It's all about why....
Bigla lang pumasok sa isip ko. Bakit nandito pa rin ako sa posisyon na 'to? Pero naisip ko rin, bakit ko ba tinatanong? Eh alam ko na naman ang sagot... Kasi gusto ko pa rin sa posisyon na 'to.
Bakit ba kasi hanggang ngayon hindi pa rin kita maalis sa sistema ko? Ilang sakit pa ba paparamdam mo sakin para marealize ko lahat? Ilang pagpapasawalang bahala pa ba ang ipapakita mo sakin? Ilang pagpapakatanga pa ba ang gagawin ko? Ilang ulit pa ba akong susunod sa mga gusto mo? Ilang pagiintindi ko sa mga mali mong nagawa pa ba? Ilang pagsasambot ko pa ba sa mga kalokohan mo? Ilang beses pa ba ako magpapauto? Ilan pa ba? Ilan pa para masabi ko sa sarili ko na tapos na. Ilan pa? Oo nahihirapan ako. Paulit ulit. Paulit ulit nalang yung katangahan ko. Minsan, hindi ko na gusto pang ikwento sa iba kung ano yung nararamdaman ko kasi alam ko naman walang patutunguhan e. Alam ko lahat. Alam ko na wala naman akong mapapala. Alam ko na hanggang dito lang ako. Alam ko talaga. Dahil nakabalandra lahat sa harap ko ang napakaraming dahilan para tigilan ko na. Pero bakit kahit gano pa karami yun, ang nakikita ko pa rin sayo ay yung magandang side mo? Yung pag-asang siguro, isang araw makikita mo rin ako. Siguro nakikita mo na naman ako eh, sadyang hindi mo lang talaga kayang bigyan ng atensyon kaya eto. Ginagamit mo nalang. Di ko maintindihan sarili ko bakit ganito ako. At the end of the day, ikaw pa rin. Lagi nalang ikaw. Wala naman nangyayari. Kahit paulit ulit kong sabihin sa sarili ko 'to. Wala e. Ikaw parin ang tama para sakin. Bakit ganon. Bakit ganito. Ang dami kong tanong. Ang dami kong gustong pagtanungan sa nararamdaman ko, pero hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung kanino. Hindi ko alam kung kelan at saan. Hindi ko alam kung meron pa ba akong pagtatanungan.
Siguro para sa ibang tao, akala nila madali lang 'tong pinagdadaanan ko. Kasi ano nga naman ba ang kinahirap na tigilan ang isang tao na kahit minsan hindi nagpakita sayo na gusto ka. At ang pinaparamdam lang eh, yung kailangan ka nya kaya lang sya nandyan at kung wala, wala rin sya. Pero hindi e. Sana nga yung naiisip nilang madali, ganon nalang talaga. Pero hindi ganon kadali. Kahit sabihin pa nila na mas mahirap yung lagay na kumplikado ang isang relasyon. Hindi e. Kasi mabuti pa yung relasyon na kumplikado, dalawa silang namomroblema. Eh ako? Ako na mag-isa lang? Kinakaya ko lang lahat ng mag-isa. At isa pa siguro sa masakit na parte ay yung alam mo naman na alam na nya yung nararamdaman mo saknya kahit na di ka umaamin, pero nandyan parin sya walang ginagawa at hinahayaan ka lang maramdaman lahat ng mag-isa.
Ang sakit lang kasi hindi ko alam kung kailan to matatapos. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magpapakatanga. Kasi kahit sabihin nyo sakin na narefresh ko na naman yung utak ko sa lahat ng katangahan na nagawa ko. Isang salita nya lang, nawawala na naman lahat. Nagiging sya na naman ang sentro ko. Sya na lang lagi.
Gusto kong malaman kung bakit ko 'to nararanasan. Gusto kong isipin na ano ba talaga ang meron sakanila na wala sakin? Patuloy kong ginagawa lahat mapansin nya lang ako. Pero kahit ano pang gawin ko, balewala lang sakanya. Kelan ko kaya mararamdaman na importante ako saknya? Kelan kaya dadating yung panahon na maiisip nya na "sana pala pinahalagahan ko sya", pero siguro, hindi na rin dadating yung panahon na 'yon.
At eto. Andito pa rin ako. Hindi ko alam kung ano ang susunod, pero nakakasiguro ako na masasaktan na naman ako. Kahit sabihin mong sanay na ako. Hindi ko pa rin mapigilan na mapaisip at magtanong. Hanggang kelan at bakit nangyayari sakin to? :'(
No comments:
Post a Comment
Please feel free to tell me your insights ☺