It's been almost 3 months. Three months of just nothing. Akala ko yun na! Ipinagkait pa rin sakin, pero alam kong may reason lahat ng yun and I already accepted the fact that 'I'm only the BEST FRIEND Material and not the GIRL FRIEND one" Minsan, nagtatanong ako sa sarili ko, what's wrong? ano pa bang kulang? pero wala namang sumasagot at walang may alam ng sagot.
Nakakalungkot? oo minsan. Kasi, yung tipong alam mo na okay na eh. Tas may sisingit nanaman na problema os sitwasyon sa buhay nyo kaya ayun, naudlot na naman. Pero wala naman akong magagawa kung ganon talaga ang gustong mangyari ng destiny eh, diba. Ang dapat ko lang gawin ay ang tumanggap.
Masaya na ako sa kanya ngayon, pero kanina habang nakahiga ako, napaisip ako. Paano kaya kung nagmatigas akong wag nyang ituloy? Paano kaya kung hindi kaya ako pumayag? Mapipigilan ko kaya sya o susundin pa rin nya kung ano man yung naging desisyon nya ngayon? Ang dami kong tanong na hindi masagot sagot at ayoko ayoko ayokong tanungin sa kanya lahat ng mga tanong ko. Hindi ko alam kung bakit, siguro takot akong malaman ang sagot nya. Sabi nung mga kaibigan ko, hindi mo malalaman hangga't di mo itatry. EXPECT FOR WORST. Totoo naman diba, tama naman sila. Pero ang hindi ko maintindihan, bakit hindi ko magawang mag-expect for worst. Bakit sobrang takot akong mareject. Personally, alam kong dapat matuto kang tanggapin lahat ng flaws, negative na mga pangyayaring dadating sa buhay mo. Alam ko yun and naging adviser na rin ako ng ilan kong kaibigan. Pero hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon, di ko pa rin sya maapply sa sarili ko.
Simula elementary ako hindi na ako tinantanan ng tadhana. Ako lagi yung kaibigan na laging nandyan para sa isang kaibigan. Yung tipong "the one they can SURELY count on" hanggang ngayon, I'm trapped sa ganong sitwasyon.
Hindi ko alam kung hanggang kelan ako aasa sa wala, kung hanggang kela yung ganitong feeling at kung kelan kaya ako mapopromote sa pagiging girl friend, hindi lang best friend.
2 days from now, birthday ko na. Naeexcite ako na hindi. Sana hindi ako masaktan. Sana ako yung unahin nya, pero mukhang malabo eh. May something na sila non e, pwede bang snob-in nya yun? Malamang hindi. Pero sana maging masaya ako sa birthday ko, Sana kahit paano, maramdaman ko ulit yung dating sya noong mga panahong sobrang okay namin, tipong walang pwedeng mangielam o pumasok sa kung anong meron kami noon. Sana maranasan ko ulit na ako yung priority nya. Sana magbasa sya ulit ng blog ko, sana i-stalk nya ulit yung account ko, Sana ibalik nalang kung ano kami noon. Pero alam kong malabo. Hanggang "SANA" nalang ako...
No comments:
Post a Comment
Please feel free to tell me your insights ☺