Eto dapat message ko. At eto ang gusto ko mangyari, pero di ko kaya. Kaya hanggang dito nalang. Hehe
Happy Happy Birthday bestly. It's the time to say thankyou for everything and sorry. Siguro eto na rin yung time para sabihin ko sayo lahat ng gusto kong sabihin. Birthday mo ngayon and ayoko naman sirain to. Pero gusto ko lang na maging aware ka sa nararamdaman ko. Siguro nakita mo na yung surprise ko. Pero alam ko na may mga taong mas gusto mo na magsurprise talaga sayo. Hehehe. Uhmmm. Siguro magtataka ka bat ko ginawa yun. Ginawa ko yun kasi I want everything to last. And yun na siguro ang beautiful goodbye ko sayo. 😭 Yes best. Goodbye na. Maybe it's time na bigyan ko muna ng halaga yung sarili ko. Yung tipong ang iisipin ko na mas una eh yung sarili ko at mga taong mas nagpapahalaga sakin. Alam ko best. Alam mo na. Alam mo na naman yun. Pero ang hindi mo lang talaga siguro alam, eh yung mga pangyayari na sobra sobra na akong nasasaktan. 4 years na akong tanga tangahan. 4 years ko nang sinasaktan yung sarili ko ng paulit ulit. 4 years na rin akong umaasa sa isang bagay na alam na alam ko naman sa sarili kong walang patutunguhan. Sorry best kasi sinasabi ko to sayo. Hindi ko kasi kayang sabihin to sayo ng harapan. Hindi ko kayang makita na tapos na lahat satin. Pero naisip ko na ito na siguro yung best way to end up things. Alam ko sa mga panahong niloloko nila tayo o inoopen nila yung topic na tungkol satin, alam ko kung bakit ayaw mo pagusapan. Kasi alam ko na ayaw mo lang ako mapahiya. Ayaw mo na ipamuka pa sakin na wala naman talaga. Kasi aware naman ako e na sya pa rin yung gusto mo. At kahit kailan, di mo ako makikita sa posisyon na gusto kong makita mo ako. Eto na yung chance ko para sabihin sayo na nasasaktan ako sa tuwing magkekwento ka sa mga babae mo. Nasasaktan ako kapag may nilalandi ka sa harapan ko. Nasasaktan ako kapag may nakikita akong post mo na may kasamang iba. Kasi kahit minsan, di ko naranasan na makita ko na nagpost ka ng tungkol satin o sabihin mo man lang sa lahat na ako yung bestfriend mo. Nasasaktan ako sa twing di mo ko kinakausap, na feeling ko kakausapin mo lang ako kasi kailangan mo ako. At higit sa lahat, nasasaktan ako kasi hindi mo alam na nasasaktan ako, yung ako lang ang nagdadala lahat ng nararamdaman ko. Ako lang magisa 😭 oo sobrang tanga ko. Nasasaktan ako sa twing maiisip ko na hindi ako ganon kahalaga sayo, kasi kelan mo ba ko kinamusta? Ni hindi mo nga alam ang storya ko e. Kasi alam ko naman na hindi ka interesado. Hindi mo ko tinanong kung kamusta ako. Kung ano ba ang gusto ko. Kasi alam ko kahit papano, kampante ka din na hindi kita kayang iwan o palitan. Kahit ilang beses mo pa gawin sakin lahat ng masasakit na yan, di pa rin kita magawang tiisin. Di pa rin kita magawang hindian. Di pa rin kita magawang tigilan at kalimutan. Wala e, kasi mahal kita. Oo siguro ngayon, habang binabasa mo 'to. Naiinis ka na. Kasi alam kong ayaw mo ng mga gantong usapan. Pero sana kahit ngayon lang, wag mo ko talikuran. Tapusin mo tong basahin. Best. Sorry kasi ganito nararamdaman ko. Sorry kasi nahulog ako sayo. Unang kita palang natin, iba na talaga. Tapos naging close pa tayo kaya mas lumalim tong nararamdaman ko. Pero hindi ko to sinasabi sayo para humingi ng kapalit. Sinasabi ko to sayo kasi gusto ko ng tapusin. Ilang taon nila akong pinipilit na aminin ko na sayo tong nararamdaman ko, pero ayoko. Kaya eto. Sinusulit ko na. Pagkakataon ko na to e. Sorry best ha. Sorry kasi alam ko kahit pano nakagulo lang din ako sa buhay mo. Atska lahat ng naramdaman ko na sakit, ginusto ko naman yun e. Ako ang may gusto na mapalapit sayo. Yun lang minsan feel ko natetake for granted na ko. Pero kasalanan ko pa din kasi hinayaan ko. Pero sobrang salamat kasi sayo ko unang naranasan lahat ng pwedeng maranasan ng nagmamahal. Sakit, saya, kilig, lungkot. Lahat. Salamat dahil ang dami ko natutunan na lesson. Siguro ngayon, hindi pa nawawala tong nararamdaman ko para sayo. Pero hayaan mo lang ako. Mawawala din to. At eto na yung huling effort na gagawin ko para sayo. Sana maintndhan mo ako. Salamat best. Have a happy birthday! Alam kong makikita mo rin kung ano yung happiness. Thank you best. This may be the last. Happy Birthday! 😌
Tuesday, February 23, 2016
Tuesday, February 16, 2016
Babee's POV (Sana)
Hindi ko akalain na magiging ganito ako kaswerte sa kaibigan. Hindi ko naisip na may mag-aalaga at may umiintindi sa akin. Di ko inexpect na magiging ganito ako kaimportante sa isang tao...
Ilang taon na rin akong nasanay sa araw araw na set-up namin. Wala ako kung wala sya. Kumbaga, kulang na kulang ako pag wala sya. Natutuwa ako kasi ang swerte ko. Kung hindi dahil sa kanya, siguro hindi ko naabot kung ano na ako ngayon. Lagi syang nandyan para sakin. Isang please ko lang saknya, ginagawa nya talaga. Hindi nya ako kayang tiisin. Sobrang lakas ko sakanya, ganon. Tipong pag may kailangan ako, di ko pa man din sinasabi, ayan nakaready na agad. Ganon sya katyaga sakin. As in lahat na siguro dinudulot nya sa akin. Kaya naman hindi ko maisip yung sarili ko pag wala sya. Siguro kakayanin ko, pero siguro maninibago ako.
Ilang taon na rin kaming paulit ulit. Ilang taon ko na ring napapansin na may nararamdaman siya sakin. Hindi ka naman gagawa ng isang bagay para sa isang tao lalo na kung hindi mo gusto. Matagal ko nanag alam na gusto nya ako, na mahal nya ako. Mahal ko rin sya bilang isang kaibigan. Mahal na mahal, at walang makakahusga doon dahil importante sya sa akin. Kahit minsan alam kong hindi nya yun nararamdaman. Hindi ko alam kung paano, pero ayokong may ibang tao syang pinagtutuunan nang pansin maliban sakin. Madamot ba ako? Gusto ko kasi ako lang yung inaasikaso nya. Malakas ang kapit ko saknya kaya siguro kampante ren ako na hindi nya ako iiwan. Wala e. Minsan iniisip ko, bakit ako ganito. Hindi ko naman sya mahal. Ewan ko. Mahal ko sya pero parang hindi ko kayang ibigay yung pagmamahal na binibigay nya sakin. Oh siguro nga, hindi ko talaga sya gusto. Hanggang dito lang. Hindi ko kasi kayang makita syang nasasaktan. Kahit siguro itry ko na magustuhan sya, wag nalang kasi alam ko namang sakit ng ulo at puro sakit lang ang ibibigay ko sakanya na ayokong mangyare.
Papalapit na ng papalapit ang panahon na magkakahiwalay na kami. Hindi ko alam kung anong mangyayari sakin pag wala na sila sa tabi ko, lalo na sya... na laging nandyan sa twing kailangan ko ng masasandalan. Hindi ko rin alam kung kakayanin kong makita syang may kasamang iba, o masaya na dahil tapos na sya sakin. Dahil kahit kailan naman, wala akong naidulot na bagay na nagpapakita na worth it ako para sakanya.
- THIS IS MY VERSION OF BABEE'S POV.
Honestly, I'm hoping that I'm right :(

Sunday, February 14, 2016
Why
It's all about why....
Bigla lang pumasok sa isip ko. Bakit nandito pa rin ako sa posisyon na 'to? Pero naisip ko rin, bakit ko ba tinatanong? Eh alam ko na naman ang sagot... Kasi gusto ko pa rin sa posisyon na 'to.
Bakit ba kasi hanggang ngayon hindi pa rin kita maalis sa sistema ko? Ilang sakit pa ba paparamdam mo sakin para marealize ko lahat? Ilang pagpapasawalang bahala pa ba ang ipapakita mo sakin? Ilang pagpapakatanga pa ba ang gagawin ko? Ilang ulit pa ba akong susunod sa mga gusto mo? Ilang pagiintindi ko sa mga mali mong nagawa pa ba? Ilang pagsasambot ko pa ba sa mga kalokohan mo? Ilang beses pa ba ako magpapauto? Ilan pa ba? Ilan pa para masabi ko sa sarili ko na tapos na. Ilan pa? Oo nahihirapan ako. Paulit ulit. Paulit ulit nalang yung katangahan ko. Minsan, hindi ko na gusto pang ikwento sa iba kung ano yung nararamdaman ko kasi alam ko naman walang patutunguhan e. Alam ko lahat. Alam ko na wala naman akong mapapala. Alam ko na hanggang dito lang ako. Alam ko talaga. Dahil nakabalandra lahat sa harap ko ang napakaraming dahilan para tigilan ko na. Pero bakit kahit gano pa karami yun, ang nakikita ko pa rin sayo ay yung magandang side mo? Yung pag-asang siguro, isang araw makikita mo rin ako. Siguro nakikita mo na naman ako eh, sadyang hindi mo lang talaga kayang bigyan ng atensyon kaya eto. Ginagamit mo nalang. Di ko maintindihan sarili ko bakit ganito ako. At the end of the day, ikaw pa rin. Lagi nalang ikaw. Wala naman nangyayari. Kahit paulit ulit kong sabihin sa sarili ko 'to. Wala e. Ikaw parin ang tama para sakin. Bakit ganon. Bakit ganito. Ang dami kong tanong. Ang dami kong gustong pagtanungan sa nararamdaman ko, pero hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung kanino. Hindi ko alam kung kelan at saan. Hindi ko alam kung meron pa ba akong pagtatanungan.
Siguro para sa ibang tao, akala nila madali lang 'tong pinagdadaanan ko. Kasi ano nga naman ba ang kinahirap na tigilan ang isang tao na kahit minsan hindi nagpakita sayo na gusto ka. At ang pinaparamdam lang eh, yung kailangan ka nya kaya lang sya nandyan at kung wala, wala rin sya. Pero hindi e. Sana nga yung naiisip nilang madali, ganon nalang talaga. Pero hindi ganon kadali. Kahit sabihin pa nila na mas mahirap yung lagay na kumplikado ang isang relasyon. Hindi e. Kasi mabuti pa yung relasyon na kumplikado, dalawa silang namomroblema. Eh ako? Ako na mag-isa lang? Kinakaya ko lang lahat ng mag-isa. At isa pa siguro sa masakit na parte ay yung alam mo naman na alam na nya yung nararamdaman mo saknya kahit na di ka umaamin, pero nandyan parin sya walang ginagawa at hinahayaan ka lang maramdaman lahat ng mag-isa.
Ang sakit lang kasi hindi ko alam kung kailan to matatapos. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magpapakatanga. Kasi kahit sabihin nyo sakin na narefresh ko na naman yung utak ko sa lahat ng katangahan na nagawa ko. Isang salita nya lang, nawawala na naman lahat. Nagiging sya na naman ang sentro ko. Sya na lang lagi.
Gusto kong malaman kung bakit ko 'to nararanasan. Gusto kong isipin na ano ba talaga ang meron sakanila na wala sakin? Patuloy kong ginagawa lahat mapansin nya lang ako. Pero kahit ano pang gawin ko, balewala lang sakanya. Kelan ko kaya mararamdaman na importante ako saknya? Kelan kaya dadating yung panahon na maiisip nya na "sana pala pinahalagahan ko sya", pero siguro, hindi na rin dadating yung panahon na 'yon.
At eto. Andito pa rin ako. Hindi ko alam kung ano ang susunod, pero nakakasiguro ako na masasaktan na naman ako. Kahit sabihin mong sanay na ako. Hindi ko pa rin mapigilan na mapaisip at magtanong. Hanggang kelan at bakit nangyayari sakin to? :'(

Subscribe to:
Posts (Atom)