"One day, your name won't make me smile anymore"
Yes! Someday. Ang sarap mainlove perp ang hirap den. Lalo na pag one sided love. Yung hindi mutual. Pero ewan ko ba. Kahit na anong di mutual. Kahit na anong one sided love. Kahit na anong sabihin ng ibang tao. Puso at puso mo pa rin ang nasusunod. Kahit na ang dami mo nang nabasa at narinig na kwento. Tuloy ka pa din. Kahit na alam mo kung ano lang ang kahihinatnan, yung masasaktan ka lang ng paulit ulit. Pero tuloy ka pa rin.
It's hard to fell inlove especially to the person whom you're very close with. Yung tipong ayun na! Naramdaman mo nalang at dun pa sa taong sobrang malapit sayo at alam mo naman na di na maglelevel up pa. Ang sakit no? Naranasan ko na yan. Sobrang sakit lang ang dinulot sakin. Pero eto parin ako. Alive! At kinakaya pa naman :)
I'm the kind of person who never gives up so easily. Kapag alam kong kaya ko pang ihandle. Hindi ako susuko. Hinding hindi. Pero dumating na rin ako sa point na natauhan na ako. Yung tipong, I give up because I don't want to hurt myself all over again and trying to heal every wound. And after I cure the damage, all the reasons that make me smile will be the same person that will let the wound come back again. Yung bang cycle na. Paulit ulit. Same old stories nalang.
I can say that I'm in the stage na medyo okay na. Yung tanggap ko na lahat na hanggang dito nalang. Wala nang iba pa. Pero minsan di ko pa rin maiwasan hindi masaktan kasi siguro hindi ganoon kadali dahil araw araw kami nagkakasama. Yet, Im happy kasi di na ako naiilang sa kanya. I care for him pero hindi na tulad ng dati na sobra. Di ko na sya ganon namimiss. Ang sarap sa feeling dba? Feeling ko recovered nako. Pero hindi pa pala. Kasi hindi madaling maalis yung feelings ko sakanya. He just confess his feelings to me a while ago to another girl. Hmm. Lahat na ng girls nagistuhan nya, pero ako. Hindi nya ko makita kita. Ehh ako naman 'tong nasa harap nya.
Aaminin ko, nasaktan nanaman ako. Di naman kasi ganun kadaling maiwasan lang lahat diba? Kasi ang dami kong tanong sa kanya na hindi ko matanong tanong. Bat ba kasi sa iba pa? Ayaw mo ba talaga sakin? Bat ba hindi mo ko makita kita? May mali ba sakin? Kulang pa ba lahat ng ginagawa ko sayo?
Actually, ilan lang 'yan sa mga katanungan ko. At alam kong hanggang tanong nalang 'yan na hindi na masasagot. Kasi I admit, I don't have the courage to tell him how I feel and how to start open the topic. And I do believe that it's better left unspoken. :(
Now I realize na, lahat tayong nagmamahal ng totoo at nasaktan. Kayang kaya natin magmove on. Basta gugustuhin natin at tatanggapin natin sa ating mga sarili na its time. It's a choice to move on. May sarili kang buhay. Pero I'll tell you this for a millionth time na maririnig mo 'to. Hindi talaga madali. Walang stage na madali sa pagmomoveon. Kasi naman diba. May mabeblame ka ba. Admit it, ang hirap talagang tanggalin sa sistema mo ang nakasanayan na. Yung how you stalk, how you smile with him yung ganon. Ang hirap. Kaya ako eto. Unstable parin yung pagmomoveon ko. Pero Im taking it step by step. Kasi from the start alam ko kailangan ko 'to. Kailangan kong magmove on. Kasi alam ko sa sarili ko na our relationship would not take the next level. Kaya ako sa sarili ko alam ko kailangan ko to. Kaya ko ginagawa.
Kayo? Alamin nyo muna kung kailangan nyo. Kung gusto nyo lang. Kasi mahirap gumawa ng move hangga't di mo alam yung paparoonan mo. Kailangan lahat may purpose. Hindi ka gumagawa ng isang bagay para sa wala.
No comments:
Post a Comment
Please feel free to tell me your insights ☺