Tuesday, August 27, 2019

Spotify Playlist



Tuesday, February 12, 2019

Move on, Moving on, Moved on

What is move on? How to move on?

This blog will talk about my thoughts and opinions in Moving On.

Yan yung mga famous lines na madalas natin mabasa or marinig sa mga broken hearted. Paano nga ba mag move-on? Saan magsisimula? Ang hirap diba? Hindi lang ang tanong na yan ang mahirap sagutin pati na rin ying application if nasa situation ka.

Hindi ako expert dito, hindi ganon ka-wide yung experience ko. Pero I can say na ang dami ko natutunan sa heart break. Isang tao sa isang libong lessons. Isang beses pa lang naman ako nasaktan ng todo todo pero parang mga pang sampung tao na yung sakit na binigay sakin. Sabi nga nila, OJT ko daw yun sa love. Hahaha!

Lahat tayo dadaan sa pain, sufferings. Minsan panalo tayo, minsan talo rin tayo. I want to start siguro sa kwentong pag-ibig ko. Nainlove ako sa taong akala ko TAMA para sa akin. Masyado ko syang nakita as my perfect guy kahit napakadaming flaws na nakalatag sakin. Well, maybe kasi nabubulagan ka talaga pag-inlove. Pero I admit it, I am a paranoid, nagger feeling girlfriend. Sino nga ba naman ang gusto ng ganon? Maya't maya chat ako ng chat. Text ako ng text pag hindi nagpaparamdam. Gusto ko bawat kilos nya nalalaman ko. Kung sino kasama nya, kung anong ginagawa nya. Hahaha! Baliw no? Pero I think its normal because it's almost my first time na magkaron ng love life at this age. High school pa yung last ko, so nadala ko yung immaturity ko up until that relationship. And to conclude everything, my fault. I'm not saying na kaya hindi nagwork because ako yung mali, madami rin syang maling nagawa. May mga dahilan rin kung bat ako napaparanoid. Girls' instincts will always be true.

But after all the heart aches. ang dami dami dami kong natutunan! Binuksan ko kasi yung mind ko and yung heart ko bakit nangyari lahat nang iyon. Hindi ako magpakanegative ng matagal na time. Nung una syempre, bitter ka, galit ka. Pero mas tinanggap ko at inintindi ko ang bagay bagay.

Una, kailangan mong tanggapin na ganon talaga. Normal na nangyayari.
Pangalawa, kailangan mo lang iendure yung pain. Yakapin mo. Wag mo pigilan.
Pangatlo. wag ka magpakaipokrita na ayaw mo na talaga, na wala ka ng feelings kung meron pa naman talaga.
Pang-apat, pabayaan mong unti-unting maghilom yung sugat.
Pang-lima, Magspend ka ng time para sa sarili mo.
Pang-anim, magreflect ka bakit binigay sayo yung challenge na yun at bakit nagkandaleche leche ang lahat. (Hindi lahat kasalanan nya. may mali ka rin)
Pang-pito, tanggapin mo na kung madami syang pagkakamali, marami ka ring pagkakamali.
Pang-walo, magugulat ka nalang na unti unti nang nawawala yung galit at puro brighter side ng experience nalang ying makikita mo.
Pang-syam, ang dami mo nang lessons na natutunan.
Pang-sampu, mas tumalino ka na.

Pagkatapos ng learnings ko, hindi ako natakot pumasok sa relasyon ulit. Kagaya ngayon, masaya ako sa boyfriend ko. Masaya kami. We respect each others' individuality as a person. May buhay sya, may buhay ako. May oras kami na para sa amin lang din. Hindi selfish. Hindi pansariling kagustuhan lang sinasaalang alang. Narealize ko na siguro yung previous ko, hindi talaga sya para sa akin kasi may taong mas mamahalin ako ng totoo at yun yung boyfriend ko. Also, masaya na rin yung previous guy ko. Hindi ko inexpect na may magtatagal sa kanya pero look at him now, he's happy and contented.

Minsan kasi hindi natin kailangan ang mga negative sa buhay natin. Ang dami ng problema ng mundo. wag na tayo dumagdag. Isipin mo nalang lahat ng brighter side why it happened.

Don't be selfish. Isipin mo at i-weigh mo yung do's and don'ts to keep a relationship stronger.


DISCLAIMER: I AM NOT A PRO AND NOT INTO A PERF RELATIONSHIP.

I just wanna share my thoughts and tell the world how blessed I am for my learnings because He gave me my one great love 💕 I love you my MVP!






Wednesday, January 2, 2019

My Greatest Gift

Your love is the greatest gift of all 😘


Ikaw yung plot twist ko, ikaw yung happiness ko simula nung makilala kita, ikaw yung nagbigay kulay sa black and white kong buhay. Ikaw yung taong hindi ko inakalang mamahalin ako ng buong buo. Sa kabila nang lahat, andito pa rin tayo. Sobrang matatag. Maraming may ayaw, maraming tutol, maraming nanira sayo, maraming nagpahiya pero mas marami ang naniwala at nagmamahal satin. 
Kahit kailan, hindi mananalo ang galit. Hindi tayo matitinag sa mga pasimpleng parinig. Yung pagmamahal ko sayo, walang wala sa mga baliktad na pagiisip ng mga taong may ayaw sa 'tin. 
HAHAHAHAHAHA totoong tinatawanan nalang natin ang mga yon. Dahil sa kabila ng lahat ng paninira at pagpapahiya, ano bang napala nila? Napaghiwalay ba nila tayo? Malabo pa sa malabong HINDI! At nagagawa pa ring magparamdam. Like, asan ang sariling bait? Hahahaha walang masamang bumati, pero masamang bumati pero galit na galit lang kahapon? Yung totoo? Hahaha.
Pasalamat siya at hindi nya ako katulad. 😊 Mas mahal na mahal ko kung anong meron tayo ngayon kaysa makipagaway at pagtuunan nang pansin ang mga walang kwentang bagay. Sa ilang bwan na magkasama tayo, ramdam na ramdam ko ang pagtanggap sakin ng pamilya mo at pagmamahal, parang pagmamahal rin sayo ng pamilya at mga kaibigan ko. Sobrang kamahal mahal mong tao MARK STEVENS, mahal ko. ♥️ Ibinigay ka nya sa akin dahil alam ni Lord na kaya kitang ipaglaban at hawakan sa lahat ng aspeto. Susuportahan kita, tutulungan kita, palagi lang akong nandito sa tabi mo. Hinding hindi kita iiwan. Hinding hindi kita papabayaan at hinding hindi kita bibigyan ng dahilan para malimutan mo kung paano, bakit at gaano mo ako kamahal. MAHAL NA MAHAL KITA BEBE KO! Hinding hindi kita ipagpapalit kahit kanino man. Sa hirap at ginhawa, maaasahan mong palagi kitang kasama. 

Sa mga susunod pang taon love, sa mga susunod na bwan, kapit lang tayo. Laban lang tayo 💪🏻 

I LOVE YOU VERY MUCH, MY MARK STEVENS 😗🤗














Sobrang swerte ko sa pamilya mo! Sobrang swerte ko sayo, MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA. AKIN KA LANG, AT AKIN KA LANG. 🐽♥️😘



Saturday, November 3, 2018

Message to you, all. Appreciation Post 😊

Appreciation Post for my Boyfriend ❤️😍

Mark is just a plain simple guy who makes mistakes. Tao lang din nagkakamali, nasasaktan, nakakasakit pero sa saglit na panahon na nakilala ko sya, pinakita at pinaramdam nya sakin kung gaano sya kalayo sa mga lalaking nakilala ko. Ang dami ko nang nakilalang lalaki. Ang dami ko nang narinig na story about sa mga lalaki, sa mga kalokohan nyan nila. Ang dami kong kaibigang lalaki na open sakin sa mga trip nila sa buhay, mapapositive or negative man yan! Hahaha. Kaya alam na alam ko kung paano kumilos at humarot ang mga 'yan. Naranasan ko ring masaktan ng paulit ulit, yung magpakatanga ng paulit ulit din. Yung harap harapan ka nang niloloko pero tinatanggap mo pa rin. Hahaha! Ganon kalala. Naranasan ko naring umiyak nalang bigla kasi maiisip ko kung gaano ako kagaga at katanga. Sa mga panahong iyon, nawalan ako nang tiwala sa mga lalaki. Tipong tinatak ko na sa isip ko na walang lalaking hindi magloloko. Ganyan yan sila.

Pero dahil kay Mark. Dahil talaga sakanya, pinatunayan nya sakin na wala naman ngang perpekto. Kahit sya nagkakamali, kahit ako din mismo nagkakamali. Pero pinakita nya sakin kung gaano kasarap magmahal sa taong willing tanggapin na tao ka lang din, magkakamali ka pero dahil sa lakas ng pagmamahal nyo sa isa't isa, mapapatawad nyo pa rin. Si Mark yung nagpatunay sakin na sa past relationship ko, hindi dapat ako magtanim nang galit. Dumating yun dahil kailangan, para matuto at para mas maging marunong ka na sa susunod na pangyayari sa buhay mo. Sa kabila nang lahat ng sakit na naramdaman ko, hindi ako nagtanim nang galit. Hindi ko hinayaang masira ang pangalan ng taong nanakit sakin. Hinayaan ko sya na gawin ang gusto nya at ipagpatuloy nya ang buhay.

Si Mark yung tipong nagparamdam sakin na ayaw nyang makasakit ng damdamin ng iba. Kahit alam nyang wala na syang magagawa, at masasaktan ka na nya, gagawa pa rin sya ng paraan wag lang mas bumigat pa yung nararamdamam mo. Sobrang layo nya sa nagparamdam sakin ng sakit. Siguro kung ako yung taong masasaktan nya, siguro magpapasalamat pa rin ako kasi alam kong hindi sya makasarili. Hindi lang yung kaligayahan nya yung uunahin nya, iisipin nya pa rin kung okay ako kasi mas magiging okay sya kung okay ako. Ganon ba. Ganon syang tipo nang lalaki na sobrang malayo sa iba. Na kapag nasaktan ka, bahala ka na. Ikaw na yan. Magsosorry pero minsan di mo ramdam. Si Mark lang yung lalaki na nagpatunay sakin na meron pa rin ngang tulad nya na marunong timbangin ang bawat sitwasyon.

Kaya sobrang blessed ko, sobrang masaya ako na yung taong inaangat ko sa post na to eh hindi lang basta kaibigan kung hindi ka-partner, best friend at boyfriend ko! ❤️ Sa mga taong hindi sya naiintindihan, sa mga taong walang ginawa kung hindi siraan sya at tignan yung mga bagay na nagawa nyang mali, ako mismo ang magpapatunay na walang wala ang mga maling nagawa nya sa lahat ng kabutihan at matalino nyang pamamaraan sa buhay. Pero lubos lubos ang pagpapasalamat ko sa mga taong hindi sya tinalikuran at naniwala sa kanya. Hindi kayo nagkakamali.

Ako mismo ang unang unang magtatanggol at magpapatunay na yung Mark ko, marunong tumimbang na bawat bagay. Lahat tayo nagkakamali. Hindi lang sya, ikaw rin. Wag natin tignan ang mga bagay sa isang side lang.

Ayun lang, gusto ko lang sabihin sa inyong lahat na kahit anong mangyari, mahal na mahal na mahal ko si Mark. At hindi ko magagawang iwan sya sa kahit anong laban, kung kalaban nyo sya, kalaban nyo rin ako. Magkasama kami sa lahat ng aspeto at sobrang proud ko to say na ako yung girlfriend nya! ❤️

ILOVEYOU, Bi!

Tuesday, October 16, 2018

Baby-ik

Pano ko ba 'to sisimulan?
Ang hirap magsimula ngunit mas mahirap tapusin. 😊
Ito yung mga bagay na hindi ko inakala,
pero pinagdasal ko ng lubos.
Dumaan sa iba't ibang pangyayari na bigay ng buhay,
Sumabak sa laban ng walang sandata.
Isinuko ang lahat para sa pakiramdam na hinahangad,
Ngunit lahat ay natapos sa pagkatalo.
Pero simula noong ika'y aking nakilala,
Nalaman ko na ang dahilan kung bakit hindi pinalad,
sa laban na pinasok ko,
sa pintuang pinilit kong buksan na hindi akin.
Muntik mawalan ng pag-asa,
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon,
Dumating ka nang wala akong kamalay malay,
walang pagpilit, kinatok mo ang pintuang kong nag-aabang lang sa kawalan.
Hindi nagdalawang isip at pinapasok ka,
Sa buhay kong patuloy na nangangapa kung ano ba ang dapat.
Tama ba? Pinagtagpo tayo sa napakagandang oras pero puno ng pero.
Patigil tigil, puro paghihintay, puro kasiguraduhan.
Ipinaramdam satin ang halaga ng desisyon. 
Ang pagtitimbang kung ano ang mas nararapat, 
Kung ano ang mas makakabuti.
Hanggang sa dumating tayo sa puno na walang dulo.
Sa puno na agad nagbunga at nangamoy pag-asa.
Pag-asang binubuo natin ngayon.
Sa samahan na araw araw nating inaalam at pinapagtibay.
At higit sa lahat, ang patuloy na pagtiwala sa Kanya. 😇
Sya ang tunay na dahilan kung bakit tayo nagkatagpo.
Pinakilala ka nya sa akin upang hindi maging pagsubok,
Bagkus ay para matutunan lumaban ng hindi mag-isa.
Pinatunayan nya sa aking mayroon pa ring tamang tao,
Tamang tao na magpaparanas sakin nang kakaibang ligaya
At magpapatunay na karapat dapat pa rin akong mahalin.
Lubos ang aking pagpapasalamat na ibinigay nya sa akin ang tulad mo,
na dati'y pinapangarap, pinagdarasal at minsang inasam,
At heto na tayo ngayon, 
Malaya na akong sabihing, SA AKIN KA, MARK STEVENS.
Mahal na mahal kita. 

"Oh kay tagal kitang hinanap... oh Kay tagal ko ring nangarap na makapiling ka, oh aking mahal.
Pangakong hindi ka iiwanan at hindi pababayaan.
Oh anong saya ang nadarama"

Sa isang bwan na ipinagkaloob nya sa atin ng magkasama ay higit pa sa inakala ko. Marami pa tayong pagdadaanan mahal ko, marami pa syang ibibigay na pagsubok. Susubukin ang samahan natin pero pag magkasama, pag patuloy na nagiintintindihan, alam kong kayang kaya natin tong lagpasana. 

Friday, April 13, 2018

Akala ko

Akala ko noon ako'y palayo na.
Ngunit sa isang iglap ng iyong ngiting para sa akin,
Itinalon ang malayong agwat at humarap nang muli sa'yo.
Umasang tama ang naging desisyon ko.
Ipinaramdam ng kaunti ang natitira mong pag-ibig.
Lumigaya namang saglit,
Ngunit bakit parang may mali pa rin.
Pinilit intindihin ang mga bagay na alam kong nagbibigay depinisyon sa iyong sarili.
Binigyan ng pagkakataong yakapin ang iyong mundong nakasanayan, ang iyong buhay na ginagalawan.
Ngunit, sa kabila nang lahat,
Aking napagtantong ibang tao na ang hinuhubog kong maging ako.
Hindi tamang pilitin ko ang aking sarili para lamang masakyan ko at masabayan ang iyong pag-ihip.
Hindi tama. Hindi.
At sa isang iglap nang aking pagpikit,
Pagpikit nang saglit habang malalim ang iniisip sa aking muling pagbalik,
Pagbalik sa iyong bisig, yakap at halik..
Bigla nalang tumulo ang luha,
Nagtaka at idinilat ang mga matang tila'y nakapikit.
At sa aking pag gising, nakita kong sa iba mo na iniaalay ang akala kong pag-ibig na aking binalikan.
Matapang na binalikan sa pagasang alam kong mayroon pa ring "tayo".
Bakit ganoon? Bakit ganoon kabilis?
Isa lamang ba akong pagsubok na iyong sinubukan para malaman kung may natitira pa?
Isa nga lang ba akong parausan sa mga panahong walang wala ka?
Isa nga lang ba ako sa mga babaeng patuloy mong niloloko?
Isa nga lang ba ako, isa nga lang ba ako sa mga taong iiisantabi mo lang matapos na pakinabangan?
Maraming tanong na alam kong hindi na masasagot.
At ito na rin siguro ang panahon upang iwanan ang mga katanungang ito dito sa aking kinakatayuan.
Eto na, eto na ang simula,
Simula nang tunay kong paglayo...
Wala nang lilingunin, tatakpan ang tenga at mata.
Hindi na makikiramdam sa mga ihip at haplos,
Hindi na muling papapigil.
Wala nang pintuan para sayo, mahal ko.
Tanging dasal ko lamang, lumigaya ka sana nawa, sa mga kagaguhang hinding hindi mo natatapos.


Thursday, April 12, 2018

Positively Happy

I don't know if I should blog this but I think it will help my mood and feelings.

It happened very fast. I don't know. We were good at first and biglang hey something poked me na hindi talaga right and I'm not okay sa set up.
Yes, I understand him more the moment I met his friend. I tried. I really do. Tinry ko yung set up na gusto nya and tinry ko rin yung attitude na will catch him but 'til the end, wala pa ring nangyari. Things don't really work out the way I wanted to be.

I realized that maybe we really differ in lifestyle. He's a guy who party, a guy who loves everything that will make him "YOLO". He is a guy who prioritize FUN. And I am not. I prefer chitchat with friends, hangout with friends pero not in a party way. Siguro sa ganong matter kaya I can't understand him and he can't understand me.

Yes I was also shocked. That in just few days of not being okay, he is inlove with another girl na tipong lagi nyang sinasabi sakin na he's not into playing and stuff na (Hahaha okay gaga alert para maniwala ba?) Another thing, sa ganon kabilis? Well i don't want to comment na hehe. And yea, I thank God coz he made me strong. Nashocked, somehow nasaktan in a way but hindi grabe. And i'm wondering kasi na yung issue namin is publicity, then all of a sudden, he's posting a girl's photo and all pero ang show off nya sakin he doesn't want to do that. Idk what's his purpose pero Idk I felt pain yet I also felt happiness for him.

Maybe this time, that girl would change him. Maybe that girl is the answer to all his wants. If ever, I'm happy for him. Sana nga si girl na.

Let's all be happy and accept everything that happened na. Yea, ginago ako. I invest and invest and invest and invest pa pero walang ROI. Hahaha. Pero ganon naman talaga siguro. Kahit anong pakita mo ng worth mo, pag hindi ka gusto and hindi para sayo, hindi makikita. Well, let's just accept it nalang.

I already accepted the situation. I'm just taking my time to be sad and happy at the same time. There's no room for hoping and I shouldn't have too, also.

All my prayers to the guy I loved the most and to his new girl. I wish that both of you will find happiness to each other. 🙂


Isa lang naman wish ko, na mafeel kong kahit pano naging worthy lahat ng ginawa ko and na malaman nya kung gaano ako nasaktan while risking everything for him by not asking anything in return of those investments. Pero I know di sya ganon.

And there's still a question in my mind na, why would you continue keeping me kung hindi mo naman pala ako gusto in the first place? Are we talking money matters here? You know, di ako nagsumbat. But hey, I also wanted to remind you that I was there when you needed someone.

Kung gago rin ako like him, pinagsalitaan ko na sya nang masama, minura and all. Maybe kinausap ko pa si girl, ginulo ko pa sila. Pero hindi e. Di ako ganong person to ruin someone's happiness.

Well. That's all. Si God na bahala. PLEASE DON'T MAKE STORIES FOR HER NA, DON'T LIE. JUST BE YOU.


let's all be positive. 🙂

Friday, March 30, 2018

GOOD FRIDAY

Today is good friday...

We reminisce how God sacrificed himself from our sins. God is really good.

I'm currently watching My Exs And Whys.
Seryoso ngayon ko lang naappreciate 'tong movie na 'to. Last time na pinanood ko to sa sinehan, hindi ako masyadong nagandahan. Ewan ko. Siguro kasi di ko pa nararanasang masaktan non. Yung true pain. Pero ngayon, naiiyak ako. Hahahaha!

Pero i still wanna thank God from everything.
Liza's line made me remember everything...

"Nasaktan? Kayong mga lalake kapag nambababae kayo akala niyo nasasaktan niyo lang kami. itutulog lang tapos bukas OK na.. yun ang pangarap namin! pero hindi . Walang tigil ang takbo nang utak. Pinipilit sagutin ang maraming tanong… Bakit niya kaya nagawa yun? M.. may kulang ba sakin? Am I not enough? Pangit ba ko? Pangit ba ang katawan ko? Kapalit palit ba ako? *no* Then Why !? Bakit mo ako nagawang lokohin” 😭😭😭


I also remember the line na ganito yung thought "eto eto ka na naman, nagbabalik. Ginulo mo na naman yung mundo ko "

Sobrang relate ako. Ang sakit.
Pero every night I always pray to God.

"Lord, if ever sya yung para sakin then help me to be strong. Tulungan nyo po akong kayanin lahat, na wag syang sukuan. Sa kabila nang lahat ng paglalaro nya, pageexplore nya, nawa'y humaba pa pasensya ko at maintindihan ko pa sya. Pero kung hindi sya para sakin, tulungan nyo nalang po akong kayanin na wala na talaga, kung hindi ko po kaya na agad agad syang makalimutan, tulungan nyo po ako na hindi nalang maattach. And para sa kanya Lord, kung hindi nya ako nakikitang para sa kanya, maisip nya sanang hindi na ako paglaruan. Pero sana Lord, maisip nya at maalala nya kung ano yung worth ko. Kung ano yung kaya kong gawin para sa kanya. Kung gaano ko sya kamahal. Pero kung hindi talaga kami para sa isa't isa, nawa'y magsilbi nalang kaming lesson sa isat isa. At ilapit nyo po saamin yung taong para samin. Hindi pa rin po ako nawawalan ng pag-asa Lord, naniniwala pa rin ako sa timing nyo. This time Lord. maghihintay nalang ako. Kung kami, hihintayin ko yung perfect timing namin na okay na sya. Okay na ko. Ready na kami na kami lang dalawa. Pero kung hindi, maghihintay ako sa tamang tao para sa akin. Thank you Lord! So much."


Yung movie na to. Sobra akong affected. Ang hirap magmahal, ang hirap magtiwala ulit pero I swear, hindi ko rin alam bakit hindi pa rin ako sumusuko sa love. Kahit anong gawin ko, kahit anong itry ko na mainlove sa iba, sya pa din yung on top. Malapit nang mag isang taon. Pero naniniwala pa din ako sa plans ni God for us. Eventually, my answers will be answered. I'll always praise you, Lord! 😇





Monday, March 12, 2018

Palayo

Sa t'wing naaalala kita,
Lalo akong sumasaya sapagkat naaalala pa pala kita.
Gabi-gabi kong idinarasal na sana,
Sana dumating na ang araw na hindi na kita maaalala.
Ipinagdarasal ko sa Kanya na kung ikaw ay di para sakin,
Tulungan nya sana akong tuluyan ka nang mawala,
Mawala sa bawat oras, lugar, pangyayari na ika'y palagi kong naisasama.
Patagal ng patagal, palayo na ako ng palayo.
At kung paano ako lumalayo,
Ganoon rin ang paraan mong paglayo sa akin
At sa bawat ihip ng hangin, dumarating na.
Dumarating na ang araw na tuluyan na nating malilimutan ang lahat ng namagitan.
Ang dami kong natutunan.
Ang daming nagpamulat sa akin sa kakaibang lakbay na ito.
Sinama mo ako sa byahe mo,
Ngunit iniwan mo lang rin ako sa may dako.
Hindi ako nagalit, kung hindi mas inintindi ko kung bakit.
Bakit mo nga ba ginawa sa akin iyon?
Mali. Bakit ko nga ba hinayaang gawin mo ang mga bagay na alam kong hindi ko dapat inako.
Bakit ko pinapasok ang isang taong alam kong hindi naman talaga para sa akin.
Mali. Ito'y dahil binigyan ako ng leksyon.
Hiniling ko, hinanap ko, minadali ko.
Napala ko kung ano ang dapat mapala ko.
Pero ngayon, ito na ang panahon ko para magising.
Mamulat, matuto at gamitin ang lahat sa pagpapatibay ng sarili.
Habang ika'y lumalayo, hindi na ako nakatayong pinapanood ka,
At hinihintay ang bawat paglingon mo sa iyong likuran.
Habang ika'y lumalayo, itatalikod ko na rin ang aking sarili,
Palayo sa taong minahal ko ng buong buo at nagbigay sakin ng napakaraming aral.
Hanggang sa muli, haharapin ko na ang taong para sa akin habang ako'y tuluyan ng tumatalikod sayo.
Tamang oras, tamang panahon at tamang tao.


Wednesday, February 28, 2018

Take Her To The Moon

by: Moira Dela Torre

I know it's been a while since our eyes last met
Too many words were left unsaid
Your head was poking out of the driver's seat
Eyes full of tears, I couldn't leave

No matter what I do,
I still feel you coming back to me
When I know that you never will
So before I say goodbye,
would you do one last thing for me?
Be happy

And take, take her to the moon for me
Take her like you promised me
Say you love her every time like how you told me the last time
Someday I know we'll meet again
In heaven by the rainbow's end
And I only wish you happiness
Until we meet again

Wish I could stick around and fight back your tears
Tell you "My love, I'm still here"
Someday we'll understand why I had to leave
But for now I need you to set me free

No matter what I do,
I still feel you coming back to me
When I know that you never will
So before I say goodbye,
would you do one last thing for me?
Be happy


And take, take her to the moon for me
Take her like you promised me
Say you love her every time like how you told me the last time
Someday I know we'll meet again
In heaven by the rainbow's end
And I only wish you happiness
Until we meet again

No matter where you are
You'll always have my heart
No matter where you are
I'll love you from afar

So be happy


--

This song give me so much feels. Someday we'll meet again. I just want you to be happy. :(

Thursday, January 11, 2018

Three and Eleven

A tragic year ended so fast
Nightmare that I'm finally out.
Another year I wanted to gasp.
New chapter I will surely shout.

You came in unideal way
Yet you started my year so right
This feeling that I need to chase,
even if we differ in height 🤣😅

A crush that never mine to keep.
Those feelings of mine are all tips.
I'll make myself happy and grip,
'cause you made me feel like a kiss 💋😘

I'm enjoying every minute,
Laughters, teases and seriousness,
Those we're the traits that winning it.
Thank you for all your kindness.

I am really glad that I knew you, dear!
A precious someone I will surely cherish and treasure!

Thank you for enlightening my life bugsbunny! 😍🤗 Whatever it may be, i'll always be happy for you and for your lovelife's big heart. I know how you love your girl and how you treat a female right. You deserve a hands up! 😎🤣🙌🏻

For more cheers moment besh. 😀🍻

Wednesday, December 27, 2017

A 2017 Journey

My life has been a roller coaster ride with you 2017. Fun, new experiences, happiness, love and life lessons... It took me a year to realize so many things this 2017. A splendid year turned into messed up, disaster, wonderful and full of lessons year. I will never forget this year! I know I am. SOBRANG DAMING GOOD AND BAD MEMORIES MO 2017! Tho, you really made me a better person. 

Let's start to tell my story from the month of January. This is the start of my new experiences. A new Renzi entering her new life with new friends and old friends. I got to experience so many things on my own. And then I knew this guy, sobrang bata nya pa. Pero uhaw na uhaw nga sa pag-ibig, so why not. Let's try! Nagustuhan ko naman sya, namiss ko rin yung feeling na may umiintindi. Pero ang bata nya masyado so hindi rin kami nagwork out. Naging nagger, needy and clingy ako that I forgot he has a life too and I have mine. Masyado siguro ako nastuck sa relationship na "nagmumunduhan". One day, he confessed na hindi ko raw sya deserve. I have more to offer pero sya wala. So ending? I let him go, then that's the start of my fucked up 2017 love life.

I never lose hope, I tried entertaining guys. Let's say mid April, nagparamdam na naman sakin yung ka-batch ko back when I was a trainee sa Ajanta. Ever since I feel attracted naman na sa kanya, I don't know pero ang bilis ko maattach sa guy na sweet, gent pero may pagka angas. Siguro influence rin ni DJ? Hahahaha! It was so funny because I remember why he started talking to me again is because I posted a picture on IG or FB, I can't even remember the exact account but I posted a picture of me with a nice face or would I say na medyo maganda naman talaga ako sa picture na yun. So ayun, we talked, chat and all. To the point na he also wanted to meet up again because it's been almost a year since we last saw each other. I remember pa I was going to a job fair nun sa dream company ko and malapit lang sya dun that's why I pushed him too na makipagkita. Honestly, gusto ko rin talaga. Pero he gave me signals na "sasaglit lang ako ha? Pupunta pa kasi akong Manila" I disregarded that signal, go pa rin ako. So to cut this story short we met and yung saglit nya? Tumagal hahaha. Naging mas madalas yung usapan namin pero hindi rin nagtagal. Dumating sa point na niyaya nya ulit ako, I think twice pero he didn't came up. 

Hanggang sa nagcome-up ako sa isang blog post..


Moving on to the continuation of May 2017 experience, I talked to another guy. He's nice and not really gwapo pero masarap naman sya kausap. He's more needy than me kaya medyo natuwa rin ako kasi I know he's interested talking to me. Pero one day naiinis na ako sa mga hirit nya. Masyado syang natutuwa sa mg good-looking friends ko. Until one day sobrang nacucute-an daw sya sakin pero hindi raw ako maganda. So that's one thing na na-off na ako. Hindi ko na rin sya kinausap after that.

Then June 2017 came.. He also came. Eto yung experience na naging pinaka maganda at pinaka mahirap sa kin. Almost all my latest blog post ay tungkol sa kanya. He is really the one who made me stronger. He gave me so much pain, he let me felt all the feelings I must feel when I am inlove. He taught me that love doesn't mean happy endings. It means suffering and sacrificing. He made me realize that I can love more than anything in this world. I can love selflessly. But, he also made me feel all the pain I can feel, he made me feel how stupid I am when I fall in love. He made me think how small I am compared to all other ladies. But the most lesson I learned from him is that I cannot get all what I want. Not because I lived to be outsanding, most cared of, it doesn't mean I'm on the top of everything and can't be touched by anyone. He is my most wonderful yet messed up experience ever happened to me.

I suffered August-November crying and realizing what is really the reason why I met my June guy.

-

I never stopped, I still try myself hard finding someone for me. Then, I found my November guy. He came to a bad relationship but 3 years. He is caring, he somehow pursue me. He made me feel that he loves me but I always feel that there's something less. I disregarded that feeling kasi baka nga feeling ko lang. Unlike my June guy, mas nafeel ko sa kanya na he wanted to tell the world that I am his girl. He fall in love so easily so am I. Honestly, before, di ako seryoso pero habang tumatagal gustong gusto ko na sya... pero habang tumatagal, nagbabago na rin sya. Lahat ng sinabi nya, iba na yung lumalabas sa actions. Dinisregard ko pa rin. Hanggang sa dumating yung birthday ko na never ko nafeel na excited ako (first time). He started to ruin my bithday. He broke up with me during my birthday. How bullshit it is diba. After a day, I found out that he's talking to other girls. Ang bigat and masakit pero I don't know why I feel used to it. Nakakatawa lang na nafeel ko talagang sincere sya and he won't cheat because alam nya yung feeling na lokohin, he also knew everything that happened to me. Pero, naloko nya pa rin ako. Well.. so we ended things between us. He blocked me.


So that was my almost summary of 2017 love journey. Hahahah! So many lessons I will carry to be much wiser for 2018! I can't wait for another wonderful experience to face and less problems please.

Hindi naman buong 2017 akong malungkot, nakapunta ako ng iba't ibang place, natuto ako sa lugar, naharap ko yung ibang fears ko, nakita ko kung sino nga ba yung totoong kaibigan na nandyan para sakin despite of my kadramahan. Nakameet ako ng new friends, we targeted our quotas sa work and most of all, I learned so many things.. :)


I don't know where 2018 will take me but I just wanna thank 2017. Lagi kong sinasabi na ang malas ko talaga this year pero narealize ko na ito lang yung year na ginising ako sa reality. 2017 had really been so hard saken pero kailangan nyang gawin yun para matuto and mamulat ako sa real life, real world... 


Thank You! Cheers to my life journey.. Let's see what will happen next!


Thursday, October 12, 2017

Two Month Relationship

Here's a wonderful story and experience of mine. I started to talk to a guy via messenger. We're totally strangers. He's from Manila and I'm from Cavite. We don't have any mutual friends that's why it makes the moment more interesting. I get to know more about his life and all. I felt amazed and happy. We talked that night up until morning. My heart started to beat fast like it was the first time to feel a pounding heart.

He started to tell me his stories. He just ended his relationship a couple of days ago. Unfortunately, he's been in a recent bad commitment. I felt sad, angry and all.

To cut the story short, I sided him in all aspects. I believed in him. I don't care about the negativities of the situation. I just felt happy with his company. Until one day, he came to my work place. I felt so nervous and excited at the same time. It's my first time to meet a person whom I didn't know or I just talked to through social media. Yung first time na he's coming to me, omygosh. I felt so kilig. I don't know. Maybe ang lakas lang ng impact nya sakin. He made me feel yung feeling na 'be comfortable, don't feel awkward'. And for me, that's a major turn on ❤

In a very short period of time, i know everyone will judge me na 'sobrang ngayon mo palang nakilala, inlove ka na' I don't really know. Nangyari lang na isang araw, mahal ko na sya. And how blessed I am that he also loved me back. And yun na siguro yung moment na pinaka hinihintay ko. To be loved back by the person  I love. 😇💕 I prayed for it that one day he'll come. I thanked God everyday for giving me the man I am praying for.

But suddenly, my fairytale insights started to change the way i never expected. I felt his inconsistency. Bigla nalang isang araw nagmamakaawa na ako sa attention nya, sa love nya, sa time nya. I started to feel that everything is changing na unti unti. Tho ganon yung nafifeel ko, I closed my eyes. I still love him with all my heart. I centered my life to him. He is my priority, I must consider his feelings because I don't want to lose him. I gave him everything he needed just to make him feel that he's complete. Sometimes kasi, feeling nya sobrang sirang sira na sya, then I am complete. I can share it to him.

He is my man, he is my boyfriend, he is my partner, he's my king, he's the love songs I want to write, he's my inspiration, he's my one of a kind, he's my love, he's my everything but maybe I'm not his 'mine'. 💔 Maybe I'm one of his "my someone's trial" Maybe I'm just his girl to relieve the pain he's been through.

There comes the point that I don't care to myself. Wala na akong pakialam kung magmukha akong katawa tawa o magmukha na kong tanga para sa kanya. Basta for me, AYOKO LANG SYA MAWALA SAKIN! Kasi i love him so much.

Pero the story doesn't end the way I wanted it to last. He saw girls the way I never expect him to be. Sabi nya sakin, wala na syang ibang titignan. Sabi nya sakin he's not into girls like that dahil that's something gross to think daw. But hindi ganon yung nangyari. 😢

Up until now, I don't know why he caused me pain so much. Yung akala kong hindi ako kayang saktan, sya pa yung magpapafeel sakin ng sobrang sakit. Yes I know, I overthink, I nag, I felt paranoid. And that's all because of my gut feeling that he's cheating on me. 💔

I am a good investigator that I know what he did. Di nta lang alam pero alam ko.

Pero ngayon, wala nang galit. Sa kabila ng lahat, I already forgave him. We started to talk again. Iniisip ko nalang yung good memories namin together. Yung video calls, calls, selfies namin together. Those were the happy moments. The "kilig ones".

Atleast, after all these, I felt how to be treated as a girlfriend. I tried to use my effort to the person I really love. I miss those moments na masaya lang. When everything was true pa. No pagpapanggap, no lies. Just me and you. 😢

Pero iba na ngayon, maybe di lang talaga para satin yung oras na 'to. I don't know what the future will be. I know you're still talking to soooo many girls pa din. Idk if u're pursuing them pero ang sad lang kasi bakit ako di ko kayang makipag date, makipag mingle agad sa guys? Hmm.

Basta keep in mind that yung lahat ng love na binigay ko, totoo yun. Pure love. Hindi ko inisip na mapalagay ka sa mali kaya nagagalit ako kapag alam kong may ginagawa kang hindi tama. After all the wrongdoings, I still believe in everything about you. May potential ka. You're smart, madiskarte, magaling. You possessed all the traits na employer want to. Kailangan lang may magopen na opportunity.

Until now, kahit wala na tayo, I still believe in you. I still care. If you need a true friend, I am here. I hope someday you'll open your mind and heart to all my words I am telling you since day 1. Goodluck

Wednesday, October 4, 2017

Chaos

Minsan iniisip ko, ganito ba talaga? Ako nalang yung laging nasasaktan. Ako nalang lagi yung nagsasuffer?
Ginagawa ko naman lahat.. Pinapakita ko naman na worth it ako. Pero bakit parang laging natetake for granted? Bat ganito.
Bat sila ang bilis nilang makahanap? Bakit ang bilis naman nila makalimot? Bat laging may kapalit na? Bakit ako lagi nalang buo yung binibigay ko pero kahit konting effort na binibigay ko di ko maranasan na gawin naman sakin?
Ang unfair lang. Deserve ko ba talaga 'to? :(

Saturday, September 9, 2017

Unfair

Ang unfair naman.

Why do I still love you when you never did in the first place?
Why do I still care when you don't even said sorry for all the bullshits you did.
Why do I still want us to be together when you're enjoying exploring other woman?
Why do I still love you despite of all shits you did?
Why do I still can't get you out of my head?
Why do I still longing for your voice, your hugs, You!

Life is so unfair, I just invested too much feelings and love, and now I am here left alone and trying to forget all the pain that put me through.

Friday, September 8, 2017

I miss you...

Dumadating nalang ako sa puntong bwisit na bwisit pa din ako sa mga nangyari.
Tinatanong ko pa din sarili ko na, bakit ganon? Bat ko nga ba pinasok 'to? Hahahaha!
Ang dami ko nang nalaman. Ang dami dami na. And siguro sapat na yun para tigilan ko na kasi masyado ko nang napatunayan sa sarili kong hindi ko deserve yung show na binuo nya. Show that uplifts himself.
Pero hanggang ngayon gusto ko pa ring malaman kung minahal mo ba ko talaga? Nagcare ka ba talaga? O sadyang sinama mo lang ako sa listahan ng mga nilaro mo? Sakit naman. Di ba ko maganda for you? Di ba talaga ko enough kaya ka naghanap ng iba? Di ba ko pangseryosohan for you? Playtime lang ba talaga ko sayo?
Grabe lang kasi, ako, simula umpisa. Seryoso na agad yung naisip ko. Palabas lang pala lahat :(
Masagot mo lang lahat yan ng honest, okay nako. Kahit sabihin ml pang simula palang talaga, di naman seryosohan hanap mo. kahit masakit pa, basta totoo :( Kakayanin kong tanggapin.
Hanggang ngayon miss pa din kita. Gusto pa din kita. Gusto kitang kamustahin..
Gusto kitang ipaglaban, gusto kitang kausapin at sabihing let's be okay, let's be together again. Let's make things work baby.. Pero wala naman na tayong magagawa.
Kasi pakiramdam ko, wala naman talaga na umpisa pa lang.
May chance kayang mabasa mo 'to choi? Pag nabasa mo 'to, sana masagot mo yung mga tanong ko. Wag ka maghesitate na imessage ako, kasi ikaw lang naman yung hinihintay ko :(
Gaga ko! Hahahaha Alam ko na ngang gago, gusto ko pa din. Miss ko pa din. walangya lang renzi Hahaha.

How to get rid of a person who became so precious to me? How to forget? How to unlove you? How to be fine? How to accept? How to realize? How to wake up? How? :( I'm still in pain.

Sobrang lakas ng impact sakin ng mga pangyayaring to. Hindi ko alam kung kaya ko pang magmahal ulit at magtiwala. Ang hirap.

Monday, September 4, 2017

Teachings

Appreciation Post:

Thank you Lord for all the lessons I gained from bad and good experience.

You taught me the feeling of falling in love so madly.

You taught me how is the feeling of being loved by someone you loved the most.

You made me realize how capable I am to express the love I can offer.

You made me realize that love really means sacrificing everything just to make sure that your loved one is happy.

You made me realize that I am not the only good girl ever existed.

You taught me how it feels when you're really in pain.

You taught me patience.

You taught me from the first place that I should listen to you.

You taught me that I should balance my heart and my mind. Alwayd believe in your instincts because it's God's way of talking to you.

You made me realize that there are soooo many people who loves me and appreciate me that I shouldn't beg for one person's love.

You made me realize that even you did everything, you gave everything.. If he's not into you, he'll cheat, he'll lie.

You made me realize that I shouldn't trust people so easily.

You made me realize that I must not gave in so essily because I am worth a thousand efforts and feelings.

You made me realize what real love is and what love can do for all of the people.

You taught me that love offers extreme emotions. Extreme happiness and extreme sadness.

You made me realize that I should know how to wait for my turn. Don't rush things.

You taught me how to be strong.

You made me realize that I shouldn't be underdog.

You taught me to stand up when everything fails.

You whispered to me that I must continue my life.

You taught me to believe in myself.

You taught me everything that I should learn.

And most above all, you taught me how to forgive.


Maybe that's the reason why I met people. Why I met my fairytale and nightmare in one.
Atleast now, I learned how I can love someone. That I can do anything for love but atleast know my limits.

Thanks for everything, Lord! You are really the best and you never failed me. All praises! I love you! ❤

Wednesday, August 23, 2017

Huli na'ng Lahat

Tunay at masayang pag-ibig,
bakit 'tila nawalang silbi.
Iisa tayo ngunit pilit.
Damdamin ko'y hindi mawari.

Wala 'kong pinagsisisihan.
Lahat nang 'to'y katotohanan.
Ikaw pa rin aking kailangan,
Ikaw pa rin ang sagot sa pagtahan.

Inintindi ang sinabi,
pakiramdam mo nama'y hindi.
Ngunit ika'y nagkakamali.
Alam ko, kailangang harapin.

Ikaw pa rin naman, sa puso ko.
Walang iba, di kayang maglaro.
Kahit alam kong ika'y may iba nang gusto.
Di man aminin, ngunit masakit 'to.

Kahit pano ika'y nagsawa,
Sabihin mo mang hinding hindi,
Ngunit ito'y aking nadama.
Tila ika'y palayo na ng unti-unti.

Binigay ang lahat sa'yo.
Maramdaman mo lang na ika'y buo.
Pero bakit parang may naglalaho.
Pag-ibig mong sakin lang noon.

Siguro nga ito'y hindi para satin.
Tama man ngunit maling pilitin.
Kahit ipaglaban, wala namang didinggin,
Pag-ibig na nasayang natin.

Sana mawala na sa isip,
Na ako'y hindi naging totoo.
Alam kong alam mo ang kalakip
Ng damdamin kong puro puso.

Darating ang panahon,
Ako'y hindi na maalala,
ng puso mong pilit kinahon.
Isang hiling, sana'y natulungan kitang lumigaya.

Hanggang ngayon di alam,
saan pupunta ang pusong walang lugar.
Puro nalang pag-aasam,
sa susunod na kabanata'y may lugar.

Ito na siguro ang huli.
Ayaw mang aminin pero ito na.
Sana ika'y kaya nyang mahalin,
Tulad ng pag-ibig kong tinatapos na.

Masakit mang isipin ngunit wala na akong magagawa. 😭💔

Tagalog, para mas ramdam na ramdam ko. 😢

Renzi Arriola
August 23, 2017 7:24PM

Saturday, August 19, 2017

FACT. CHECK!

I agree, sayang nga talaga si Caleb bilang jowa mo. If only matino sya. Or okay lang naman kung di sya matino. Pero nalabas talaga na may halaga ka lang kasi may benefits.

Narealize ko, di ka nga siguro balak seryosohin nyan. Kasi kaya di ka nyan niligawan kasi di nya gusto ng commitment. Gusto nya lang ng kalandian after breakup. Normal sa mga lalaki yun e. Yung kalandian after masaktan. Like see, ngayon diba? Proud to say sya na ano ka ba sa kanya, di ka naman niligawan. Di ka naman girlfriend. La namang kayo. Successful sya dun kasi parang right decision na di ka nya niligawan.

Siguro sa 2 months na meron kayo, akala mo love yung nakikita mo. Pero more of kaya sya nageeffort kasi masaya sya. Nawawala yung mga stress nya sa buhay habang kausap o kasama ka.

Kaya nahurt sya nung nang-iwan ka. Kasi panglandian ka nga lang diba? So expectation nya e sya ang magliligwak sayo. Pero sorry, naunahan mo sya.
-
Kaya please lang, wag tayong papagago sa gago. Kung alam mo nang may mali, LEAVE. Wag mo na isugar coat! Tama na. Kasi dun lang mageend up. Dun lang din mapupunta. You don't deserve a bullshit!

Friday, August 18, 2017

Words of Wisdom

These are the words that I, or we must put in our minds.

Kaya mo yan!! Tama ka naman e baka nagmeet kayo for a purpose na matutunan nyang nakakapagod syang mahalin at sinayang nya yung love na inooffer mo sa kanya.
Also sayo, baka para malaman mo na ay ganun ka pala kaintense magmahal. Ngayon alam mo na san mo dapat bigyan ng limit.

For sure this time, mas nakilala mo na sarili mo pagdating sa love.

Isipin mo nalang na at least naexperience mo pano mahalin at ituring na girlfriend. Syempre diba tagal mo na ding naging single.

Syempre before may pagkaHopeless Romantic ka. Ngayon alam mo ng may mga gago talagang ready ka gaguhin kahit sobrang bait mo na sa kanila.

Thank you Treesha, you're always the best. I'm so blessed to have you as my friend talaga :)