Ako yung taong hindi mahilig sa sports. Hmm. Di ako nageenjoy sa mga games kahit intrams. Gusto ko lang yung opening pag ganon. Haha! Ayaw ko talaga ng games. Kahit ano pang games yan. Mapacomputer games o kung sa cp game pa. Ayaw ko talaga o more like ayaw nila sa akin. Hehehe.
Pero kanina, I watched. Hmm. Yes! I watched a basketball sa school namin. Andon kasi bestfriend ko! I really need to support him. To cheer out loud and scream "GO BEST! GO BEST WHOOOOO! BESTFRIEND KO YAN" ganyan. Hihi. Ewan ko. Ang galing nya. Lalo nanaman akong nahulog. Haha. Pero bago magstart yung game. Sabi ko dun sa mga friends ko, "agahan natin ha. Agahan natin. Para dun tayo kung nasaan yung mga players para maasikaso ko sya. Hihi"
Pero bago din yun. Sabe ko sknya. "Best ha. Chicheer kita ng sexylove tapos may backup ako (yung dalawa kong classmate) tapos may mascot. (Yung isa kong classmate na chubby pero cute na bet nung isa kong classmate na ggawin kong backup! Hahha. Inaasar nya kasi lagi yun) tapos ang respond nya sken tumawa lang sya. After ilang oras, bigla nyang snbe "PAG TALAGA SA INYO HA. WALANG NAGSEXYLOVE" hihihi. Jusko kinilig ako ng husto :> pero syempre hindi naman pahalata no. Haha
So ayun na nga. Ako ang nagwagi dahil nakuha namin yung spot kung saan magsstay yung players. Hihi. Naging mejo julalay nga ako. Haha. Pero ang pinaka nakakatunaw don!!! Yung nakaupo ako sa bleachers tapos bigla syang nagtanggal ng shirt mismo sa harap ko. Jusko po! Natunaw ang lahat sa akin. Bigla ata akong nagkasala. Hahaha! Sobrang hot ng bestfriend ko. Yun nalang pumasok sa isip ko. Pinigilan ko na ren ang sarili ko na palalimin pa kung ano man ang naiisip ko. Hahaha. :>
So ayun na nga. NagGame na. Pagod na pagod sya. Walang water. Kaya ako eto. Si superbestfriend na naman na to the rescue. Gora bili ako agad ng dalawang tubig para sa kanya. Syempre ayko naman mapapagod sya tas wala iinumin. Haynako. Ayoko! Hahaha :> Medyo martyr eh no?
Pero ang blog na 'to talaga ay para sa mga babae nya. Ang daming nanood para sa kanya. Yung mga naging kalandian nya. Hays. Ano ba namang ubra ko don sa mga yon. Ang gaganda kaya non nila. Mga richkid pa. Kapuputi. Eh ako mahahalintulad ata ako sa melted chocolate na hinaluan mo lang ng gatas. Hihihi. Ang hard ko sa sarili ko. Haha. Pero wala e. Andon yung mga may gusto saknya. Mga ex nakalandian at dumating yung kaMU nya. Hmm. Ang saket non. Ayoko magsinungaling pero nasaktan ako. :( ano ba namang laban ko dun sa kaMU nya na friend ko. Di naman sya ganon kaganda. Pero maappeal atska mabait naman yun. Hmm. Pero wala e. Gusto nya yun kaya suportado ko sya. Pero may mas masaket pa. Kasi dumating den yung babaeng mahal na mahal nya pero kahit kelan snbe nya sken na hindi maggng sla dahil para bang langit at lupa. Pero mahal pa rin nya yun. Tapos nung nakita ko yun. Tinawag ko sya 'best! Gaganahan ka na!' At ang sagot nya sakin? 'Oo nga eh' ang sakit diba? Huhuhu. Ako yung nandon. Ako yung simula pa lang sya na ang inisip ko. Pero it's like I dont exist. :( huhu. I admit. Di naman ako hipokrita na magpapanggap pa. Pero nakakainis. Nasasaktan den ako syempre. Nakakabwisit lang kase ayaw pa ng puso ko na tigilan na ng tuluyan. kakainis dba. -.- at ako, eto! Magpupuyat para gumawa ng assignment at gawan sya ng assignment habang sya ayun! Malamang nagpapakasaya kasama yung mga babae nya. Hmm. Wala e. Bestfriend ako. Kailangan kong gawin to through my own will because I really want him not to burden anything that I know I can help him to.
After all these, I realized what Love really means. It's the feeling of happiness. Makita mo lang sya masaya at okay kahit na hindi ikaw ang dahilan ay okay na rin. Kasi hinding hindi maipapalit ang kasiyahan ng mahal mo ng kung ano pa man. It's a thing yo let him go and set him free.
Ang tapang ko no! Syempre kasi alam ko namang di nya 'to mababasa eh. Hihi. Alam ko namang ako lang ang makakaalam lahat ng 'to. Nararamdaman man nya.. pero I know, hindi na maglelevel up pa yun.
But I'll continue blogging about my life especially my MARTYR LOVE to him. Sobra na ba yung pagkamartyr ko? ;(
No comments:
Post a Comment
Please feel free to tell me your insights ☺