitang binitawan mo diba.
Nagbulag bulagan ako sa lahat. Lahat na ata ng tao nakita yung paghihirap ko sayo. Pero eto ako. Tanga pa ren. Masyado akong naniwala sa sarili ko na IKAW NA TALAGA. you're the one! Alam kong hindi ka perfect. Alam ko lahat ng flaws mo. Pero para saken, you're so damn perfect. Siguro ganon lang talaga pag inlove. Kahit ano pa yan. Mamahalin at mamahalin mo paren. Ilang taon ren yun. Ilang taon reng paulit ulit sa akin ang mga kaibigan ko na mali ang ginagawa ko. Na hindi ko deserve maging yaya lang daw. Mas may taong mas deserve ako. Pero wala akong pakielam don. Pinagpatuloy ko parin yung feelings ko kasi naniniwala akong kaya mong magbago. Kaya mong maging karapt dapat, hindi mo pa lang nadidiscover at feeling ko kailangan mko para mamulat ka.
Pero, mali pala ako. Hindi pala sa lahat ng pagkakataon tama yung nararamdaman mo. Dadating ka nalang sa point na marerealize mo lahat. Mamumulat ka na! Yung tipong sasabihin mo sa sarili mo na "Sobra na pala" hindi na tama. Totoo pala yun. Pag napagod ka na, wala ka nang magagawa kung hindi magpahinga. Kahit anong gusto mong gawin ang isang bagay, di mo na magagawang ipagpatuloy kasi pagod ka na.
Ngayon naisip ko, sinabi mo sakin na ayaw mo akong masasaktan pero narealize ko. Ayaw mo, pero noon pa lang bago mo pa sabihin ang mga yan. Sinasaktan mo na ko. Simula't sapul. Ang sakit sakit na. Kaya siguro napagod na rin ako. Maraming salamat sa isang taong nakapagpamulat sakin ng lahat ng yan. Maraming salamat at hindi ka napagod intindihin ako. At higit sa lahat, maraming salamat dahil tinuruan mo kong mahalin ulit at unahin ulit ang sarili ko.
Di mo alam kung gaano mo ko napapasaya. Maraming salamat. WIsh ko lang, wag kang mawawala. :)
No comments:
Post a Comment
Please feel free to tell me your insights ☺