"Wala nang hihirap pa na magmahal ng taong alam mong TAKEN na"
I'm blogging this topic kasi nainspire ako sa experience ng closest college friend ko. Hmm. Bigla ko lang nilagay yung sarili ko sa pinagdadaanan nyang 'to. Kami yung tipo ng tao na hindi dinidibdib ang mga problema. Always happy! FUN LANG. Kasi we believe na di mo naman kailangang dalhin o ipakita sa lahat ng tao especially sa friends mo yung sakit na nararamdaman mo kasi pati sila madadamay sa bigat na nararamdaman mo. Ang isang tunay na kaibigan mararamdaman nalang din yung sakit sa kalooban mo bigla even though not letting it show.
Well, here comes the story. She fell inlove with our friend. Our friend who's taken for almost 6yrs. MapapaBAKET ka nalang bigla diba. Bakit kailangan mo pang mainlove sa taong alam mong pagaari na ng iba. Pero may mabeblame ka ba? Wala diba. Wala. Kasi hindi mo yun kagustuhan. Naramdaman mo nalang at hindi mo macocontrol ng ganon ganon nalang ang feelings mo. Admit it. I'm right.
Araw araw na asaran, awayan, bangayan pero nauuwi parin sa tawanan. Ganyan sila araw araw. Minsan nga magugulat ka nalang.. Ayan na. Nagbabangayan na yung dalawa. Yung isa nagsusuplada, yung isa pahard to get. Di maintindihan. Haha! Minsan ang sarap nila panoorin kasi sila yung tipo na wala lang. Nagpapakasaya lang. Ineenjoy lang pero through asaran. Pero never ever naman silang nagaway na seryosohan. Masaya sila parehas sa company ng bawat isa. Kaya minsan talaga masasabi mo nalang. "Pwedeng pwede na eh. Perfect and happy couple to be na... SANA. kaso TAKEN na e. Sayang!" Matatanong mo rin, masaya kaya sya sa relasyon nya? Ganyan din kaya sya kasaya pag kasama yung girlfriend nya? Yung nga big smiles na lumalabas kapag nagaasaran sila, nalabas den kaya yun pag sla na nung gf nya magkasama? Iba kasi ang saya nya e. Kaya talagang mapapaisip ka tuloy.
Sometimes some questions will just pop up nalang sa isip mo. "May hidden feelings ba 'tong dalawang to? Di lang ba talaga maexpress nung isa kasi may girlfriend na sya? O kaya naman, baka wala lang lahat to, sadyang gentleman at sweet lang sya?"
It's difficult when you're clueless. It's hard not to assume. Kasi bigla nalang magpapakita ng motibo e. Bigla ka nalang papakiligin unexpectedly. So ano nalang? Are we just playing around? Is it like this nalang? Hmm.
Until now, we are all clueless. She is clueless. We never know a thing. Pero I admire my friend because she knows where to put herself on the situation. Yes. She assumed. She expected but knows her limitations. Wala syang balak manira ng relasyon. You know, it's love. Kasi she's happy kasi masaya yung mahal nya. Kahit na alam mong hindi na maglelevel up pa tatanggapin mo nalang.
Ang hirap pigilan ng nararamdaman. Kaya kung sa simula palang alam mong it will get bigger, yung nararamdaman mo sa taong taken na. You stop it there right away kasi I assure you, mas masaket at mas hihirap pa.
But you know, you can't control everything that easy. So kapag nandon ka na sa sitwasyon na yun. Just know your limits. Enjoy-in mo nalang ang mga nangyayari and one time, masasabi mi nalang na "he's a beautiful memory that helps me to grow" matututo kang tanggapin ang mga bagay na alam mong di mo makukuha. Kasi di lahat ng gusto natin napapasatin.
Don't ever question God for letting you feel one sided love. May purpose ang lahat. Maybe binigay nya sayo ang isang tao hindi para bigyan ka ng bigat sa loob. Minsan binigay nya 'to para matututo ka. Mag grow ka. Maging mature ka and to accept things that we can't have. To know the meaning of Acceptance. To limit ourselves... Ang dami. There are so many reasons kung bakit and madidiscover natin to through ourselves.
Wag kang magmukmok kasi di mo sya makuha. Yung taong gusto mo di ka mahal. Wag na wag. There is one person na para sayo. Dadating sya. For sure. And I will say, napakadaming mas mabibigat na problema ang pinagdadaanan ng iba. Hindi lang ikaw ang nalulungkot. Hindi lovelife ang pinakamabigat na problema. Naku. Napakadami pa. So imbes na isipin mo ang pagmumukmok. Isipin mo yung brighter side ng lahat ng nangyayari sayo. Kahit sya, yung pagdating nya. It's not a mistake, it's a blessing :)
No comments:
Post a Comment
Please feel free to tell me your insights ☺