Showing posts with label Love. Show all posts
Showing posts with label Love. Show all posts

Thursday, July 16, 2015

Blameless Thoughts

An innocent guy
    who captures my day;
A moment from fate,
    to a feelings infatuate;
Expressive feeling so cling,
    never to hide and come up fling.
Emotions unknown and not revealed,
    forever to keep, my eyes be filled.

Renzi Arriola (06-21-15)


A poem made out of inspiration from an innocent guy who always made my day.


MANY MORE POEMS TO COME! SOON.

Tuesday, September 16, 2014

Maps - Maroon 5

"Maps"

I miss the taste of a sweeter life
I miss the conversation
I’m searching for a song tonight
I’m changing all of the stations

I like to think that we had it all
We drew a map to a better place
But on that road I took a fall
Oh baby why did you run away?

I was there for you
In your darkest times
I was there for you
In your darkest nights


But I wonder where were you?
When I was at my worst
Down on my knees

And you said you had my back
So I wonder where were you?
When all the roads you took came back to me

So I’m following the map that leads to you
The map that leads to you
Ain't nothing I can do
The map that leads to you
Following, following, following to you
The map that leads to you
Ain't nothing I can do
The map that leads to you
Following, following, following

I hear your voice in my sleep at night
Hard to resist temptation
'Cause something strange has come over me
And now I can’t get over you
No, I just can’t get over you

I was there for you
In your darkest times
I was there for you
In your darkest nights

But I wonder where were you?
When I was at my worst
Down on my knees
And you said you had my back
So I wonder where were you?
When all the roads you took came back to me

So I’m following the map that leads to you
The map that leads to you
Ain't nothing I can do
The map that leads to you
Following, following, following to you
The map that leads to you
Ain't nothing I can do
The map that leads to you

Oh oh oh
Oh oh oh
Yeah yeah yeah
Oh oh oh

Oh, I was there for you
Oh, in your darkest time
Oh, I was there for you
Oh, in your darkest nights

Oh, I was there for you
Oh, in your darkest time
Oh, I was there for you
Oh, in your darkest nights

But I wonder where were you?
When I was at my worst
Down on my knees
And you said you had my back
So I wonder where were you?
When all the roads you took came back to me

So I’m following the map that leads to you
The map that leads to you
Ain't nothing I can do
The map that leads to you
Following, following, following to you
The map that leads IIIto you
Ain't nothing I can do
The map that leads to you
Following, following, following

The song gave me so much to remember one person. A SONG FOR YOU. 

Friday, September 12, 2014

Pretty Man

I just watched a Serye. Koreanovela. "Pretty Man" and it really made me realize so many things.

Umpisa palang, gusto ko na talaga mapanood 'tong Koreanovela na 'to. As in. Kasi crush na crush ko talaga si Jang Geun/Keun Suk. Basta noon palang den mahal ko na tlaga sya. Hihi. And i don't have any idea na sobra pala akong makakarelate dito.

Bettina, herself. Ako yun. :'( A person na sobrang inlove kahit na alam nyang di sya makikita ng taong mahal nya. Basta, she's just there and ready to help Marty in everything kahit pa irisk nya ang buhay nya.

Si Marty naman ay yung lalaking gusto g gusto ko. He has plenty of girls. Ang dali nyang napapaibig ang mga babae. Sobrang galing nya. Maappeal den kasi eh, kaya hindi mahirap.

Pero yung David? Wala. Pero sana nga meron din akong David.

Ang ganda nung story. Kasi alam mo na from the start na nagugustuhan na ni Marty si Bettina. Hindi nya lang maadmit sa sarili nya kasi he's shy. Minsan tuloy naiisip ko, baka ganto lang den ang nangyayari samin no? Hahaha ang lakas ko magassume.

Pero ang difference nito sa buhay ko, si Marty at Bettina may happy ending. Kami, wala. We're just stuck kung ano kami ngayon. Pero Accepted ko na 'to lahat. Masaya na ko. Mahal ko sya. I love him. Sobra. Pero I already accepted the fact na di na kami maglelevel up. I'm just here nalang for him forever and always. Taga ayos ng gusot. Taga linis ng dumi. Taga sambot kung ano man ang problema nya. Ganon ko sya ka love. Pero kabaligtaran non, ganun naman sya sakin. Hehe. Ang sakit diba? Pero ayos lang.. maybe it just meant for me. IM ONLY THE BESTFRIEND, NOT THE PERSON TO FELL INLOVE WITH.

The story taught me so many things, some of these are..
1. DON'T GIVE UP
2. FOLLOW YOUR HEART
3. EXPRESS YOUR FEELINGS 'COZ MAYBE SOMEDAY YOU'LL REGRET IT
4. DIFFERENCE OF LIKE AND LOVE
5. STRATEGIES TO SUCCESS
6. BEING MOTIVATED
7. LEARN TO ACKNOWLEDGE ALL THE LOVE THAT WAS GIVEN TO YOU.

it's a good korean serye. I love it and will watch it all over again.

He's Already Taken

"Wala nang hihirap pa na magmahal ng taong alam mong TAKEN na"

I'm blogging this topic kasi nainspire ako sa experience ng closest college friend ko. Hmm. Bigla ko lang nilagay yung sarili ko sa pinagdadaanan nyang 'to. Kami yung tipo ng tao na hindi dinidibdib ang mga problema. Always happy! FUN LANG. Kasi we believe na di mo naman kailangang dalhin o ipakita sa lahat ng tao especially sa friends mo yung sakit na nararamdaman mo kasi pati sila madadamay sa bigat na nararamdaman mo. Ang isang tunay na kaibigan mararamdaman nalang din yung sakit sa kalooban mo bigla even though not letting it show.

Well, here comes the story. She fell inlove with our friend. Our friend who's taken for almost 6yrs. MapapaBAKET ka nalang bigla diba. Bakit kailangan mo pang mainlove sa taong alam mong pagaari na ng iba. Pero may mabeblame ka ba? Wala diba. Wala. Kasi hindi mo yun kagustuhan. Naramdaman mo nalang at hindi mo macocontrol ng ganon ganon nalang ang feelings mo. Admit it. I'm right.

Araw araw na asaran, awayan, bangayan pero nauuwi parin sa tawanan. Ganyan sila araw araw. Minsan nga magugulat ka nalang.. Ayan na. Nagbabangayan na yung dalawa. Yung isa nagsusuplada, yung isa pahard to get. Di maintindihan. Haha! Minsan ang sarap nila panoorin kasi sila yung tipo na wala lang. Nagpapakasaya lang. Ineenjoy lang pero through asaran. Pero never ever naman silang nagaway na seryosohan. Masaya sila parehas sa company ng bawat isa. Kaya minsan talaga masasabi mo nalang. "Pwedeng pwede na eh. Perfect and happy couple to be na... SANA. kaso TAKEN na e. Sayang!" Matatanong mo rin, masaya kaya sya sa relasyon nya? Ganyan din kaya sya kasaya pag kasama yung girlfriend nya? Yung nga big smiles na lumalabas kapag nagaasaran sila, nalabas den kaya yun pag sla na nung gf nya magkasama? Iba kasi ang saya nya e. Kaya talagang mapapaisip ka tuloy.

Sometimes some questions will just pop up nalang sa isip mo. "May hidden feelings ba 'tong dalawang to? Di lang ba talaga maexpress nung isa kasi may girlfriend na sya? O kaya naman, baka wala lang lahat to, sadyang gentleman at sweet lang sya?"

It's difficult when you're clueless. It's hard not to assume. Kasi bigla nalang magpapakita ng motibo e. Bigla ka nalang papakiligin unexpectedly. So ano nalang? Are we just playing around? Is it like this nalang? Hmm.

Until now, we are all clueless. She is clueless. We never know a thing. Pero I admire my friend because she knows where to put herself on the situation. Yes. She assumed. She expected but knows her limitations. Wala syang balak manira ng relasyon. You know, it's love. Kasi she's happy kasi masaya yung mahal nya. Kahit na alam mong hindi na maglelevel up pa tatanggapin mo nalang.

Ang hirap pigilan ng nararamdaman. Kaya kung sa simula palang alam mong it will get bigger, yung nararamdaman mo sa taong taken na. You stop it there right away kasi I assure you, mas masaket at mas hihirap pa.

But you know, you can't control everything that easy. So kapag nandon ka na sa sitwasyon na yun. Just know your limits. Enjoy-in mo nalang ang mga nangyayari and one time, masasabi mi nalang na "he's a beautiful memory that helps me to grow" matututo kang tanggapin ang mga bagay na alam mong di mo makukuha. Kasi di lahat ng gusto natin napapasatin.

Don't ever question God for letting you feel one sided love. May purpose ang lahat. Maybe binigay nya sayo ang isang tao hindi para bigyan ka ng bigat sa loob. Minsan binigay nya 'to para matututo ka. Mag grow ka. Maging mature ka and to accept things that we can't have. To know the meaning of Acceptance. To limit ourselves... Ang dami. There are so many reasons kung bakit and madidiscover natin to through ourselves.

Wag kang magmukmok kasi di mo sya makuha. Yung taong gusto mo di ka mahal. Wag na wag. There is one person na para sayo. Dadating sya. For sure. And I will say, napakadaming mas mabibigat na problema ang pinagdadaanan ng iba. Hindi lang ikaw ang nalulungkot. Hindi lovelife ang pinakamabigat na problema. Naku. Napakadami pa. So imbes na isipin mo ang pagmumukmok. Isipin mo yung brighter side ng lahat ng nangyayari sayo. Kahit sya, yung pagdating nya. It's not a mistake, it's a blessing :)

Martyr Love

Ang hirap talagang maging martyr! Pero dito ako masaya e. Hihi.

Ako yung taong hindi mahilig sa sports. Hmm. Di ako nageenjoy sa mga games kahit intrams. Gusto ko lang yung opening pag ganon. Haha! Ayaw ko talaga ng games. Kahit ano pang games yan. Mapacomputer games o kung sa cp game pa. Ayaw ko talaga o more like ayaw nila sa akin. Hehehe.

Pero kanina, I watched. Hmm. Yes! I watched a basketball sa school namin. Andon kasi bestfriend ko! I really need to support him. To cheer out loud and scream "GO BEST! GO BEST WHOOOOO! BESTFRIEND KO YAN" ganyan. Hihi. Ewan ko. Ang galing nya. Lalo nanaman akong nahulog. Haha. Pero bago magstart yung game. Sabi ko dun sa mga friends ko, "agahan natin ha. Agahan natin. Para dun tayo kung nasaan yung mga players para maasikaso ko sya. Hihi"

Pero bago din yun. Sabe ko sknya. "Best ha. Chicheer kita ng sexylove tapos may backup ako (yung dalawa kong classmate) tapos may mascot. (Yung isa kong classmate na chubby pero cute na bet nung isa kong classmate na ggawin kong backup! Hahha. Inaasar nya kasi lagi yun) tapos ang respond nya sken tumawa lang sya. After ilang oras, bigla nyang snbe "PAG TALAGA SA INYO HA. WALANG NAGSEXYLOVE" hihihi. Jusko kinilig ako ng husto :> pero syempre hindi naman pahalata no. Haha

So ayun na nga. Ako ang nagwagi dahil nakuha namin yung spot kung saan magsstay yung players. Hihi. Naging mejo julalay nga ako. Haha. Pero ang pinaka nakakatunaw don!!! Yung nakaupo ako sa bleachers tapos bigla syang nagtanggal ng shirt mismo sa harap ko. Jusko po! Natunaw ang lahat sa akin. Bigla ata akong nagkasala. Hahaha! Sobrang hot ng bestfriend ko. Yun nalang pumasok sa isip ko. Pinigilan ko na ren ang sarili ko na palalimin pa kung ano man ang naiisip ko. Hahaha. :>

So ayun na nga. NagGame na. Pagod na pagod sya. Walang water. Kaya ako eto. Si superbestfriend na naman na to the rescue. Gora bili ako agad ng dalawang tubig para sa kanya. Syempre ayko naman mapapagod sya tas wala iinumin. Haynako. Ayoko! Hahaha :> Medyo martyr eh no?

Pero ang blog na 'to talaga ay para sa mga babae nya. Ang daming nanood para sa kanya. Yung mga naging kalandian nya. Hays. Ano ba namang ubra ko don sa mga yon. Ang gaganda kaya non nila. Mga richkid pa. Kapuputi. Eh ako mahahalintulad ata ako sa melted chocolate na hinaluan mo lang ng gatas. Hihihi. Ang hard ko sa sarili ko. Haha. Pero wala e. Andon yung mga may gusto saknya. Mga ex nakalandian at dumating yung kaMU nya. Hmm. Ang saket non. Ayoko magsinungaling pero nasaktan ako. :( ano ba namang laban ko dun sa kaMU nya na friend ko. Di naman sya ganon kaganda. Pero maappeal atska mabait naman yun. Hmm. Pero wala e. Gusto nya yun kaya suportado ko sya. Pero may mas masaket pa. Kasi dumating den yung babaeng mahal na mahal nya pero kahit kelan snbe nya sken na hindi maggng sla dahil para bang langit at lupa. Pero mahal pa rin nya yun. Tapos nung nakita ko yun. Tinawag ko sya 'best! Gaganahan ka na!' At ang sagot nya sakin? 'Oo nga eh' ang sakit diba? Huhuhu. Ako yung nandon. Ako yung simula pa lang sya na ang inisip ko. Pero it's like I dont exist. :( huhu. I admit. Di naman ako hipokrita na magpapanggap pa. Pero nakakainis. Nasasaktan den ako syempre. Nakakabwisit lang kase ayaw pa ng puso ko na tigilan na ng tuluyan. kakainis dba. -.- at ako, eto! Magpupuyat para gumawa ng assignment at gawan sya ng assignment habang sya ayun! Malamang nagpapakasaya kasama yung mga babae nya. Hmm. Wala e. Bestfriend ako. Kailangan kong gawin to through my own will because I really want him not to burden anything that I know I can help him to.

After all these, I realized what Love really means. It's the feeling of happiness. Makita mo lang sya masaya at okay kahit na hindi ikaw ang dahilan ay okay na rin. Kasi hinding hindi maipapalit ang kasiyahan ng mahal mo ng kung ano pa man. It's a thing yo let him go and set him free.

Ang tapang ko no! Syempre kasi alam ko namang di nya 'to mababasa eh. Hihi. Alam ko namang ako lang ang makakaalam lahat ng 'to. Nararamdaman man nya.. pero I know, hindi na maglelevel up pa yun.

But I'll continue blogging about my life especially my MARTYR LOVE to him. Sobra na ba yung pagkamartyr ko? ;(

Sunday, September 7, 2014

Feelings of Confession

If we fall in love, maybe we'll sing this song as one. ❤

To all the boys who can't admit their feelings. To all the girls who can't confess their feelings.

What's your plan? Is it the end? Will you just put on those feelings kept? Isn't sad that you can't have the person you really want to? Hmm. So many questions but no answers.

It's hard to confess your feelings to a guy especially if he's not open-minded. I've been with that situation and still, I cannot do a step forward to tell him how I really feel because I know that he's playing around and not that ready for a serious "relationship" Everyone's telling me that I should let him know, maybe he felt the same way too but also scared to let it free.

As a Filipina girl, I have that perception about the feelings. I will not confess! Ever! I will just wait for his confession if it's mutual and if not, then okay. It just fall like this.

But it's all about our own decision. If you know you can face it, then go. Take the risk and be happy. If you're the guy who's afraid of telling the girl your feelings. Don't be. Because you're a man! A man enough to accept rejections and happiness. Don't think that 'i will just hurt her, i am not worthy of her' if you are in that thinking. Then, make a way. Make a way and an effort to deserve her. Don't do anything that can hurt her because you love her.

ADVICE: DON'T RUSH THINGS. Everything has its own time just don't be too late. 😍😳😓

Friday, August 22, 2014

Tangang Pag-ibig

Have you experience na mainlove? Well, halos lahat naman sa 'tin from teenagers to adults naranasan ng magmahal. As in romantic love.

Eh naranasan mo na bang maghintay? Yung tipong naghihintay sa wala. Pero kahit alam mong wala rin namang mapapala or mararating, naghihintay ka parin. Kasi umaasa ka at naghihintay na balang araw makikita ka rin nya, mapapansin at nagbabakasakaling mamahalin din. The way you love him or her. Ang sakit magmahal no? Kailangan mong magpakatanga lalo na kung ikaw lang ang nagmamahal at sya? Kaibigan ka lang o kaya acquiantance. Pero ikaw 'tong si shunga, engot na minamahal mo parin sya. Wala eh, ganon siguro talaga pag nagmahal ka ng sobra sobra.

Yung tipong sinasabi mo sa sarili mo na "tama na. Tama na. Ang tanga mo na! Wala ka mapapala dyan. Matututo ka lang maging immune sa mga nararamdaman mo!" Pero isang smile nya lang, isang text. Nakalimutan mo na lahat 'yun! Haaaay buhay pag ibig. Tapos minsan masasabi mo sa sarili mo na "i'm just wasting my time waiting for nothing" pero ayaw mo tignan ang sarili mo na nagsayang ka lang ng oras at panahon sakanya kasi sumaya at sumasaya ka sa pagmamahal mo sakanya kahit wala kang nakukuhang kapalit. Kahit na lahat na inasa nya nalang sayo, okay lang kasi gusto mo yun para mas mapalapit kayo at matulungan mo sya. Ayaw mong mapapariwara sya sa mga bagay bagay.

Sobrang sarap magmahal at hindi ito mali. Kailan ba naging mali ang magmahal? Hindi diba? Kahit sabihin mo pang mali dahil mali yung taong minahal mo. Hindi. Hindi mali, kasi nagmahal ka at bigla mo nalang naramdaman yun. Wala kang kasalanan, walang may kasalanan. Kung ano man 'yang nararamdaman mo, ipagpatuloy mo. Ang sarap kaya sa feeling. Napapangiti ka at kinikilig. Wala nang mas sasarap pa sa ganoon. Pero dapat alam mo ang limitasyon mo. Dapat marunong kang tumanggap kung ano ka lang. Choice mo yan kung gusto mong ipagpatuloy lahat o itigil na. Pero diba't mas mahirap na pigilan mo ang feelings mo kaysa let it all free?

The hardest part of it is the mere fact of ACCEPTANCE. pero once na nagundergo ka na sa ganyang process, marerealize mo na sobrang mas naging magaan ang feelings mo. Mahal mo man sya pero alam mo kung hanggang saan ka lang. No expectations just happiness. Mas magiging magaan ang lahat. Kaya siguro yung ibang tao nahihirapan sa pagibig kasi kahit anong gawin o sabihin nila naasa sila, di man nila iadmit sa sarili nila but they do. Kaya dapat matuto tayong tumanggap and syempre don't forget to ask the Lord for his guidance. Ipasakanya mo ang lahat at tiyak na di ka mapapariwara. Let it flow. �

"Don't keep her waiting just because you know she will"

Friday, March 7, 2014

FRIEND OF MINE

Matagal din akong hindi nakapagblog... So this is it. I want to release my deep emotions.

I have this guy friend. A very close friend. He's nice but not. He's cute, handsome and wonderful. Tall, dark and handsome. The most maappeal person i've ever met! Machix sya, Chick magnet ba. Siya po ang nililigawan. And andami dami na nyang nabigong babae. Actually, yung girls nya recently hanggang ngayon di pa nakakamoveon sa kanya and sya.. Nakatatlo nang landi after those. Wala e. ganun sya. But! I'm proud that he's my best. Buti nalang hanggang don lang kami kase if I we're one of those girls, naheartbroken na din ako dyan. hahahaha! Wala eh. Pogi daw ☺

Well eto na nga. Sa sobrang close namin. Naiinlove na ata ako. Haaaay -____-. Pero I admit, the first time I saw him. Naattract na talaga ako. Classmate ko kasi sya nung 1stsem 1styearcollege. Same course kami pero late enrollee sya kaya natransfer muna sya dun sa parang sister course namin. Grabe! Ayun. Dun nagstart lahat. May girlfriend pa nga sya non eh. And we start to get to know there kasi groupmates kami and kaclose nya yung crush ko talagang tunay! ♥ Na ngayon ehh bestfriend na din nya. So ayuuuun. Hanggang nung 2nd Sem, naging official classmates na kami. And lagi na kami seatmates. Yung surname kasi namin magkasunod at doon. Mas naging malalim pa ang friendship namin. Siguro kung ikikeep ko yung feelings ko di magiging ganto kadeep eh kaso naconfess ko sa isa kong friend and sa isa pa at sa isa pa at sa buong tropa ko na! hahaha. Ayun. So twing may kilig moment. I never doubt to tell them the story kasi naman, admit it! ANG SARAP KILIGIN diba. Iba yung feeling eh ♥ Pero the real fact kasi na yung tropa nya talaga yung crush ko. Since fourth year crush ko na yun kasi classmate ko sya nung elem and iba yung transformation nung tropa nya eh. kaya naging crush ko nga! Pero because of this friend of mine parang nagiging front ko nalang yung crush ko. wala e.

So ayun, hanggang sa he declared that I am his bestfriend. Syempre ako pa ba 'tong choosy! Di na no. Edi bestfriend na kami. ♥ "BEST" Sobrang kinikilig talaga ako non. Syempre diba, sya pa ang nagdeclare. hihi. And I enjoyed every moment na kahit minsan nafifeel ko talagang ginagamit nya lang ako. Kasi, lahat ng school works nya, almost all. Ako ata ang gumawa. Lahat ng reviewers nya, sakin galing. Pag may problema sa school. Ako ang hanap at katulong nyan. Tipo nga pagkamot sa likod at pagpunas ng pawis ako den. Taga tago ng gamit. Ako den. Lahat na. Lahat na talaga. Ganon talaga siguro pag nagmamahal. Nagpapakatanga. Di ko first time maexperience yung ganto, lagi kasi ako nagkakaron ng bestfriend na lalaki pero iba yung ngayon eh. He's a badboy and I'm a goodgirl. Badboy talaga siya. Napakamatropa. Half of his life is with the tropa kaya siguro yung ibang nakakalandian nya eh pinagseselosan ang tropa. Pero yun sya e. I understand. Yun ang buhay niya.

The longer the friendship we had, the more and the deeper I fell in love with him. Kaya nga gustong gusto ko yung movie na She's the one. Haaaaaaay. -______- Alam mo yung feeling na gustong gustong gusto ko sya pero di pwede kasi tropa ko yung ex niya, tropa ko yung bestfriend na ex niya at higit sa lahat di naman yata niya ako gusto. :'( At napakadami nya ring babae. Pero minsan naiisip ko, di kaya gusto nya rin ako? Pano kasi. Lahat na siguro ng crush ko bitter sya, napakaseloso. Meron pa ngang isang bes sabi nya. "Lagi nalang ganyan ganyan. Kelan magiging ako?" Hmm. I donno if that was ajoke or not. Medyo malabo e. Pero baka one of his jokes lang din yun coz' he's a total JERK! At napakadami pa naming naging sweet moments. Lalo na sya.. sa akin.

One time, naging over acting ako. Kasi sabi ko, Okay lang sakin kahit sangkatutak pa maging babae nya wala akong pake. Wag na wag ko lang makikita na kasama nya in person.

Kakatapos lang ng18thbirthday ko and he's sosweet. Wala syang gift pero nagplan sya na isasayaw nya ako. Yung party ko kasi as in kainan and happy happy lang. Naghahanap pa sya ng sweet na kanta para daw masayaw nya ko. Shems. Pero di natuloy kasi andami kong bisita. And syempre, I understand. nakakahiya. Pano ko nalaman yung plan? Knwento lang sakin nung friend ko and may sinasabi sya na another thing about my bestfriend. This christmas or new year daw. And 'til now wala pa din ako Idea. -___-

Well, gusto ko lang ilabas lahat. Yet, I'm still lucky that he's my bestfriend. Iba yung treatment nya sakin e. I feel so special and secured when I'm with him. Dyan ako nafall e. Sa ganyan. Di ko alam kung hanggang kelan akong ganto basta alam ko, masaya na ko sa ganito kahit alam kong more than friends pa rin talaga ang gusto ko. hahaha. nakakatawa pero yun e. Pero di talaga ako aamin saknya. Di ako ganon e.

To my best,


Hi. Alam kong di mo to mababasa kaya ang lakas ng loob kong magpost. Hahahaha. So that's all. I love you and I know you don't love me back. Ayan. Nabestfriendzoned tuloy ako. Sana walang magbago best. You know, Im always here for you. No matter what! :) ☻ :* I know we are sweet, just in some ways. But I know this is only and not to exceed these thoughts and expectations. I love you best! You are and always will. ♥

Sunday, August 11, 2013

Imulat ang Puso

It is a Filipino poem I made last August 3, 2013. I just want to express my love/feelings to someone who doesn't see me in every aspect and even efforts I made for him. I'm just hoping that for these thing, I can express my secret love. I know that 1 out of 10 is the only chance that he might read this. Jiiieyyyrabs ♥

Imulat mo naman ang mga mata mo, oh?
Baka sakaling makita mo ako.
Ang taong laging umiintindi at tumutulong sayo.
Lalo na't pag kailangan mo.

Susundin lahat ng trip mo.
Kahit ako ay magkandalokoloko.
Ganyan ang pagmamahal sayo.
Kahit bulag ang iyong mata at puso.

Ilang ulit na bang nagpapansin?
Pero wala pa ring dating.
Kaya ko namang tiisin.
Basta ba't may mararating.

Alam ang lahat tungkol sayo.
Daig pa ang mahal mo.
'di na ba mababago?
Hanggang dito nalang ba talaga ako?

Minamahal kita.
Kahit na ayaw nila
Patuloy pa ring ginagawa
Ang sayo'y makagaganda.

Tanga na kung tanga.
Pero ito ang nadarama.
Kelan ba matatamasa?
Ang mga salitang "Mahal kita?"

Pansinin mo naman ako.
'wag lang kaibigan ang trato.
Paganahin ang damdaming bato.
Nang maramdaman ang totoo.

Tayo'y tunay na magkasalungat.
Ngunit alam ng puso ko na ikaw ang karapat dapat.
Mata at puso'y imulat.
Nang isip mo ay pangalan ko na ang sinusulat.

Friday, July 26, 2013

LOVE

"Love is when two people know everything 

about each other and are still friends."

Untitled